Chapter 36

5.8K 94 5
                                    

Elle's POV

Nai-ready na ang mga bus tickets namen papuntang Nueva Vizcaya, ang province ko. Si mama ang taga roon, Hindi ako masyadong nagsasalita at nakakaintindi ng language namin doon pero kaya ko namang makaintindi ng Ilocano kaya okay na 'yon. 

Nagkita kita kami nila mama, ako, Kevin at si Luke sa bus station.

"Oh? 12:00 ang bus natin ah?", sabi ni mama.

"Okay po.", sagot nila. Matapos ang ilang minuto ay dumating na rin ang bus. Katabi ko si Gian at katabi naman ni Tito Rico si mama, magkatabi naman ang dalawang lalake. 

Anim na oras ang byahe papunta sa Bambang, ang bayan bago sa amin. Tinignan ko sila Kevin at Luke na tulog na tulog at magkasandal sa isa't isa. Nakita ako ni mama na nakatingin sa kanila. "Ang cute nila.", sabi ni mama. Tumango ako at ngumiti. 

Humiga si Gian at humiga sa lap ko. Sinubukan ko na ring matulog. 

"Tubig, bente singko lang." Nagising ako sa isang boses. Pumasok sa loob ng bus ang  mga nagbebenta ng mga meryenda. 

"Gian, naiihi ka ba?", tanong ko kay Gian. Umiling siya at bumalik sa pagtulog. 

"Elle, tubig oh." Iniabot ni Luke sa akin ang bote ng tubig.

"Elle, tinapay oh." Abot naman sa akin ni Kevin. 

"Salamat.", sabi ko. "Pero okay lang ba kung may pumalit muna sa akin dito? Ihing ihi na ako eh." Naunang nagpresenta si Kevin na hindi na hinintay ang sagot ko. Tumayo na ako at pumunta sa CR. Mahaba ang pila, sana hindi ako maiwan ng bus. 

Matapos ang ilang minuto, nakaihi na rin sa wakas. Paglabas ko, nagtatawag na ang kundoktor ng bus. Tumakbo ang papasok, pupunta na sana ako sa upuan ko nang biglang umandar ang bus. Napasandal ako sa mamang nasa gilid ko. 

"Sorry po.", sabi ko.

"Doon ka na kay Kevin.", sabi ni mama. Tumingin ako kay Kevin. 

"Ako na dito Elle, umupo ka na." Pumunta ako sa upuan ni Kevin na katabi ni Luke. 

"Akala namin maiiwan ka na.", sabi ni Luke nang mabiro. Hinampas ko siya. "Oh, 'yung neck pillow mo.", sabi niya at isinuot sa leeg ko ang pillow.  

"Thanks. Ang cute niyo kanina ni Kevin kanina, magkasandal kayong matulog.", sabi ko at tumawa. 

"Gusto mo bang makita 'yung pictures naming sabay kaming naligo nung mga bata kami?"

"Ew no.", sabi ko at tumawa siya. Napatahimik kaming dalawa. Ang lakas ng aircon pero bakit pinagpapawisan ako. Sanay naman ako sa silence kung kaming dalawa lang pero parang iba ngayon. Dahil ba doon sa nakita kong note?

"May nakita ako doon sa bouquet.", panimula ko. "Sa akin ba talaga 'yon?"

"Oo, hindi ko naman ilalagay doon kung hindi para sa'yo.", sabi niya. 

"Ano 'yung someday?", tanong ko. Hindi siya sumagot. "Huy."

"Someday. Someday, sasabihin ko sa'yo kung bakit someday.", sabi niya at tumawa. "Basta."

"Ang dami mong paganyan."

"Basta nga. Gift ko 'yan sa'yo sa graduation natin. Tsaka after nitong trip na 'to, hindi ko na alam kung kailan tayo ulit magkikita." Inaasahan ko naman na, pero parang may lungkot akong naramdaman na nanggaling mismo sa kanya 'yon. 

Pumikit ako at natulog. 

"Elle." Nagising ako muli sa boses ni Luke. Nakasandal ako sakanya! Inalis ko agad ang ulo ko sa balikat niya at nagkuwaring walang nangyari. Nandito na kami sa Bambang. "Malapit na tayong bumaba.", sabi niya. 

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now