Chapter 19

7.2K 129 4
                                    

Elle's POV

Ilang buwan na pala mula nang nagsimula ang 4th year high school. Huling araw na bago ang sembreak. Tapos na rin ang part time ko kila Maam Gen at ang tutor ko kila Luke. Nakahanap ako ng bagong part time sa isang hotel bilang cleaner dahil peak season na. 

Pumasok ako sa school nang napansin kong nagsisitingingan nanaman sila sa akin. 

"Elle!", tawag sa akin ng isa kong kasama sa org.

"What were you doing this weekend? Are you really with Luke?", tanong nila. Ha? Paano nila nalaman? Nilabas niya ang phone niya at pinakita ang isang post sa "PLA Files", isang Confession/Story Page sa Facebook kung saan nagsusubmit ng entries ang mga studyante for entertainment purposes. 

Picture namin 'yon ni Luke sa beach nung nag-uusap kami. Ang caption: "Damsel in Distress". 

"Is this true?" Hindi na ako nabigla. Alam kong may gagawin si Angelica para ipahiya ako. Isang araw na lang ang titiisin ko para hindi sila makita, sigurado akong huhupa din 'yan lalo na kung hindi ako magre-react. 

"Grabe, nakakahiya.", bulong ng mga tao habang nakatingin sa mga cellphone nila. "Siya ba 'yon? Napaka-desperate naman. Tayo nga hindi makalapit sakanila, siya pa kaya?" 

"Ano kayang ginawa niya no?" Pinatawag ako sa Principal's office sa hindi ko malamang rason. 

"Good morning po sir, ipinatawag niyo po ako?" 

"Yes, some students reported to me about a post on social media with your face on it." Ipinakita niya sa akin ang photo. "Are you aware of this?", tumango ako. "People reported that you did something malicious, is this true?"

"Malicious sir? What did I do wrong?"

"I mean, there are many speculations that you befriended the Mercados for your personal interest."

"Sir, the reason why I became close with their family was because I was hired as a tutor and Ms. Gen hired me as her secretary. Sir Ram and the board knows about this, I applied like everybody did and I was chosen. I don't understand why there are gossips that I did something malicious." 

"I don't know about the truth Miss Andres but please bear in mind that we uphold honor in this school, it's not proper for a young lady like you to do such things."

"Sir, are you accusing me?"

"No, I'm just reminding you. You are one of the student leaders in this school. You have to be an example to your other schoolmates, especially to your co-scholars." 

"Sir, I didn't do anything." 

"Kahit na. You can go, I have a meeting.", sabi niya at umalis ako sa office niya. Paglabas ko nandoon si Angel na nakangiti. 

"Happy?", tanong ko. Umalis ako sa harap niya pero naglakad siya papunta sa harap ko. "I don't want to argue with you, I just want to finish this day and continue with my life. Luke and I are not friends anymore."

"I know, because if you are, he should be here defending you right now."

Hindi ako nagsalita. Liar, sabi niya pro-protektahan niya ako. Tapos ngayong kailangan ko siya wala siya? 

"I don't need someone to defend me.", sabi ko. "What do you want?"

"If I can't have Luke, you can't either."

"What are you talking about, I'm not interested in him."

"Don't act so innocent, you know that you're special to him." Tumawa ako. 

"You don't know anything about that guy. His words are not who he is, kung makikilala mo siya matatawa ka sa sinasabi mo. And please, leave me alone. I just want to live a quiet life, and graduate this freaking hell of a school as soon as possible. Leave me alone. Sayong sayo na si Luke and I don't have any business with him anymore. Okay?" Umalis ako at bumalik sa classroom. 

Wala si Luke sa upuan niya, hindi ba siya pumasok. Binuksan ko ang facebook ko at tinadtad ako ng death threats at hate messages. Hindi ko 'yon pinsansin at pumunta ako sa profile ni Genny. May selfie sila ni Luke na nasa airport, umalis na siguro sila ng Pilipinas para sa bakasyon nila. 

Tinapos ko nalang ang mga kailangang gawin at umalis na ako sa school. Pag-uwi ko sa bahay, narinig kong nagtatawanan si Mama, Tito Rico at Gian. Sumasayaw si Gian at tuwang tuwang pinapanuod iyon nila Mama. Pumasok ako. 

"Oh anak, tignan mo 'tong kapatid mo, ang cute!" Hindi ako nagsalita at pumasok sa kwarto ko. Maya-maya pa may kumatok at pumasok. 

"Ate.", sabi ng isang mahinang boses. Umupo ako at nakita si Gian na nakangiti at may hawak na plato na may ubas. "Kain ka muna ate, nakakapagod ba school?", tanong niya. Umakyat siya sa kama ko at tumabi sa akin. 

"Thank you.", sabi ko at kumain.

"Masaya ba sa school ate?" Ngumiti ako. 

"Oo, masaya."

"Excited na akong pumuntang school. Magi-iskul na ako sa susunod na pasukan ate.", sabi niya. 

"Buti naman. Exciting 'yon." 

"Ate, buti naman hindi ka na galit sa akin.", sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. 

"Ha? Bakit mo nasabing galit ako sayo?"

"Hindi ka kasi ngumingiti sa akin, ngayon lang. May nagawa po ba ako?" Ang bata bata overthinker na.

"Hinde, marami lang iniisip si Ate."

"Sabi ni Tatay, kapag may iniisip daw ako, sabihin ko lang sainyo. Pwede mong sabihin sa akin ate.", sabi niya na may inosenteng ngiti. Nakakainggit 'tong batang 'to, walang iniisip. 

"Okay na ako.", sabi ko at niyakap siya. "Thank you Gian. Promise sa'yo ni ate, hindi na siya sisimangot sayo."

"Yehey!", nakita kong nakasilip si Mama at si Tito sa pintuan. Kahit na galit ako sa kanila, walang kasalanan si Gian. Hindi siya dapat madamay dito.  

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now