Chapter 11

7.9K 143 6
                                    

Elle's POV

Umuwi ako dahil sa text ni mama: "Saan ka na? Umuwi ka na, may sasabihin ako."

Pag-uwi ko sa bahay, nakita ko si mama at si Tito na magkatabi sa sofa at nanunuod ng TV. 

"Oh, nandiyan ka na pala.", sabi ni mama. Nakangiti sa akin si Tito pero inirapan ko siya. "Kumain ka na ba?"

"Opo."

"Kamusta naman 'yung tutoring mo?"

"Okay naman po.", sabi ko. Pumunta ako sa kusina at nagulat nang may nakita akong batang lalakeng nasa 5 years old na naghuhugas ng kamay. Napasigaw ako sa takot. Dali-daling pumunta sila mama sa Kusina.

"Bakit anak?! Anong nangyari?!"

"Ma, may bata.", sabi ko na nanginginig ang boses. Tumawa si mama at si Tito.

"Anak, eto yung gusto kong sabihin sa'yo. Siya si Gian, kapatid mo."

"Kapatid ko?"

"Oo, anak siya ni Rico , hindi ka ba masaya, may kapatid ka na!" Kumunot ang noo ko. 

"For sure, hindi niyo to anak? Kanino 'to?"

"Darling, ako na magpapaliwanag, idala mo muna si Gian sa kwarto.", sabi ni Tito. Umalis si mama kasama nung bata. "Elle, anak ko si Gian sa ibang babae.", sabi niya ng diretso. 

"Anak mo siya sa ibang babae tapos ipapaalaga mo kay mama? Hindi ka na ba nahiya?", sabi ko. Pinipigilan ko ang iyak ko. 

"Namatay 'yung nanay niya nito lang at kakalaman ko lang na nabuntis ko siya. Nakakaawa naman 'yung bata."

"Pero bakit kami ang mag-aalaga diyan?! Wala ba siyang lolo o lola?"

"Matanda na rin kasi sila. Tsaka hindi mo ba nakita yung mama mo? Napakasaya niya." Oo nakita ko 'yung mata ni mama na sobrang saya. Matagal niya na ring gustong magka anak.

"So ano? Ganon nalang? Nung may nabuntis ka parang okay na lang dahil masaya si mama? Baka nakakalimutan mo na dahil sayo halos magpakamatay na 'yan nung nagloko ka!", sabi ko at nagulat siya. Naiyak na ako nang biglang may sumampal sa pisngi ko.

"Ano bang problema mo Elle?! Hindi kita pinalaking bastos!", sigaw ni mama. 

"Tama na Grace.", sabi ni Tito Rico. 

"Hindi, sumusobra na itong batang 'to! Hindi mo ba nakikita?! Pilit ipinapakita ng tito mo na nagbago na siya para sa atin. Blessing si Gian sa pamilya natin."

"Kung galit ka sa akin, okay lang pero huwag mo sanang idadamay si Gian.", sabi ni Tito.

"So ako nanaman ang may kasalanan?" Umalis ako sa Kusina at pumasok sa kwarto ko. Hindi ko napigilang umiyak pero kinagat ko at dulo ng kumot para hindi nila marinig ang hagulgol ko. 

Hindi ko matanggap ang sorry niya kasi parang napakadali sa kanya nang lahat. Umiyak siya isang gabi at lumuhod kay mama para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya at paggising namin, nakangiti siyang humigop ng kape at nagbabasa ng dyaryo na parang walang nangyari. 

Hindi ko matanggap ang sorry niya kahit na napatawad na siya ni mama, hindi pa rin siya humihingi ng tawad sa akin. 

Okay si Tito Rico noon unang taon nila ni mama. Pero simula noong tuloy tuloy na nalaglagan si mama ng anak, nag-iba ang relasyon nila. Nahuli ni mama si Tito ng dalawang beses sa loob ng dalawang taon na may babae, isa doon ang mama ni Gian. Kung maalala ko, doon nagsimulang magbago si Tito, doon nagsimulang kinamuhian ko siya, pero hindi lang yun ang ginawa niya.

Halos magpakamatay si mama dahil sa sama ng loob noong nalaman niyang may pangalawang kabit si Tito, pero noong nalaman ni Tito na muntik nang magpatiwakal si mama, pinilit niyang magbago. 

Simula noon, hindi ko kayang tignan si Tito Rico na walang halong galit.  Una, sa ginawa niya sa akin pangalawa sa ginawa niya kay mama at pangatlo, siya ang dahilan kung bakit handa si mama na iwan akong mag-isa sa mundo. 

Gusto ko nang maka-graduate at umalis sa pamilyang 'to, kung pwede lang kalimutan ko na ang lahat. 

Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad. 

"Elle?", nagulo ako sa pag-iisip nang nakita ko si Kuya Sean na naka basketball attire at may dalang basketball. "Okay ka lang?" Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap siya. Hindi ko na napigilang umiyak. 

"Kuya-", sabi ko at tuloy pa rin sa pag-iyak. Dinala niya ako sa bahay nila at tinawagan si mama na nasa bahay nila ako. Kinwento ko kung anong nadatnan ko sa bahay kanina. 

"Wow, I can't imagine how you're feeling right now."

"I'm frustrated, naiinis ako kuya na parang okay lang lahat kay mama. Na parang sobrang saya niya pa na may anak si Tito sa labas. Tapos pinipilit pa nila na maging okay ako. Ni hindi ko nga kaano ano yung batang yon." 

"What's his name?"

"Gian.", sabi ko. "Kuya, I can't  go back to that house."

"You have to face this baby. Naalala mo ba noon una tayong nagkita? Ganito rin, alas nuebe ng gabi umiiyak kang naglalakad at ako pauwi din galing basketball. Naka black hoodie ka at naka pin na pajama at tsinelas. Sabi mo, maglalayas ka na pero wala kang pera o damit man lang."

"Pero kung maglalayas ako, kukupkupin mo naman ako diba?", tanong ko.

"Hindi, bakit kita kukupkupin kung may pamilya ka?", sabi niya sa akin at ngumiti. Sumimangot ako at inalis ang tingin sa kanya. "Elle, listen to me. The world is a very very strange place. It suddenly becomes complecated as you grow older. You'll suddenly realize that love will not solve everything or not all people around you really cares for you, or not all people who looks in love are really in love." 

"What do you mean kuya?"

"What I mean Elle is, life is complicated. Your situation is complicated but that doesn't mean you can't pass through it. You're frustrated and you think its unfair, I totally understand that's why they are not forcing you to forgive them instantly. But I know they're asking for you to atleast little by little, understand the situation. Start by accepting that your family is not like any regular family and then accept that Gian has no fault. He is just a child who lost her mother and badly needs a family now, na kayo lang ang makakapagbigay."

"Then what about me? Paano naman 'yung feelings ko?"

"That's why I'm here to listen Elle. I'm always here for you." I know that he means well but I cannot expect kuya Sean to be there always and I can't always bother him because he is at work most of the time. Actually, hindi na nga kami masyadong nakakapag usap dail busy siya sa mga projects nila. 

"Thank you kuya.", sabi ko. Hinatid niya ako pauwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko. 

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now