Chapter 45

4.9K 85 6
                                    

Luke's POV

"Bro, eto na ba 'yung business mo, ang laki na ha!", sabi ko kay Edward, ang owner ng Norte Bistro.

"Oo bro. Thanks kay Tito Nathan sa puhunan na binigay niya. Napakalaking tulong para simulan 'to. Maganda 'yung location kasi malapit sa universities kaya maraming tumatambay na college students. Kung malapit ka lang din dito for sure parati ka dito."

"Isang oras lang naman pero busy lang talaga eh. Medo maluwag na lang ngayon kasi tapos na 'yung proposal kaya minor requirements nalang ako before graduation.",sabi ko.

Nasa private room kami ng bistro para magkwentuhan. Si Edward ang isa sa mga scholars ni Dad sa PLA noon, masipag daw talaga siya kaya paborito nila Dad at Tito Ram. Mas matanda siya sa akin ng limang taon pero ayaw niya na i-kuya ko siya.

"Uy, nakita ko 'yung kumakalat sa social media ah."

"Ano 'yun?"

"Oo nga pala, wala kang social media account.  Si Yna Ramirez. Ang lupit mo brad."

"Ha? Bakit?"

"Kayo na ba talaga?"

"Huh? Hindi, bakit mo naman nasabi? Kakarating ko nitong umaga, hindi pa ako nakapag check ng news."

"Wala siya sa news, trending lang siya sa social media. Iniisip ko baka fake news to kasi for sure kung totoo mababalita ka nanaman." Nilabas niya ang phone niya at ipinakita ang pictures namin ni Yna sa Thailand.

"Kung magtatago kayo, dapat walang ebidensya.",sabi ni Edward at tumawa.

"Gago bro hindi. Nagkataon lang na parehas kami ng hotel na tinuluyan kasi sponsored yung hotel niya sa Thailand ng company kasi partner hotel namin 'yun. Nag dinner kami once at nagkayayaan ang team na mag beach sa last day."

"Naka post sa instagram ni Yna eh, alam mo naman ang mga tao mabilis gumawa ng storya."

"Ha?! 345,000 reacts?!" Pagkabigla ko.

"Oo, hindi ka ba pa sanay? Mukhang ito ang unang controversial news mo ha." Hindi ako makasagot at nakatitig lang doon sa mga pictures. Kung hindi ko alam ang nangyari at itong pictures lang ang pagbabasehan ko, maniniwala din ako sa balitang 'to.

Nakita na kaya ni Elle 'to?! For sure hindi siya maniniwala, alam niya namang for work eh.

Hindi, alam kong matalino si Elle. Hindi siya maniniwala sa fake news na 'to.

Natapos kaming nag-usap at lumabas ako kami ng private room. Ang dami agad tao, at puro mukhang college students.

"Saturday night nanaman kasi kaya puno.", sabi ni Edward. Iniikot ko ang paningin ko sa mga kumakain dahil baka may taga Camia na naligaw. Pagdako ko sa isang long table, may nakita akong pamilyar na mukha.

Elle? Sinuot ko ang cap ko at mask.

"Bro, dito muna ako sa bar. Pahingi ng beer."

"Ha? Akala ko uuwi ka na."

"May hihintayin lang ako.",sabi ko. Umupo ako sa bar habang sumusulyap sulyap doon sa table. May kinakausap si Elle na isang lalaki. Ano bang pinaguusapan nila at ang tagal. Kailan pa umiinom si Elle? At kailan pa siya naging sociable at nagkaroon ng ganito karaming kaibigan?!

"I-bi-gay mo na! I-bi-gay mo na!" Sigaw ng mga kasama nila sa table. Nagtatakip si Elle ng mukha at tumatawa. Tumatawa din yung mukhang kapreng kasama niya. Nilabas ni Elle ang phone niya. Aba?! Number?! Ibibigay niya yung number niya eh hindi niya nga ako matext man lang?!

Kinuha ko ang bote at ibinagsak sa sahig. "Uy bro, okay ka lang?", tanong ni Edward.

"Bro sorry, ipaliwanag ko sa susunod."

"Sige.", lumabas ako ng bistro. Wala naman siguro nakakilala sa akin noh?

Pasakay na sana ako sa sasakyan nang may narinig akong maliliit at mabilis na yapak sa likod ko. Minadali kong binuksan ang pintuan ng sasakyan pero bigla iyong nagsara.

"Luke?", tanong ni Elle na humihingal pa. "Ikaw nga.",sabi niya.

Nakayuko ako sa haral niya habang hinahabol niya pa rin ang hininga niya.

"What are you doing here?",tanong niya.

"Bawal ba akong pumunta dito? Kaibigan ko 'yung may-ari."

"Bakit ka nambasag ng  bote?"

"Bakit? Hindi ba ginagawa sa mga inuman 'yon?"

"Ano? Nagbasag ka kasi gusto mong gawin yung mga stereotypical beer house scene sa movies? Wala ka ngang kaaway eh." Hindi ako nagsalita.

"How did you know it was me?"

"I even know your shadow, Luke. I had a lot of time mastering your face before so I know  its you."

"Bumalik ka na doon, baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo. Lalo na 'yung kausap mo kanina, yung matangkad na 'yon. Gwapo siya, bagay kayo.",sabi ko at sumakay sa sasakyan.

Is-start ko na din sana ang sasakyan nang sumakay siya na galit. "Bakit ka ba nagagalit?"

"Ako? Nagagalit? Hindi ah!",sabi ko at ngumiti.

"Kakakilala ko lang kay Rocky 2 hours ago. Hindi ba ako pwedeng makipagkaibigan?"

"Eh bakit isang oras kayo lang magkausap? Sampu kayo doon sa table ah." Tumawa siya.

"Usap lang 'yon, it's not like we went on a vacation outside the country.",sabi niya. Natigilan ako. So, nakita niya nga talaga.

"Huwag mong binabago ang usapan."

"Hindi ko binabago, I'm just opening a new scenario. While we're at this, let's talk about that trip shall we?"

"No, iba 'yong sa amin. Hindi ganon 'yung nangyari, those are lies."

"Lies? They look real to me.",sabi niya na may seryosong mukha."Were those edited?"

"No. But it was all a coincidence." Ipinaliwanag ko sakanya kung ano 'yung ipinaliwanag ko kay Edward.

"Coincidence na sa Thailand ka din nung nandoon siya? Napakaliit naman ng mundo."

"May pinuntahan siyang musical doon."

"Assistant ka ba niya? Bakit alam mo itinerary niya?", tanong ni Elle. Ahh! Ang sakit sa ulo.

"Basta, walang katotohanan 'yung mga 'yon."

"Ewan ko ba, maganda ba beaches nila? Mukhang na enjoy mo eh.",sabi niya.

"Kasama namin 'yong buong team!"

"Talaga ba? Parang kahit na marami kayo, kayong dalawa lang magkasama ha?"

"Ganoon ka rin naman kanina ha, ibibigay mo pa 'yung number mo ni hindi mo nga ako matawagan! Are my feelings a joke to you?!"

Nag-iba ang timpla ng mukha niya. Mula sa galit, biglang lumungkot ang mata niya.

"Elle, I'm sorry I yelled." Bumaba siya ng sasakyan at bumalik sa loob ng bistro.

Ang tanga tanga mo Luke ang tanga mo!

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now