CHAPTER 48: NEARER

4.1K 98 18
                                    

DANIELLE'S POV

Isang buwan na ang nakakalipas simula noong nalaman naming hindi na makakakita at makakarinig si James..

Naging mahirap para sa lahat na tanggapin ang nangyari, pero wala din naman kaming magagawa kundi ang tanggapin lang talaga...

Biyernes ngayon at lahat kami, walang pasok..

Andito kaming lahat sa hospital..

Kahit si Alexa, nandito din..

Binisita niya si Neil at pati na rin si James..

Andito rin si tita Reina, tita Jaira, tito Mervin at pati si mama..

Oo, pati si mama nandito..

Simula noong sunud sunod na ang pag uwi ko sa bahay ng umiiyak, pinaramdam niya na ang pagiging ina..

Inamin niya na sa akin kung bakit siya ganun at kung paano siya napapayag ni James..

Siguro nga, matalino talaga si James..

Sa ngayon, pinapakain ni tita Jaira si James kasi may kausap si ate Jamie sa phone.. Sa trabaho daw..

Dinidikit lang ni tita Jaira yung kutsara sa bibig ni James para malaman niya na nganganga na siya..

"Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Mark..

Si Chris at Bryan , nakikipaglaro lang kay Riyu..

Sumama si Riyu kasi walang magbabantay sa kanya sa bahay.

Andito ang kuya niya at ang parents naman nila, laging nasa work..

Sila Tita Reina, mama at Tito Mervin, nagkukwentuhan..

Si Alexa at Neil, bumibili ng pagkain para sa lahat.,.

Ang dami namin sa kwarto ngayon.. Mabuti na lang at private room ang kinuha nila tito..

Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Mark..

"Eto, lumalaban pa rin.."

Hinawakan niya ang ulo ko at pinat na parang aso..

"Hay.. Ang layo mo na sa Danielle na nakilala ko.. Sa totoo lang, bilib ako sayo.."

Ngumiti ako kay Mark..

"Hindi ko rin naman magagawa 'to kung wala kayo.."

"Syempre, alangan namang pabayaan ka namin?"

"Salamat Mark ha?"

"Basta ikaw!."

"Pero pwede, minsan, bawas bawasan mo yang pagiging tahimik mo.. Kasi feeling ko, ikaw ang pinakamatanda sa atin kahit pareho lang tayo ng edad.."

Tumawa siya ng bahagya..

"17 na tayo Dan no? 18 na sila Neil at pati si James.. Ang bilis ng panahon.. Parang kailan lang, 15 pa lang tayo.. 15 tayo nung magsimula ang kwento niyo ni James.."

"Hahahaha.. Oo nga eh. Ang bilis talaga ng panahon.. Kung iisipin, parang ang tagal na.. Parang ang dami na naming nagawa.. Ang dami ng nangyari.. Pero sa katanuyan, mas marami pa ang araw na namalagi si James sa bahay nila at sa hospital kaysa sa mga araw na masaya kaming magkasama.."

"Wag kang mag alala Dan.. Matatapos din 'to.. Wala namang pagsubok si God na binibigay na hindi kayang lagpasan ng isang tao.."

"Oo.. Naniniwala naman ako.. Bukod sa inyo, sa kanya din ako kumakapit ngayon.. Alam ko naman kasing siya lang ang makakatulong sa akin.."

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now