Seven

6.8K 176 9
                                    

DANIELLE'S POV

Sabado ngayon at walang pasok. Nagkayayaan kaming magba-barkada na mag-movie marathon kina Daren.

"Ma, aalis ako mamayang 2pm."

Tumingin nang masama sa'kin si mama. Ito na naman sa pahirapan magpaalam.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Magmu-movie marathon lang kami kina Daren."

Lalong kumunot ang noo niya.

"At bakit hindi ka kaya mag-aral kaysa movie marathon kasama 'yang barkada mo?"

"Wala naman kaming assignment this week."

Ugh. Ang daming paliwanag pa na kailangan. Ang daming tanong. Ano ba 'to, pageant? Tulfo?

"Umayos ka Danielle ha! Gagabihin ka na naman. Kapag may nagsumbong sa'kin na pagala-gala ka lang at kung saan-saan pumupunta, makikita mo talaga."

"Kina Daren nga lang kami. Tyaka hindi ako gagabihin!"

Masama pa rin ang tingin niya, pero payag naman siya sa lagay na 'yon. Huwag na huwag lang talaga akong magpagabi kundi makikita ko 'yung sinasabi niyang makikita ko.

Bored na bored na rin ako sa bahay, kaya 1:30 p.m. pa lang, umalis na ako.

----

DAREN'S POV

Hinihintay ko ngayon ang barkada dahil nagkayayaan kaming manood ng movie dito sa bahay. Madalas namin 'tong ginagawa kapag walang pasok.

2pm ang usapan pero alam kong 3pm pa dadating ang mga 'yan. Masyadong pinapangatawanan ang pagiging Pinoy.

Nakaligo na ako pero naka-sando at boxers pa rin. Mamaya na ako magpapalit kapag parating na sila.

Wala ring tao sa dito sa bahay. Nasa kanya-kanyang trabaho ang mga magulang ko samantalang ang kapatid ko ay hindi ko alam kung nasaang lupalop ngayon. Naggagala kasama ng mga kaklase niya.

Kasalukuyan lang akong nandito ngayon sa kwarto ko at nakahiga. Naiisip ko na naman si Danielle.

"Daren!"

Tiningnan ko ang orasan. 1:50 p.m. pa lang naman.

"Tao po? Dareeeeeeen!"

Grabe naman? Sa sobrang pag-iisip ko sa kanya, pati boses niya naririnig ko na.

Tumayo ako at lumipat sa salas para mawala sa iniisip ko ang atensyon ko.

"Dareeeeeeen!"

Napatingin ako sa gate namin na tanaw mula sa loob ng bahay. Jusko naman Daren, hanggang sa gate ba naman, nakikita mo na rin si Danielle?

Pero teka. Gate?

"Tao poooo! Dareeeeeen!"

Nang matauhan ay dali-dali akong tumakbo palabas. Nandoon na pala talaga siya.

"Ano ba Daren? Grabe ka naman sa bingi?" naiinis na bungad niya pagbukas ko ng gate.

"S-sorry naman. Bakit ba kasi ang aga mo?"

Dang it. Bakit ako nauutal?

"Alam kong maaga ang 2pm na dating sa 2pm na call time, pero bored na bored na ako sa bahay kaya pumunta na ako dito."

Tumango lang ako at napakamot-ulo dahil walang masabi.

"Okay ka lang ba?"

Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatingin sa'kin. Sh*t, obvious na ba ako?

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now