CHAPTER 49: REMEMBER ME THIS WAY

4.4K 120 42
                                    

( Play the song for a better reading . )

DANIELLE'S POV

May pasok na naman ngayon..

Monday na kasi.. Lumipas na ang Sabado at Linggo..

Nakakamiss din pala ang high school life..

Yung nilalakad mo lang..

Yung pwede kang magcutting...

Ngayon kasi, hindi na eh....

Tapos kanya kanya pa..

Syempre, may mga kaibigan at nakakausap ka pa rin..

Pero iba talaga yung tropa nung highschool..

Bihira ko namang makita sila Neil dito sa school..

Kung minsan, nakakasalubong..

Ang kaso, batian lang..

Iba iba din kasi kami ng schedule..

Pagdating ko sa room ng unang subject ko, kukunin ko na sana ang notebook ko kaso bigla kong nakita yung notebook ni James..

Ang ending?

Binasa ko na naman..

Paulit ulit ko 'tong binasa kahit nung Sabado at Linggo..

Kabisado ko na nga eh..

Kaso ang hindi ko maintindihan hindi nababawasan ang luha ko kahit paulit ulit ko 'tong basahin..

"Hi Danielle.." bati sa akin ng katabi ko..

Pinunasan ko agad ang luha ko..

"Hi.." walang gana kong sagot..

Babae siya.. Sa katunayan, karamihan sa mga kaklase ko babae dahil bihira ang lalaking kumukuha ng Journalism..

"Umiiyak ka ba?" tanong niya..

"Ah? Hindi.. Hindi.. Wag mo akong pansinin.."

"Alam mo ba? Lahat ng kaklase natin, nakausap ko na, ikaw na lang ang hindi.. Masiyado ka kasing tahimik eh.."

"Ah, pasensiya na.. Ano bang pangalan mo?"

"Seriously? Matatapos na ang 1st sem, hindi mo pa rin ako kilala?"

"Ah. Haha. Pasensiya na.."

"De.. Ok lang.. I am Jezel.. Pero Jez na lang.."

"Ah. Hehe.. "

"Alam mo? Lagi kitang tinitingnan.. Para kasing lagi kang may problema.. No offense ha.. Yun lang ang nakikita ko sayo.."

Nginitian ko lang siya..

"Mind to share it?"

"Pasensiya na.. Hindi ko kasi ugaling mag share ng problema.."

"Ow." yun lang ang nasabi niya at mukhang napahiya..

Mabuti na lang, dumating na yung professor namin..

Nakakainis, hanggang ngayon, ayoko pa rin talaga sa mga babae..

- - - -

Nagpatuloy ang klase namin ngayong araw..

Hindi na ulit tumabi sa akin si Jezel..

Ok lang..

Actually, walang tumatabi sa akin..

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now