Chapter 43

4.9K 82 3
                                    

Elle's POV

"Parang hirap atang sagutin ni Luke 'yung tanong ha.",sabi ni Mr. E at nagtawanan ang lahat.

"Hindi naman po, let's just say that there's a special girl but it's not yet the right time to make things official."

"Bakit naman?"

"She's a very goal oriented person and she knows what to prioritize. I know that I'm not going to be successful if I will court her now but in the the future."

"Teka lang, kilala ba namin 'to? There are some recent rumors that you and Ms. Yna are close."

Si Yna ang endorser ng hotels nila sa Pilipinas. She's older by five years pero hindi halata. She's seen with Luke many times, but with friends.

"Oh, si Ms. Yna, yes we are close but we are just friends. Nagkakilala lang kami because she endorse our hotels."

"Nakaka-curious naman kung sino itong girl na 'to." Nagtawanan ulit sila. "I guess basing from your vague answers, she's not from the showbiz industry. Curious question, totoo ba talaga yung mga arranged marriage sa inyong mga businessman?"

"Nangyayari po 'yun but now it's already rare. I think very traditional families are the only ones practicing this. Pero sa amin po, from my parents, they were not forced to marry." Nagtuloy tuloy pa ang kwentuhan hanggat sa natapos.

"Thank you po.", pagbati ni Luke. Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Dumaan siya sa harap ko at palihim na pinisil saglit ang kamay ko.

"Oh, natulala ka nanaman dumaan lang sa harap mo ah.",sabi ni Cams. Hindi ako makasagot. Nag vibrate ang phone ko.

"Lika dressing room.", text ni Luke.

"Uhm Cams, okay lang pa cover muna babanyo lang ako biglang sumakit tiyan ko.",sabi ko at lumabas ng set. Pumunta ako sa mga hilera ng dressing room at kumatok sa pintuan ni Luke. Binuksan niya ang pinto at hinila ako papasok.

"Ano? Ayos ba sagot ko?", tanong niya.

"Oo, magaling." Nag-alis siya ng make-up. "Oo nga pala, close talaga kayo ni Yna?"

"Sakto lang."

"Maganda siya noh.", sabi ko. "Makinis mukha, talented."

"Oo."

"Siya talaga 'yung mga type ng mga lalaki noh?"

"Siguro.", sagot niya habang naglilinis ng mukha. "Kung anu-ano binabasa mo nanamang articles sa internet."

"Eh malay ko ba, sa internet lang naman ako nakikibalita sayo ah."

"Hindi naman ako nagbago ng cellphone number bakit hindi mo ako tinawagan?",tanong niya.

"Hindi rin naman ako nagbago ng cellphone number pero bakit hindi mo rin ako tinawagan?" tanong ko rin. Tinignan niya ako.

"I guess we have the same reason, we want to reach our goals first before meeting each other again. We've grown a lot, don't you think?", tanong niya. "Pero may mga bagay na hindi pa rin nagbabago Elle." Tumayo siya at nilapitan ako.

"Pupunta akong Thailand mamaya, anong gusto mong pasalubong?",tanong niya.

"Ha? Ewan ko, bahala ka."

"Wala kang ipapabili?" Umiling ako.

"'Yan lang ba ang itatanong mo sa akin? Bakit mo pa ako pinapaunta dito?" Pinisil niya ang pisngi ko.

"Hayy, you're still impatient. Hinawakan niya ang braso ko at iniangat."You're still wearing this."

"Of course.",sabi ko at ngumiti. May kinuha siya sa bag niya na isang maliit na box. Binuksan niya iyon at may necklace na may maliit na pendant na hugis mic.

"Oh, early graduation gift ko. Hindi ako makakapunta sa graduation mo, I checked the date nasa Korea ako noon."

"Bakit mo dala 'to? Pano mo nalamang nandito ako?"

"I bring this everyday baka sakaling makita kita.", sabi niya.

"Uh, I have to go, baka hinahanap na ako." Binuksan ko ang pinto at sumilip kung may dadaan. Nang walang tao sa hallwaw, lumabas ako. "Bye." Isinara ko ang pinto.

Still, Luke and I live in different worlds.

"Nag tagal mo namang tumae.", sabi ni Cams nang nakabalik ako sa set.

"Sorry, mahirap ilabas eh.",sabi ko. Itinuloy namin ang trabaho hanggang 2 am.

"Hindi ba tayo susunduin ng jowa mo?",tanong ko kay Cams na may kinakalikot sa phone.

"Eto na nga tinatawagan ko, nakatulog ata."

"Ano ba yan. Dibale, may taxi naman."

"Nakakatakot.",sabi ni Cams.

"Eh ano? Gusto mong hintayin hanggat sa magising si Kyle? Baka maliwanag na kung makauwi tayo ha.",sabi ko.

"Excuse me, miss Elle?" Narinig ko ang isang pamilyar na boses. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang driver nila Luke. Siya 'yung naghahatid sa akin noon sa bahay.

"K-kuya?",tanong ko.

"Pinapahatid po kayo ni sir L-" Tinakpan ko ang bunganga ni Kuya Buti nalang hindi nakikinig si Cams dahil busy siyang cinocontact si Kyle. "Sabi po ni Sir Luke, ihatid ko daw po kayo.",bulong niya.

"Ha? Bakit po?"

"Baka daw po wala kayong sasakyan."

"Naghintay po kayo ng matagal?" Tumango siya at ngumiti.

"Tara na po maam?" Aayaw sana ako pero sayang naman ang pahhihintay ni Kuya at pagod na pagod na rin kami ni Cams.

"Uh, Cams sabay na tayo kay Kuya, pauwi na rin daw siya." Tinginan ni Cams si Kuya mula ulo hanggang paa. Naka uniform si Kuya kaya presentable pero parang nakakainsulto yung tingin ni Cams.

"Uy, safe ba yan baka kung saan tayo idala niyan ha." Bulong sa akin ni Cams.

"Gaga hindi, safe to, kilala ko na si Kuya Highschool palang."

"Talaga ba?  Eh di tara na!" Sumakay kami sa sasakyan nila. Siyempre, hindi na ito yung dati nilang sasakyan.

"Bakit po kayo nandito kuya?",tanong ni Cams.

"Hinatid ko po kasi yung boss ko.",sabi ni Kuya. Ano ba Cams ang daldal mo huwag ka nang magtanong.

"Ah, nagttrabaho po siya diyan? Alam niya po bang ginagamit niyo yubg sasakyan niya para maghatid ng ibang tao?" Hinampas ko si Cams. Tumawa lang si Kuya.

"Huwag kayong mag-alala maam, legal po itong ginagawa ko." Tumingin si Kuya sa akin through the rearview mirror at ngumiti.

Nakakahiya!

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now