Chapter 22

6.4K 115 7
                                    

Kevin's POV

Nandito na rin ako sa ospital para asikasuhin dahil part timer namin siya. Nasa ER yung babae at nahulog siya mula sa 15th floor hanggang 13th floor ng hotel. Elle ang pangalan. Ako ang unang lumapit sakaya nang mahulog siya dahil saktong nasa 13th floor ako. 

Naghintay akong matapos ang operation niya at binantayan si Angel na hinimatay dahil sa shock. 

"Sir, kayo po ba ang representative ng hotel?", tanong ng pulis na pinuntahan ako sa ospital para kausapin. "Maari ko po bang malaman kung anong nangyari?" 

May ginawa akong alam kong pagsisisihan ko, pero kailangan ko itong gawin alang-alang sa kapatid ko. "Sabi po ni Ms. Dylene Cruz, ang witness, may nililinis daw si Ms. Andres sa may veranda at na aksidente ito. Tama po ba sir?"

"Opo."

"Nakita niyo naman po sa CCTV na pumasok siya ng kwarto para maglinis, may hindi kasi nalinis na cobweb doon sa veranda kaya ipinalinis ng kapatid ko. Maarte po kasi 'yon.", sabi ko. 

"Pero ayon sa mga ilang staff niyo, hindi pwedeng magovertime ang part timer, lagpas na po ng working hours niya, bakit pa siya nandoon?" Sabi ko na nga ba lilitaw ito. Ipinaliwanag ko na ginawa niya ito na hindi nagpapaalam. Kinausap ko na si Ms. Dy at binalaan na kapag inako niya na siya ang nagpapayag, aalisin namin siya sa trabaho sa hindi pagsunod sa company rules. "Doon po, may negligence ang aming staff na hindi na monitor ang oras niya. Iimbestigahan po namin ito at panangutin kung sino man ang may sala."

"Salamat po, si Ms. Angelica nalang po ang kailangan namin makausap para sa statement niya." 

"Salamat po.", pumasok ako sa kwarto ni Angelica. Kailangan ko siyang makausap bago siya kausapin ng mga pulis. Maya-maya pa, pumasok ang doctor na nagsagawa ng operasyon sa kwarto ni Angelica.

"Sir, wala pa po ba ang mga magulang niya?"

"Wala pa sir eh, kaka-contact lang po sakanila." 

"Successful naman po ang operasyon niya. Buti nalang at dalawang floor lang ang ibinagsak niya. Miracle na hindi masyadong malakas ang impact sa ulo niya at napigilan ang further  bleeding. May fracture sa right arm niya dahil sa pagkakabagsak. It's really a miracle na ito lang natamo niya. " Umalis ang doctor matapos niyang sabihin sa akin ang nangyari, buti nalang at okay siya. 

"Kuya, si Danielle?" tanong ni Angel habang umiiyak. "Kuya, it was an accident, believe me."

"I know.", sabi niya. Kainusap ko siya sa kung ano ang sasabihin niya sa pulis para consistent ang story. 

"Kuya, paano kung nagising siya? Malalaman nilang nagsisinungaling tayo!"

"Hindi, ako ang bahala."

"Pero kuya, kasalanan ko kung bakit siya nandoon ngayon. I hate her but I don't want her to die! Im not a murderer!"

"No you're not, it was an accident."

"But I don't want to lie. Kuya, sasabihin ko ang totoo." Nag-init ang ulo ko. 

"Okay, tell them the truth and you have to suffer the consequences! Do you think with your bad reputation people will believe that it was an accident? Everyone in that building  knows how bad your temper is to the point that you might even have the capability to kill someone. Hindi mo ba alam?"

"IT WAS AN ACCIDENT"

"Kahit na! You were there, ikaw lang ang nandoon. Napatahimik ko na ang isang witness pero ipapahamak mo lang kaming lahat pati ang hotel kung lumabas sa news na nag away kayo before she fell. Kahit na aksidente yan, this is an opportunity for our competitors to use this against us!"

"Kuya, I'm scared.", sabi niya. 

"Don't be. Ako ang bahala.", sabi ko. 

Lumabas ako ng kwarto at tinawag ang mga pulis. Iniwan ko sila doon. 

Nilipat na si Elle sa isang kwarto. Pumasok ako para magpakilala sa mga parents niya. 

"Good evening Mrs. Andres, I am Kevin Smith representative of CL Hotel." ipinaliwanag ko sakanya ang nangyari. Umiiyak lang siya. "Kami po ang magbabayad ng lahat ng expenses ng pagpapagamot niya ma'am. Sa awa po ng Diyos wala namang kahit anong malalang komplikasyon sa kanya. 

Ang ibang detalye, ipinaliwanag ng mga doctor. 

"Kailan siya magigising?", tanong nung mama niya. 

"Nagpapahinga nalang po siya ma'am, kung maayos naman po ang lahat, bukas po ay gigising na siya. 

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon