Chapter 42

5K 81 3
                                    

Elle's POV

"Nakita mo lang si Luke parang pinakasalan ka na niya.", pang-aasar ni Camille nang nadatnan niya ako sa bahay na nakatulala at nakangiti. Tumakbo ako sakanya at niyakap siya. "Wow, paano nalang kapag nagka-boyfriend ka."

"Paano kung sabihin ko sayong nagkausap pa kami?" Tumawa siya at hindi naniwala. 

"Gaga, hindi counted as usap ang hi ha.", tumawa lang ako at bumalik sa kama ko.

"Nako, hindi ko mai-magine kung magkaka-boyfriend ka." Huminga nalang siya ng malalim. Sorry Cams, hindi ko pa masasabi sa'yo. Soon. Kapag okay na ang lahat. "'Yung friend ng pinsan ni Kyle, kakilala niya 'yung bestfriend ni Luke, if ever may chance itanong ko sakanila kung pwede kayo magm-meet, nanunod daw minsan ng gigs 'yon eh."

"Okay lang, hindi na kailangan. Okay na ako.", sabi ko na may ngiti.

"Kamusta nga pala? Sumali ka ba dun sa aegyo? For sure di ka nanalo kasi di mo naman alam magpa cute ng ganon."

"Hindi ako sumali noh, nanuod lang ako."

"Talaga ba? Anyway nga pala, kailangan daw ng extra manning doon sa Ace Tonight Live, kailangan nila ng OJTs para doon sa anniversary special. Gusto mo bang mag volunteer?", tanong sa akin.

"Ha? Paano 'yon duty ng 6 pm tapos 11 pm ulit?"

"Oo daw eh, pero assist lang sa news and main duty us doon sa talk show."

"Ang late na nung 11 pm, for sure 2 am na tayo matatapos noon kung may debriefing pa."

"True, ano, gusto mo? May extra hours daw. Kailangan lang daw ng extra manning ngayon kasi nasa Palawan 'yung dalawang staff and maraming guests."

"Sige, sayang din 'yung extra hours eh." It's all set, para sa graduation!

Nago-OJT kami ngayon sa MSC Network, mainly sa News Live pero dahil OJT, minsan napupunta kung saan saan. Okay lang, kaysa naman pinagtitimpla lang ng kape.

Dumating ang araw ng bonggang overtime. Nagsimula ang duty namin ni Cams ng 5 pm, assist sa set hanggang sa matapos ang news. Pinatawag ako sa isang shooting ng sitcom dahil kailangan ng magsh-shred ng papers para sa props nung mga artista. Minsan naguguluhan na din ako kung saan ako eh. Pero siyempre nga, dahil OJT ka, wala ka namang karapatang magreklamo. Kung anong iniutos sayo, kailangan mong pumunta doon. May mga pinagawa pa sila hanggang sa natapos na ako ng mga 9 pm na. Pagbalik ko sa set, tapos na ang briefing.

"Saan ka ba nanggaling?", tanong ni Cams.

"Pinatawag ako sa kabila eh, nacomfise nga ako kung broadcast communication ba course ko o fine arts eh, pinagawa pa sa akin yung ilang nasirang props." Malaki ang ngiti ni Cams. "Oh bakit ganyan ang ngiti mo?"

"Hinga ka muna.", sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Baka mahimatay ka sa sasabihin ko."

"Ano?"

"Guest natin si Luke Reyes." Napalaki ang mata ko. Eto pala 'yung sinasabi niya sa aking isang araw na interview na napilitan siya.

"Ah.", sabi ko at tumango.

"Ah? 'Yun lang reaksyon mo?! Pagkatapos mo siya makita sa personal hindi mo na siya crush ganon ba 'yon?" Tumawa ako.

"Nagf-freak out ako sa loob Cams kung alam mo lang pero kailangan kong simulan maaga palang ang pagiging professional ko kasi baka mahimatay ako kapag nakita ko siya.", sabi ko.

"Ayan, 'yan ang totoong Elle.", sabi ni Cams. Ngumiti ako.

"Nasaan na sila?"

"Nasa dressing room na daw. Mauuna ng 20 minutes 'yung shooting niya, may flight daw siya ng 2 am eh."

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now