Chapter 20

7K 127 11
                                    

Unang araw ng part time ko sa hotel, na assign ako sa mezzanine floor taga dusting ng rooms. "Ms. Elle, dalian mo, malapit na ang check-in.", sabi ng ate Dy, ang empleyadong naka assign sa floor na 'yon. "Magagalit nanaman si ang Front Office kung hindi pa tayo tapos.", sabi niya. Binilisan ko ang pagpupunas ng mga walls at furnitures. 

Sa awa ng Diyos, naitawid namin ang back to back na guest. Pasko nanaman, kaya marami nanamang nagbabakasyon. Bumaba kami sa employee's cafeteria para mag lunch. Maga-alas tres na ng matapos kaming magbaba ng carts sa housekeeping room. 

"Ano? Kamusta?" tanong ni ate Dy. "Nasaktohan mong Friday ang unang araw mo, mas maraming check in ngayon eh." Munggo ang ulam, sabi nila tradisyon sa kumpanya na munggo ang ulam sa Biyernes. 

Haban kumakain kami, may showbiz news na ipinalabas sa TV. "Magkapatid na Mercado-Reyes, may magarbong bakasyon ngayong sem break!" Ipinalabas ang video call interview nila. "Yes, we were given the privilege to tour around Asia during our sembreak. This is something I and my sister wanted to do. We both love different cultures and before I enter college, I wanted to do this long vacation with her.", sabi ni Luke. 

"Grabe talaga 'tong mga anak mayamang 'to, ni hindi nga ako makapunta kahit Luneta Park lang eh. Tapos ito, magwawaldas ng pera dahil gusto lang nila." Narinig kong sponsored ang vacation na ito ng isang travel agency na gagawan nila ng vlog. Pero wala ako sa posisyon na ipagtanggol sila. "Diba sa PLA ka rin nag-aaral? Anong ginagawa mo dito?"

"Scholar lang ako doon ate."

"Talaga bang masama 'yung ugali niyang dalawang 'yan? Sabi kasi sa mga articles maarte at walang modo yung Genny tapos matapobre yung Luke." 

"Hindi ko sila ka-close ate pero alam ko hindi sila katulad ng nirereport o nababalita sa mga tabloids. Mababait sila."

"Talaga ba?" 

"Oo.", sabi ko at itinuloy ang pagkain ko. 

"Siya nga pala, sabi ni visor, magchcheckin yung mga owners mamayang gabi. Since tayo ang may pinaka konting rooms, tayo ang assigned maglinis doon sa suite nila."

"Sino pong owner pala ng hotel?"

"Yung mga Smith."

"Smith?" 

"Oo, hindi mo alam? Yung isang anak nila, ka-age mo, Angelica ata ang pangalan?"

"Angelica Smith?", tanong ko na may pagkabigla.  Si Angelica?! 

"Oo, teka, PLA din 'yun eh. Kilala mo siya?" Tumango ako. "Ay, iyon ang sure ako na masama ang ugali. Alam mo bang pina-cancel niya yung isang function namin para lang sa biglaang party niya? Ayon, muntikan nang mawalan yung isang milyong client na 'yon dahil sakanya, buti nalang creative ang team at ginamit nalang ang garden para lang hindi macancel ang event. Buti nalang to the rescue si sir Kevin.

"Sino 'yon?" 

"Nakakatandang kapatid ni Ms. Angelica. College pala siya at magg-graduate pero tine-train na siyang mag manage ng operations. Cool diba? Samantalang tayo, kahit na anong hirap natin malabo na makakuha tayo ng mataas na position. Tapos sila, kapapanganak pa lang nila magiging presidente na sila ng kumpanya. Hayy.", sabi ni ate Dy at inubos ang kanin sa plato. "Mauna na ako, magbabanyo pa ako. Pakihugas ha" Iniwan ni Ate Dy ang plato niya sa tabi ko. 

Binitbit ko iyon pati ang akin sa lababo at hinugasan. Napakaliit naman ng mundo, bakit kila Angelica pa tong naapplyan ko? 

Dibale, pagkatapos namin maglinis aalis saka sila dadating. 

Pumunta kami sa hotel suite nila at namangha ako sa laki at ganda. "Alam mo, sa tuwing papasok ako sa kwartong 'to, lumiliit ang tingin ko sa sarili ko. Feeling ko, napakababa kong tao na taga-linis lang ng kwarto ng mga mayayamang spoiled brat na 'to. Buti pa noong nandito yung mga magulang nila, tina-trato kaming mga matataas pero simula noong madalas dito yang Angelica na 'yan, para kaming mas lalong pinababa."

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now