Chapter 35

5.6K 85 6
                                    

Elle's POV

He asked if I ever thought of having a relationship with him. That's a weird question but very valid. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Luke is a great person and I'm very comfortable with him. Too comfortable to waste. Unlike him, Kevin is very expressive and aggressive but he knows what he wants. The question is, does he know how to take care of what's his? Rumor has it, he doesn't really have a control on his life.

I don't know, maybe this whole amnesia thing is messing up my whole feelings. 

This is the first time that I've given future possibilities a thought. Meh, bakit ba ako nagpapakastress eh question lang naman ni Luke yon.

"Ano? Napagisipan mo na ba sagot mo?", tanong ni Luke bago kami pumunta sa pila ng march.

"Ha?"

"Have you given us a thought?"

"Seryoso ka ba jan?"

"Oo, I mean what if, I'm just curious.", sabi niya.

 "I dont know what to say Luke, Im not really sure how to answer that. I Tried to give it a though but I ended up thinking that you and I will take different paths. So why even bother?"
He smiled at me, And all i can do is to smile back.

"Elle!", tawag ng isang pamilyar na boses. Para akong nadikit sa kinatatayuan ko nang nakita ko si Maam Gen na masayang papubta sa akin. Niyakap niya ako. "I'm sorry ngayon lang kita nakausap ha, kakauwi ko lang ng Pilipinas kagabi para sa graduation ni Luke. Please know that I prayed for you. I hope maalala mo na 'yung memories mo. Anyway, congratulations. Saan ka pala mag-aaral?"

"Sa UP po."

"Oh, that's nice!"

"Ma, balik na tayo sa pila.", sabi ni Luke kay Tita Gen. "Sige, i-hi mo nalang ako sa mama mo ha?",sabi sa akin ni Tita.

Oo nga, asan na ba si mama? Hinanao hanap ko siya pero wala akong nakita. Nasaan na ba si mama?

"Elle." Lumingo ako at nakatayo si Tito Rico sa likod ko. "May emergency si mama mo sa market. Kailangan niyang pumunta doon eh." Nawala ang ngiti ko.

"Mas important sa graduation ko?"

"Susunod siya, pero habang wala siya ako muna ang maglalakad sayo." Hindi ako nagsalita at tinalikuran siya. "Congratulations pala Elle ha." Tumango lang ako.

"Elle, sana matanggap mo na ako sa pamilya niyo."

"Tito sorry, pwedeng huwag po ngayon? Ayaw ko pong magalit sa araw na 'to.", sabi ko. Tumingin yung nasa harap namin sa sinabi ko.

"Sorry." Hindi na siya umimik. Nagsimula ang martsa na si Tito ang kasama ko sa pictures. Alam kong hindi ako nakangiti pero nakangiti siya ng maluwag na parang nagpa-graduate siya ng anak.

Nakapasok na kami sa auditorium, wala pa rin si mama. Hindi pwedeng siya ang magsasabit ng medal ko.

Nagsimula ang program. Pinaakyat na ako sa stage para sa opening speech. Paulit ulit ko itong prinactice sa bahay.

Sinabi ko ang speech ko pero mukhang walang interesado. Walang nakikinig. Ang mga parents, mukhang busy pa rin. Ang iba naka tingin sa phone, 'yung iba may kausap, at may isa pang dala ang laptop niya. Ang mga estudyante naman, nag-uusap. Isang mukha ang nakatawag ng pansin ko habang nagsasalita ako.

Nakangiting nakikinig si Luke sa mga sinasabi ko. Tinignan ko ang dako ng parents at nakita ko si mama na nakangiti. Sapat na 'yon sa akin, na 'yung mga taong importante sa akin, nakikinig.

Natapos ang speech ko at may pilit na palakpak sikang ibinigay sa akin. Okay na 'yon kaysa wala.

Sumunod ang pagtawag isa-isa sa stage para tanggapin ang diploma. Pagkatapos ay ang mga special awards at ilan pang mga importanteng parte. Nagtapos ang programa sa pagkanta namin ng graduation song.

"Elle!", sigaw ni Luke habang sinusubukan kong mag survive sa dami ng tao para magkita kami. "Para sa'yo." Binigyan niya ako ng bouquet ng sunflowers.

"Hala sorry, wala akong nadala para sa'yo!"

"Okay lang! Tara picture!" Nagselfie kami sa phone niya at pinicturan kami ni mama. Naghiwalay kami dahil may kanya kanya kaming party na pupuntahan. Ako, lunch lang. Si Luke, sa weekend, siyempre sa hotel gaganapin ang celebration ng kanya.

Nag lunch lang kami ni mama, Gian at Tito Rico.

Pagkauwi, inilagay ko agad sa vase ang sunflowers. Inalis ko ang balot nang may nalaglag. Pinulot ko iyon sa sahig, bracelet. Naisama kaya ni Luke to by mistake? Itatapon ko na sana ang balot nang may nakaipit na note.

"Someday." -Luke

Huh? Anong ibig sabihin nito? Kanta ba ito ni Nina? Hindi eh, di naman kami mag ex. Ano kaya to? Itinabi ko ang balot for future use.
 
Nag-decide akong mag-ayos ng mga gamit at magdispose ng ilang mga files from High school. Sa kailalim-laliman ng mga lagayan, may isang box na pumukaw ng atensyon ko.
"Old Notebooks" "Scrap Papers" "TO be Burned"

To be burned?

Hinila ko palabas ang maalikabok na box at binuksan 'yon, mga pahina ng notebook. At mga notebook na may nakasulat na "Diary".

Nagsusulat ako ng diary pero itinigil ko na siya nung nag 2nd years High school ako. Ano kayang pinagsususulat ko dito?

Binuklat ko ang mga unang pages at nakita ko ang evolution ng handwriting ko. Nagstart ako nung elementary ng kung anu-ano. Mula sa mga kaklase kong bully hanggang sa schedule ng pagkain sa canteen.

Tinignan ko po ang pages hanggang sa mapunta sa bandang dulo.

Entry 56:

Dear Diary, 

So, at last magagamit na rin kita ulit. It was a long time since binigay sakin to ng tita ko at nung huli akong nagsulat dito. And I have no reason to put anything here. But I dont know, maybe now? There is. 

Okay. I have a long time crush with Luke Reyes. Since  I was a kid, napapanood ko na siya sa mga commercials and he is really Cute. But when he stopped doing those TV ads. I thought I forgot about him. Pero ngayon? Inutusan ako ng school na i tour siya, Its been 3 days I think? 

Nag cringe ang buong katawan ko. Sinulat ko 'to?! Bumalik ba talaga pagka crush ko kay Luke?! I scanned the next entry

It's about the duet we had. According sa sinulat ko doon, kinakabahan nanaman ako noong tinititignan niya ako. What kind of sorcery is this?! 'Yung next naman eh  mahaba, and I guess matagal din akong hindi nakapagsulat before this.

'Yung mga days na tinututor ko siya at yung pagtira ko sa bahay nila, yung nangyari sa allergy ko, yung mga nangyari at yung sa birthday party.

Binasa ko ang huling entry at nasagot na ang tanong ko tungkol sa.posibleng away namin.  

"How can someone be friends just because they feel bad? Does anyone deserve to have someone in their life out of pity?

No, hindi ako galit na naaawa siya sa akin. Kung ako siya, maaawa din ako. But the fact that he and I live in different worlds, it feels much real than before. That despite how good we are as friends, nothing will change. After all of these, we will part ways and maybe 10 years from now, he will not even remember me anymore.

So my dear little heart, wake up. You're just a friend, he will never like you the way you like him. "

Nabitawan ko ang diary. At first I'm having doubts if that was really me. But the last part sounded like me. Tumatako nanaman. Napalunok nalang ako. Maybe that's the reason why we fought.

Ito na ang last na entry sa diary ko. Ibinalik ko lahat sa box. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I liked Luke.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now