Chapter 54: Laugh 2

4.4K 75 1
                                    

Luke's POV

I made her laugh a couple of times already, and I think... bumabalik na kami sa dati. 

We rented the shoes and headed to the rink. 

"Shemay. Akala ko madali lang to.", bulong ni Elle, pero narinig ko.

"Hahaha, nag-aaya ka kasi hindi mo pala alam. "

"Ehhh.. nung nagganito akong huli eh bata pa ako. Malay ko bang nakakalimutan pala to. "

"Hahaha, sige na nga, dahil mabait ako.. hold my hand."

Medyo napalaki ang mata niya at hindi nakapagsalita, 

"Hali ka na!", iniabot ko yung kamay ko at ngumiti. "Sige na nga.", hindi ko inaasahang parang may kuryente akong mararamdam nang hawakan niya yung kamay ko. Masaya, masaya.

"Wahaha, ayun-- natututo na ako!", pagmamalaki niya sa akin.

"Siyempre, magaling teacher mo eh!", binigyan niya ako ng kakaibang look at babatukan na sana ako pero, na out balance siya.

"Ah, Luke!", dahil sa bilis ng pangyayari, nahawakan ko siya sa baywang para masalo at napayakap naman siya sa akin.

"Humaygad!", habang nararamdaman ko yung panginginig at bilis ng tibok ng puso niya.

"Okay ka lang?!"

"Oo, haha. Salamat!"

"Next time, mag-iingat ka kasi! Paano kung wala ako at di kita nasalo. Paano kung na Final Destination ka? Papano kung nabagok yang ulo mo? Papano kung nagka amnesia ka nanaman at nakalimutan mo nanaman ako?!", hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Huy! Walang mangyayari saking masama. Trust me, aalagaan ko na ang sarili ko.", ngiti niyang sabi sakin.

"Sinabi mo yan ha."

"Yes sir."

"Oh tara na.". sabay hila sa braso niya

"Ha? Eh wala pa tayong 15 minutes dito eh, sayang naman yung---"

"Aalis na tayo dito, baka kung ano pang mangyari sayo. AT, ako na ang pipili ng susunod nating pupuntahan. "

"Okay po."

Pero, SAAN NGA BA KAMI PUPUNTA?

"Saan mo ba balak pumunta? Kanina pa kaya tayo naglalakad? Ayaw mo ba mag jeep? ", paulit ulit na tanong sakin ni Elle.

"Tumahimik ka nalang, ayaw mo ba akong kasamang naglalakad?"

"Oh baka naman, hindi mo alam kung saan mo ako dadalhin?"

"OO na, hindi ko na alam. Sige na nga, ikaw na pumili ng pupuntahan natin. Basta yung safe."

"Haha, sige, dito nalang ako sa tabi mo."

"Tama yan, safe ka lagi sakin. Haha", naglakad kami hanggat sa makaabot kung san kami dalhin ng mga paa namin. 

Nagkwentuhan kami ng kahit anung pwedeng pagkwentuhan.

Tinawanan namin lahat ng pwedeng tawanan.

Lahat na.

"Gutom ka na ba?", tanong niya sakin.

"Oo eh, pero malayo pa papuntang pinakamalapit na restaurant."

"Bakit ka mag rerestaurant kung may street foods naman?", hinila niya ako sa mga hilera ng streetfoods sa kabilang parte ng kalsada.

"Eto ang gusto mong kainin?"

"Pampapawi lang ng gutom. Hehe, libre mo ako isaw. "

"Haha, sige na nga. Malakas ka sakin eh, kuha ka lang ng kahit ilang gusto mo. "

"SALAMAT!", at nakalimang isaw siya at naka sampu ako. Nakakagutom nga talaga. Hahaha.

The day was great until---

"Oh! Bakit hindi kayo sumabay sa amin?", Sinira ni Kevin, hindi namin namalayang palapit na kami sa mall kaya nasalubong namin sila. 

"Ha? May pupuntahan pa kasi kami.", sabi ko

"May dinner tayo sa bahay, nakalimutan mo ba Luke?", - Kevin

"Ahh, eh..", ngumiti sakin si Elle at nag nod. 

"Ihahatid ko na muna si Danielle sa sakayan."

"C'mon, pwede naman natin siyang ihatid straight sa bahay nila diba? Sige na sumakay na kayo.", so yeah. sumakay kami. Kung ano ang tahimik namin nung umaga, ganun din ang tahimik ngayon. Sabay pa ng crickets sa paligid.

Hinatid namin siya.

"Bye Luke, I enjoyed this day. Thank you. "

"No, Thank you.", she smiled and entered the house. Pumasok narin ako ng sasakyan na hindi ko alam na nakangiti ako.

"Wow Luke, youre really in love. Haha!"- Coleen.

"Its because she's worth it."

"Of course she is, right Kevin?"

"Ha? What? Yeah. Right."

Kevin's POV

Sabi nila hindi na sila sasabay samin pero bakit? Yun pala, may lakad silang iba. Siguro nga sila na, o may gusto na si Elle sakanya. That's nice.

Very Nice. At least alam ko na na maayos na yung kalagayan ni Danielle. At least hindi na ako masyadong nakokonsensya. At least diba?

At least---

We had the dinner and we all talked about the upcoming graduation of Luke. 

"So, anong kukunin mong course bro?", tanong ko kay Kevin

"Business related course din. Ikaw? May balak ka bang mag-aral pa?"

"Yes, pero sa ibang bansa. "

"Oh, nice iho. ", sabi naman ni Tita Gen "Balak ko nga ring pag aralin si Luke sa ibang bansa kaso gusto niya dito eh. Sabagay, andito kasi yung love of his life."

"Ahahah, ganun ba mare? Buti naman at may nahanap na siyang iba at hindi yung mumurahing babaeng--- Danielle ba ang pangalan? Muntik naring mahulog sa bitag nun ang anak ko eh.", sabat ni mama.

There was a big silence.

"Actually si Danielle parin ang tinuturing ko, and for the record--- hindi siya mumurahin.", seryoso na ang tono ni Tita Gen nang sinabi niya yun.

"Pero---", sisingit pa sana ng sasabihin si mama pero, "Ma. Stop, just stop.". At naging tahimik na ang buong dinner after non.

"Hindi mo sinabi kung sino ba yung Danielle na yun sakin ah. ",

"You dont have to know kasi tapos na ang lahat okay?"

Coleen just kept quiet. Si mama talaga, humahanap ng dahilan para ikahiya ko siya. 

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now