Chapter 17

7.4K 136 8
                                    


"May isusuot ka na ba para mamayang gabi?"tanong sa akin ni Luke.

"Ha? Hindi ako lalabas. Doon lang ako sa room, mag aaral ako."

"Don't be a nerd."

"What do you think?" Huminga siya ng malalim. May cocktail party sa function hall sa tabi ng beach mamayang gabi.

"Genny, tama hinala mo. Bihisan mo si Ate Danielle mo katulad ng napagusapan."

"Told you.", sabi ni Genny na nakangiti. 

"What?", tanong ko. 

"She predicted that you will do this so she brought some unused cocktail dresses for you to try. Hindi pwedeng hindi ka sasali.", sabi niya. 

"Oo nga ate, you're like a close friend to me na rin."

"Teka, parang may nag iba sayo?" Tinginan niya ako ng malapitan. "Kailan ka ba walang braces?"

"Kanina lang."

"Kaya pala may kakaiba."

"Kanina pa tayo magkasama ngayon mo lang napansin yan kuya?"

"Eh hindi ko naman siya tinitignan.", sabi ni Luke. "Anyway, kung gusto mong makabalik ng maayos, susunod ka.", sabi ni Luke na parang nananakot.

"Huwag mong pansinin si kuya ate, its my birthday and I want you to be there, please?"

"Okay.",sabi ko at ngumiti sila. Pagdating namin sa resort pagkatapos mag check in dumeretso kami agad sa isnag kwarto at doon na inayos ng mga katulong nila ang mga gamit. May dumating na stylist para ayusan si Genny, habang naghihintay sinukat ko ang mga dala niyang cocktail dress.

"Nope, too bright."

"Too fancy for me."

"Too long."

You look like a nun!", sabi ni Genny. Wala akong nagawa kung hindi pumasok sa CR at magpalit uli. Wala na bang iba? Halos nasuot ko na lahat except dito. Ayoko nito kasi maikli. Lumabas ako na hindi kumportable.

"Perfect!", sabi ni Genny. Pinaharap niya ako sa salamin. Suot ko ang black fitted dress na medyo kumikinang. Bagay na bagay daw sa gabi pero parang hindi ko kayang maglakad ng ganito.

Pinasuot pa nila ako ng 2 inches na heels. Nilagyan ng make-up at inayos ang buhok.

"You're so pretty.", sabi ni Genny.

"Everything is blurry.", sabi ko.

"Oh right, your glasses. I brought some unused contact lenses, almost same tayo ng grado so I think mine will work with you. It's with kuya, smcan you get it from him ate?"

"Sure!", nagpalit muna ako ng rubber shoes at pinuntahan siya sa kwarto niya. Nakaupo siya sa labas at nakatingin sa phone.

"Luke.", sabi ko. Iniangat niya ang mukha niya at tinitigan ako ng seryoso. Lumapit ako ng lumapit at biglang nagbago ang expression sa mukha niya.

"Elle?! Wow, tignan mo nga naman."

"Save your panglalait."

"Ang ganda mo kaya." Feeling ko nag blush ako noon. Maganda? Ako?

"Gago.", sabi ko. "Yung contact lense?" Pumasok siya sa room at nilabas ang lagayan. "May hinihintay ka ba?"

"Si Angel, ang tagal magbihis.", sabi niya. "Oh, nagtext na siya, malapit na siyang matapos. Nagpapasundo sa room niya. Ano ako escort?"

"You made it that way." Sinamahan ko siyang puntahan si Angel.

"Sorry po sir Luke, excited lang po kasi si maam talaga. Alam niyo po ba na kahapon pa siya nagtititili nung kinukwento ka niya sakin. Nililigawan niyo poba siya? O baka kayo na? Gusto po namin kayo para kay maam Angel, bagay kayo, same height, tsaka pareho po kayong maganda at gwapo.", sabi ng katulong nila. Basically, theyre like worshipping Angel despite her attitude.

Nagbukas ang pinto at naubo ako bigla sa nakita ko. Black long dress ang suot ni Angel, na may mahabang slit. Nalilito ako kung Star Magic Ball ba ito o Cocktail Party. Medyo litaw ang cleavage ni Angel. Tinignan ko si Luke at namumula.

Men are men.

"Woah,you look,stunning.", sabi ni Luke na nauutal at nakatingin kay Angel. Kinurot ko si Luke.

"Thank you! Im not sure about this dress, it looks like a little conservative." What? conservative?! Really?

"No, it's okay, and besides baka ma late narin tayo, magsisimula na ang program in 30 minutes eh."

"Oh right, wait kukunin ko lang yung bag ko." medyo hinintay pa namin siya ng 5 minutes. "And who's this?", tanong niya sa akin."

"Its me duh.", sabi ko at narecognize niya ako.

"Ew.", sabi niya nang narealize niyang ako yon. Such a rude person. Pumunta na kami sa hall at kinausap ko ang coordinator. Wala naman nang problema at ilalabas na nila ang pagkain once nagstart na ang program. This is Genny's 14th party pero sa mundo ko parang 18th birthday party na ito sa sobrang garbo. Hindi pa ito full blowned birthday party pero gumastos na sila ng more than 100 K, for this.

Nagsimula ang party, dumating ang kainan, ang special video greeting, ang gift giving at games. Sobrang saya ni Genny.

The whole party, nasa bandang likod ako kasama ng tech team ng hotel.

"Hindi po ba kayo doon sasali maam?", tanong sa akin ng isang poging staff.

"Hindi po ako part ng circle na 'yan sir eh. Organizer lang po ako.", sabi ko.

"Ako pala si Kent maam, pag may kailangan po kayo, sabihan niyo lang po ako."

"Thank you po."

"Elle.", nakita ko si Luke na seryosong nakatingin sa akin. "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Mas preferred mo ba na kumausap ng strangers kaysa makatabi kami? Kanina ka pa hinahanap ni Genny ah."

"Dito nalang ako Luke. Sige na, sabihin mo nalang kay Genny pupuntahan ko nalang siya mamaya. " Tinignan niya lang ako ng seryoso at pumunta sa akin. Hinila niya ako at pinaupo sa table kung saan sila ni Angel.

"Oh ate, kanina ka pa namin hinahanap.", sabi ni Genny. Ngumiti lang ako pero alam kong masama ang tingin ni Angel sa akin. Eto na nga ba sinasabi ko. Feeling ko hindi ko bagay dito, hindi ko bagay na suot ko tong outfit na to na siguradong nasa libo libo ang halaga. Bakit ba ako nandito? Bakit ko ba kaibigan 'tong mga to eh hindi naman kami parehas ng mundo.

Nakaupo ako doon at nakatingin sa sahid habang nakapatong ang mga kamay ko sa lap ko.

"Okay ka lang ba?", tanong ni Luke. Hindi ako nagsalita. "Bakit ka pinagpapawisan?", tanong niya.

"I have to go to the CR.", sabi ko at pumunta sa CR. Humarap ako sa salamin na parang nag-guilty. Pumasok si Angel sa CR ng palabas na ako.

"Hindi ko alam kung paano mo nagawang nakapasok sa buhay ng mga Mercado pero saludo ako sa galing mo. What did you do nerd? Sabihin nating mabait sila at walang pakialam sa itsura mo, paano ka nagpapansin sa kanila? You're not even from the same circle.", sabi niya.

"Mind your own business.", sabi ko.

"I'll tell this to the whole school!", sabi ko.

"Then do it. I don't care.", sabi ko. Paglabas ko ng CR nasa labas si Luke. "What are you doing? Naninilip ka ba?" Hindi siya nagsalita pero may worry at inis sa mata niya.

"I'm going to sleep already, please tell Genny." Hindi niya ako pinigilan. Iniwan ko siyang nakatayo doon at pumasok ng kwarto.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now