Chapter 4

10.3K 187 3
                                    

Elle's POV

Nagsimula ang meeting at nandito ang class officers ng buong 4th year sections, bale 3 sections with 40 students each ang 4th years.

"Good Afternoon guys, our agenda for today is mainly our feild trip's location."

"Field trip nanaman? Wala bang iba?", sabi nung boses sa likod, nagsitinginan kami.

Tumili ang mga babaeng officers nang makita nila si Luke.

"Excuse me Mr, Reyes, why are you here? Hindi ka officer, can you just go out?"

"Wow! So miss President, ikaw lang ba ang may karapatang magdecide kung sinong pwede at hindi pwede dito sa meeting nato", sabi nung isang officer.

"And after all Ms. Andres, I am the--- "

"Son of the owner of this school. Please Luke, paulit ulit nalang na yan ang logic mo. Okay, dahil mahal ko ang scholarship ko, may iba ka bang suggestions?", tanong ko.

"Imbes na Feild Trip, bakit hindi outreach program?", tanong niya. Akala niya ba hindi ko nasuggest 'yan? Mas gusto ng mga estudyanteng mag relax kaysa mag trabaho. At aiya pa talaga ang nag request niyan ah? Palibhasa, sawang sawa na 'yan mag travel.

"Outreach? "

"Oo, may mga batang nangangailangan sa buong Pilipinas, bakit hindi nalang tayo tumulong kesa naman nagaaksaya tayo ng pera sa magarbong feild trip?", sabi niya. Napatahimik ang student body.

Maygad, siya ba ang nagsasalita ngayon? AS IN? Mas gusto niyang tumulong?

"Oh my, ang bait mo naman Papa Luke OO NGA PRES! YUN NALANG ANG GAWIN NATEN!", sabi nila.

 
"Ha? Eh eto proposal ko sainyo last year pero ayaw niyo ah?"

"Shhh, huwag ka na kumontra.", sabi nila.

"Okay, mukhang wala na akong magagawa. Oh sige." Then pinag usapan na namin ang lokasyon habang nag suggest ang iba ng mga activities.

"So, sa barangay Masipag tayo, at ang theme, sports dahil alam kong uhaw ang mga bata sa ganitong opportunity." At ayon na nga, naikasa na, after 2 weeks, natapos na ang permit, at mga kailangan papel.

Ready to go na kami, ready na rin ang mga regalo, games para sa mga bata, pati na rin ang game equipment.  

"Ayos ba?", tanong ni Luke sa akin. Tumango lang ako at pinunasan ang salamin ko.

"Yun lang talaga sasabihin mo sa akin?"

"Eh anong gusto mong sabihin ko? Thank you Mr. Luke Reyes for giving us this WONDERFUL suggestion! "

"You're welcome. ", sabi niya.

"But really, hindi ko inaasahang eto ang mga gusto mo."

"Sabi rin nila, siya nga pala, dadaan daw sila mama." Nabuhayan ako ng dugo.

"HUH? SILA TITA GEN?", tanong ko at tumalon talon.

"Yup, gusto nilang makita ang pasimuno ko and I want you to meet them."

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now