Nine

7.5K 167 12
                                    

DANIELLE'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa'kin kagabi. Ganun lang pala kadali at kabilis 'yon.

'Yung mabilis na pagtibok ng puso ko sa t'wing nakikita ko si Neil, bigla ko ring naramdaman nang makasama ko si James kagabi.

Ibigsabihin ba nito----wala na akong gusto kay Neil? Good news ba 'yon?

Imposible maman kasing may gusto ako kay James, kaya naisip ko, normal lang na maramdaman' yon sa isang kaibigan.

Tama, kaibigan ko rin naman 'yung James Bond na 'yon kahit madalas, ang sama ng ugali niya. Pasalamat kami kay Bruno Mars.

Ugh. Ayoko na ngang isipin, lalo na't exam ko ngayon kaya kinakabahan ako nang malala.

Hindi ako nakatulog nang maayos. Nag-review rin ako pag-uwi sa bahay kagabi kahit pinagalitan ako pagdating at pinagbintangan na naman na puro paghaharot ang inaatupag.

Mas maaga rin akong dumating sa school ngayon para mag-aral ulit. Dito ako tumambay sa bench sa tapat ng room namin dahil sarado pa ang room. Wala pa 'yung taga-dala ng susi. Wow. Ang sipag ko ngayon?

Ewan ko ba. Na-iimagine ko 'yung pagmumukha ni James Bond at 'yung album na pinangako niya, pati na rin syempre si papa. Tama. Para kay papa at para sa album.

Maya-maya lang ay nagsimula na ring magdatingan ang iba pang mga estudyante. Bukas na rin ang room pero nanatuli muna ako sa labas. Mas lalo akong kinabahan.

"Talaga naman, napakabait ng tropa namin. Ibang tao ka na." bungad ni Bryan.

Napa-irap ako. Heto na naman ang mga makukulit na 'to.

"Baka naman maging top 1 ka na niyan ha?" pagbibiro ni Mark at mag-high five pa sila ni Bryan.

"Ang aga-aga huh? Tigilan niyo nga ako istorbo kayo." pagsusungit ko.

"Woah woah woah. So seryoso ka talagang nag-aaral?" si Chris.

"Baka naman maging valedictorian ka na rin namin next year huh?" si Neil.

Hindi ko na lang sila pinansin. Umirap ako at humarap sa ibang direksyon. Narinig ko naman silang tumawa.

"Good luck, Dan!" rinig kong halos sabay-sabay nilang sabi kaya napaharap ulit ako sa kanila.

"Kayang-kaya mo 'yan." dagdag pa ni Neil bago lumapit sa'kin para i-pat ang ulo ko.

Natigilan ako. Heto na naman ang puso kong nagwawala. Akala ko ba normal na 'to? Pero bakit kay Neil at James? Isang beses lang 'yung kay James, pero bakit pati siya?

"S-salamat." naiilang na sagot ko.

"Wow, nag-islutter."

Napatingin kaming lahat kay Mark dahil hindi namin siya naintindihan. Napatingin naman siya sa'min na parang hindi makapaniwala na hindi namin alam ang sinasabi niya.

"Hay, wala na kayong pag-asa. Slutter lang, hindi niyo pa alam? Utal-utal, mga engot!" pagmamalaki niya sa'min.

Tumawa naman si Neil at binatukam siya.

"Tange, scutter 'yon!"

"Pare naman, mali ka rin eh." huminga pa nang malalim si Chris na akala mo'y wala nang pasensya sa'min.

"Stunner! Stunner ang tamang English ng utal-utal."

Tumangu-tango naman kami dahil mukhang seryoso na si Chris. Wala naman akong alam sa sinasabi nola kaya nakikinig lang ako.

Bigla namang may bumatok sa kanilang apat. Halos sabay-sabay silang napa-aray at ready na sanang gantihan ang gumawa pero natigilan sila nang makita si Daren. Nandito na rin pala siya.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now