CHAPTER 31: PLAN Part 1

6.7K 127 28
                                    

DANIELLE'S POV

AFTER 3 WEEKS

"Ano? Ano ulit yun Bry? Anong nangyari kay Chris?" si Neil na halos mamatay na kakatawa.

"Ayun nga.. Kasi, ang sabi niya, nahook daw siya dun sa last na nakatext niya. Di siya maka get over! Tapos.. ahahahahahahaha. Nakipagkita sa kanya. Tapos.. tapos..hahahahahahahaha." si Bryan na hindi na matuluy tuloy yung sinasabi.

"Tapos ano? Teka! Natatawa ako sa tawa mo eh! Ano nga?! Pfft. Ano bang nangyari?" si Neil na hindi na mapakali dahil kanina pa siya nagtatanong pero hindi matapos tapos ni Bryan yung sinasabi niya.

"Eh kasi nga. Pffttt. Hahahahaha.. May. hahaha.. Katext siya.. Tapos.. Pffftt. Hahahahaha.. Tapos.. ba.. Hahahahaha.. " hawak hawak na ni Bryan yung tiyan niya dahil nga hindi siya matigil kakatawa.

"T*ngnamo! Nauuna pa tawa mo eh!." si Daren na hindi na yata nakapagtimpi.

"Hahahahahaha.. Sorry.. Sorry na.. Pfft.. E kasi naman eh. Nakakatawa talaga."

"Wag ka ng magkwento! Langya talaga! Kanina ka pa eh!. "

Natatawa na lang ako habang tinitingnan sila. Pero sa totoo lang, hindi ko masiyadong naiintindihan yung sinasabi nila. May iniisip kasi ako eh.

Andito kami sa SB ngayon.

Tambay muna. Kasama ko si Neil, Bryan at Daren.

Si Chris, ewan, nagsesenti mode daw. Si Mark naman, dinadamayan si Chris. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil di nga matuluy tuloy ni Bryan yung kwento niya. -,-

3 weeks na ang nakalipas simula noong nag usap si James at Rhiane ba yun? Oo yun nga! 

Nasabi niya na rin sa akin yung dahilan.

Hindi ako makapaniwala eh..

Para naman kasing sa mga telenovela lang nangyayari yun.

Pero anong magagawa ko? Si James na ang patunay!. Talagang ganun ang nangyari..

Nakakaawa lang. Kasi ilang taon silang nagalit sa ama nila, sabay ganun pala ang nangyari.

Ang sabi niya, si Ate Jamie daw, mas nalungkot na ngayon. Di na gaya dati na ang hyper hyper. Nakakapanibago nga daw at parang di niya kapatid ang kasama niya.

Nasanay na daw kasi siya sa energetic na ate niya.

Si tita naman daw. Hindi makausap. Nakakausap naman daw pero hindi na katulad ng dati. Mas nag focus pa nga daw sa trabaho. Tapos isang tanong isang sagot na lang palagi.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now