Special Chapter Two: The Architect

2.6K 51 20
                                    

TIME: TWO WEEKS AFTER BRYAN'S INCIDENT WITH JESSMINE

CHRIS'S POV

'Baby don't cry tonight, eodumi geochigo namyeon

Baby don't cry tonight eobseotdeon iril doel goeya

Mulgeopumi doeneun geoseun nega aniya kkeutne mollaya haetdon

So baby don't cry cry, nae sarangi neol jikil teni.'

*clap clap* *clap clap*

"Daebak! Daebak!" (Great!Great!)

Napatingin ako sa lalaking nasa pintuan ng office ko ngayon na patuloy pa rin sa pagpalakpak. 

"Riyu!"

"Kamusta, hyung? Hindi ko alam na exostan ka pala."

 

"Tch. Hindi ako exostan. Palagi ko lang naririnig yan sa iyo kapag nandoon ako sa bahay niyo. Baby don't cry, tonight." *mimicking Riyu's voice*

"Talaga lang ha? Nakabisado mo agad ang chorus?"

 

"Oo! Aba, Chris-hyung mo yata ito! Wala ka bang tiwala sa akin?" sabi ko habang pinupukpok pa ng mahina ang dibdib ko.

Umupo si Riyu sa tapat ng upuan ko, at inilapit pa ang mukha sa akin.

"Weh?"

 

"Ah, e-e, ano, o-oo nga!"

 

"Hindi nga?"

 

"Oo na!Oo na! Nung marinig kong kinanta mo 'yon, sinearch ko kasi nagandahan ako! Pero--- pwede ba, hindi ako exostan."

"Weh?"

 

"DARIUS!"

 

"Ne!Ne! Arraseo!" (Yes!Yes!I understand!)

Iniatras niya na rin sa wakas ang ulo niya at umupo ng maayos. Ganoon din ang ginawa ko.

"Bakit ka napadaan dito?"

 

"Tsk. Si Daren-hyung! Pinapabigay ito." sabay abot ng paperbag na black.

Kinuha ko naman iyon at binuksan.

"Ha!Buti naman, naisipan pa niyang ibalik ito."

 

"Nakabili na raw kasi siya."

 

"Ewan ko ba diyan sa kuya mo! May trabaho naman, nanghihiram pa ng sapatos!"

 

"Nanghihinayang kasi siyang bumili minsan."

"Kaya nanghihiram, ganern?"

 

"HYUNG!"

 

"Ano?"

 

"Ganern? What's up with that?"

"Ah! Hahahahaha. 'Yon ba? Ewan. Madalas ko lang marinig sa mga katrabaho kong babae kapag nagchichismisan."

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now