Chapter 15

7.9K 148 7
                                    


Danielle's POV

In life, people come and go. Some people go away because they're not meant to stay in your lives but some people go away but they'll stay in your hearts forever.

The day has come. I have to say goodbye. Hindi ko alam kung kailan kami ulit magkikita pero alam kong he will always be there to listen to me like a true brother.

"Aww, don't cry Baby Elle, may communication naman tayo eh. There's this advance thing called the internet, you know?", sabi niya habang humahagulgol ako na parang bata.

"Wala na akong kakampi dito, sino na ang magtatanggol sakin?", sabi ko at lalo pang umiyak. Niyakap niya ako habang tumatawa.

 
"You're not a kid anymore. Sa tapang mong yan kailangan mo pa ba ng magtatanggol sayo? And besides, you have Luke now. "

"Huh? WHAT?? SI LUKE?? SI BOSS??"

"Yeah, he's a pretty reaponsible guy. He'll protect you, whats the problem?"

"That bastard?"

"He's not really that type of person, by the looks of it, he's kindhearted and very responsible."

"You sound so sure, I'm closer to him than you. Pero never did I hear him be responsible for anything. "

"EXACTLY! You're closer to him, yet you dont know him. Look Elle, I think you havent noticed but Luke has become one of your closest friend, next to me." Tumawa ako sa kung gaano ka nonsense ang sinasabi ni kuya.

"That doesnt make any sense."

"Did you know? He called me last week and gave me tips on how to live abroad? He also asked me about how to take care of you."

"What? Why did he do that?"

"Because, I think he likes you." Tumawa ako. "Hey, before you get all fuzzy, he likes you as a friend. Inmade it clear to him that you cant jave a boyfriend yet. Magtapos ka muna ng college."

"Wow, tatay ba kita?"

"Kung hindi ako ang magsasabi niyan, sino?", sabi niya. "Okay lang naman na mag boyfriend ka pero kung ako ang tatanungin ayoko hanggang hindi ka pa nakakapagtapos ng pagaaral mo."

"Huwag kang mag-alala kuya, walang manliligaw sa mukhang to.", sabi ko. Ginulo niya ang buhok ko.

"You're so smart yet so stupid. Anyway, Luke is a good and sincere friend."

"Whatever kuya."

"Take care Danielle.", sabi niya.

Its 6:30 Am at ako lang ang naghatid kay Kuya sa airport. Now, I have to go back. May klase pa ako eh. Palabas na ako nang pumarada sa harapan ko 'yung kotse nila Luke.

"Hop in or we'll be late."

"Mag c-commute nalang ako. "

"Sasakay ka ba o sasagasahan kita?"

"Di ka naman mabiro, eto na, eto na sasakay na." Eto ba 'yung sinasabi ni kuya na good and sincere friend?!

"Elle, simula ngayon, ako na ang magiging kuya Sean mo." Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko. Tumawa ako hanggang sa maiyak. "Tapos ka na tumawa?"

"Kinausap ka ba ni kuya para dito? You sound so creepy and corny."

"No, I talked to him about this, ako ang may gustong pumalit sa pwesto niya.", sabi niya at ngumiti.

"Boss, wag ka ngang magpatawa, alam mo namang mukha akong unggoy pag tumatawa eh."

"Seryoso nga ako." Tumigil ako sa pagtawa at sineryoso din yung pagmumukha ko. 

"Okay, ipagpalagay nating seryoso ka nga talaga, bakit? Anong intensyon mo?"
 

"I just want to protect you, that's all." 

"Why would you want to do that? "

"I'm your fudging boss! Remember?"

"Normal bosses don't do that. Instead they make their workers suffer MORE. 'Yan ba ang plano mo sakin boss?"

"Hindi, can't you not take this seriously? I'm here for you as a friend." Lumaki mata ko. "Oo, friends na tayo simula ngayon."

"Wait, you mean, after all of the things we went through, hindi pa tayo friends?"

"Friends na tayo, kakasabi ko lang."

"No, I mean, like 5 minutes ago? "

"Yeah, I'm not someone who regard just anyone as a friend. Silly."

"Nandito na tayo, bye Friend." Bumaba siya at nauna nang maglakad. Bumaba na rin ako nang na realize ko na sa front gate pala kami bumaba!

Nagtitinginan na ang mga tao at sa tingin ko nagbubulungan na sila kung bakit ako bumaba sa sasakyan ni Luke.

Okay lang, wala akong ginawang masama. Kapag tinanong ako, pwede kong sabihin na sinabay lang ako sa daan. Yes, tama okay lang yan Elle, wala kang ginawang masama.

Pumasok kami at pangalawang araw ng selebrasyon ng buwan ng wika. Performance namin ngayon ng sabayang pagbigkas kaya pagpasok palang namin sa classroom, nag practice na agad kami.

"Nasaan na 'yung iba?", tanong ko.

"Wala pa eh."

"Ha? Diba ang sabi magkita kita ng 7 am para sa last practice?!", pagalit kong tanong.

"Huwag kang sumigaw pres, parang hindi naman kami sumunod sa mga utos mo. Ang aga masyado ng 7 am.", sabi nung isang inaantok pa.

"Hindi ba unfair para sayo na nandito ka ng before 7 tapos sila baka naglalaway pa sa mga kama nila?"

"Ah ewan ko sainyo, gisingin niyo nalang ako kung start na."

Presidente ako ng klaseng ito hindi dahil may tiwala sila sa akin na illead ko sila o dahil nirerespeto nila ako. Presidente ako ng klaseng to kasi alam nilang gagawin ko ang lahat kahit responsibilidad nila.

"'Wag ka nang mastress, okay naman na 'yung last practice natin kahapon. Okay na yon.", sabi ni Luke. Tinignan ko siya ng masama.

"You're not helping."

"Ano ka ba, I think the mere fact that you were able to convince them to take part in this stupid performance is commendable."

"Stupid performance?!"

"Woah, thats not the maim point of my statement. I commended you."

"Get out of my face.", umupo siya sa gilid at hindi nagsalita. Nagiinit ulo ko dahil pinaghirapan ko yon tapos hindi sila dadating sa last practice?!

10 minutes bago ang performace, isa isa silang nagdatingan. Naubos ang energy ko sa kakaisip kung paano ako makakaganti sakanila pero hindi ko yon magawa nung nandon na sila.

"Trust them, trust us.", bulong sa akin ni Luke bago ang performance. Tinawag na kami sa harap.

Hindi ko inaasahan ang nangyari. Parang ibang mga tao ang nakasama ko sa sabayang pagbigkas, yung mga maaarteng mga kaklase ko naging matapang. Yung mga siga naman, naging mahinahon, at si Luke ngayon ko lang siya nakitang sobrang dedicated.

Natapos ang sabayang pagbigkas nang higit pa sa inaasahan kong level of performance. Tapos na ang laban. Alam ko nang kami ang panalo.

Nagdiwang kaming lahat at bumalik sa classroom para mag celebrate. Pagpasok namin, may catering nanaman.

"Yes, thank you Luke!", sigaw nila. Teka, parang inasahan na nila ito ah?! Kaya ba sila nagseryoso dahil dito?!

"See? I told you to trust us."

"They were so passionate because of this and not because they want to to do that performance."

"How can you motivate them if you're always fighting with them?"

"Wala akong means para gawin yang ginagawa mo. I only have my mean self to make things work."

"Well sadly, its not working. You need to give them a reward.", sabi niya.

"Alam mo, ikaw nalang mag presidente, total kaya mo naman lahat eh.", sabi ko at nag walk out. Imbyerna.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now