CHAPTER 44: CONFESSION

3.6K 101 11
                                    

DANIELLE'S POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung birthday ko..

Yun na ang pinakamalungkot na birthday na nangyari sa tanang buhay ko..

Noon, masama lang ang loob ko dahil parang walang pakialam si mama kapag birthday ko..

Pero lagi namang nandiyan sila Neil para pasayahin ako..

Ngayon..

Ngayon, wala...

Sinira ko ang lahat..

Ako nga ba? Ako nga ba ang dahilan??

Isang linggo na rin akong hindi pinapansin nila Daren.. Si Rhiane nga, minsan, masama pa ang tingin sa akin..

Ganun din si James, walang tawag. Walang text. Walang paramdam..

Ayoko namang pumunta sa kanila dahil baka ipagtabuyan niya lang ako..

Ang hirap pala ng ganito..

Yung mag isa ka lang..

Hindi ko na nga makausap si mama sa bahay, sabay ganito din ang mangyayari sa school..

Hindi ko naman sinasadya eh..

Gusto ko lang namang tuparin yung pangarap ni James..

Hindi ko alam kung paano..

Ang iniisip ko lang kasi, kapag tumino ako sa pag aaral, madali kong matutupad yun..

Pero sila naman pala ang mawawala sa akin..

- - - -

BREAKTIME

Mag isa akong pumunta sa canteen..

May ibang kasama si Rhiane..

Tingin ko naman, sila Daren, hindi lalabas..

Habang nasa counter, nakita ko na naman yung brownies at plus apple..

Bumalik sa akin yung alaalang nasa school garden ako at gutom..

Katatapos ko lang itake yung special examinations na binigay sa akin at hinihintay ko yung resulta ng mga panahong yun..

Tapos wala akong perang pambili ng pagkain kasi ibinili ko ng pogs..

Si James ang nagbigay sa akin ng pagkain nun.

Napangiti ako..

Kung iisipin, parang ang layo sa katotohanang nangyayari 'to..

Sobrang layo sa noon samantalang isang taon pa lang ang nakakalipas..

Sa loob ng isang taon, marami na palang nagbago..

Ang sakit lang na dito pa pala kami hahantong..

Maya maya, tumulo na naman ang mga luha ko..

Nakakainis.. Sana hindi na lang talaga nangyari 'to..

Pero kung hindi 'to nangyari, baka wala rin sa akin si James ngayon..

"Oh... Look who's here.."

"Ssssssshhhh! Shut up Iya.. Can't you see? Umiiyak siya?"

"Ow.. Is that so? Nagrereminisce siguro ng past niya kahit wala naman siyang past!."

Hindi ko na lang pinansin yung mga mean girls na walang ginawa kundi ang awayin o paringgan ako..

Bumili na lang ako ng pagkain at naupo sa bakanteng table..

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon