CHAPTER 28: I AM SORRY

5.8K 128 6
                                    

MARK'S POV

"Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala Danielle the great. Syempre, SERYOSO?! Nakapasa ka sa exams natin? Umamin ka nga, nanduga ka no?" si Chris na naman po. 

Kapag si Chris ang unang magsasalita, tandaan niyo, pang - aasar lang ang masasabi niyan. -,-

"Ang kapal ng mukha mo! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na sadyang magaling lang ako? Partida! Di ako nag - aral niyan! Ha!" pagmamayabang ni Danielle.

Nagsisimula na naman po sila.

"Sabagay, alam ko namang magaling ka."

"We? Talaga lang ha? Ngayon mo lang yata ako sinuportahan sa sinabi ko ha?"

"Ano ka ba Danny the Great, alam ko naman talaga kasing magaling ka. *nagpause siya saglit* magaling kang mangopya! Ilang kalabasa at sitaw ang tinira mo?"

Sumimangot naman ang kaninang nakangiti ng mukha ni Danielle.

"E kung ipasok ko kaya sa bibig mo ang isang buong kalabasa at itali ko sa leeg mo ang sandamakmak na sitaw para manahimik ka?!"

"Gawa.. Gawa..."

"Leche ka!!."

"Hahahahahahaha. Wala ka na bang ibang scene Chris kundi ang asarin si Danielle?" si Neil the hero po ang naagsalita. Nagagaya na ako kay Chris kakabansag niya ng kung anu - ano. Hahahahaha.

"Yun naman ang role ko sa buhay ni Danielle e. Ang maging kontrabida. Kontrabida sa way na napapasaya siya."

Nagkatinginan kaming lahat at..

"Auuuahhhhhhauuuuhhaahhh" * sound effect po yan na parang natouch sila.* 

"Nakakaiyak pare!." si Daren na nakahanap na naman ng maipang - aasar kay Neil.

"Panyo.. Panyo.. Tutulo na ang luha ko, kailangan ko ng panyoo. a-hu-hu-hu-hu." si Bryan.. Hahahahaha. Umaarte pa talaga siya na parang naiiyak.

Si Neil naman, tumingala.

"Ang bakla neto pare! Pero naiiyak talaga ako." tapos kunwaring nagpupunas din siya ng gilid ng mata niya na kunwari ay may nangingilid na luha. hahahaha.

"Grabe! Ako naman ang inasar niyo! Buti pa to si Mark. Tahimik lang at pangiti - ngiti." sabay akbay sakin ni Chris.

"Paulit - ulit kasi sa utak ko yung sinabi mo. Ninanamnam ko. Nakakatouch talaga pare." sagot ko sabay tinapik tapik ang balikat niya.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now