Chapter 38

5K 84 12
                                    

Kevin's POV

Naramdaman ko ang concern sa akin ni Elle.  Kahit na inunahan na niya ako na wala akong maaasahan sa kanya, nararamdaman kong may gusto siya sa akin. Nasa CR si Luke para mag shower at nag-aayos si Elle ng mga kumot at unan. 

"Salamat sa pag-aasikaso Danielle ah."

"No worries Kev, guest kita. Tsaka responsibility ko ang kung ano man ang mangyari sayo."

"Pero sorry narin ha, nagulo yung hiking natin dahil sa paghiwalay ko."

"Salamat uli. "Tumayo siya.pero hinawakan ko siya sa braso. "Teka lang Elle." Tinignan niya ako na gulat.

"Bakit?"

"Lapit ka." Lumapit siya.

"Oo, halika. May sasabihin lang ako sayo. " Lumuhod siya at ako naman ay umupo ng kaunti. 

"Oh ano ba yung-"Niyakap ko siya.

"Just stay. I want to stay like this." Hindi siya nagsalita pero nararamdaman kong nagpupumiglas siya.

"Kevin, let go." Ayaw niya. Naramdaman ko agad na hindi siya kumportable sa pagkakayakap ko sakanya. Kaya tinanggal ko nalang. 

"Sorry." sabi ko nalang. "Alam ko namang sinabi mo na pero alam kong may nararamdaman ka para sa akin, huwag mo nang pigilan Elle." Kumunot ang noo niya at hindi siya sumagot.

"Lalabas na ako.", sabi niya at dali-daling lumabas ng kwarto. Shit. Wrong move.

Elle's POV

Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Luke na nagpapatuyo ng buhok. Nagtama ang mata namin. "Oh? Parang nakakita ka ng multo. Bakit namumutla ka?" 

"Ha? Wala. Nasa loob na mga kumot at unan niyo. Good Night." Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, yung parang lalabas na , puputok o sasabog. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. 

Humiga ako at pumikit. 

"Elle." Nagulat ako sa boses na parang nasa tenga ko lang. Si Kevin, nasa kwarto ko. "Shh, hindi ako makatulog hanggat sa hindi ko nakukuha ang sagot mo."

"Kevin, nag-usap na tayo."

"Alam ko, pero alam kong may gusto ka sa akin." Hindi ako nagsalita. Ano bang mangyayari kung gusto ko nga siya eh wala din naman siyang aasahan. It'll just make things complicated.

"Wala. I just care about you as a friend.", sabi ko. 

"Really? You don't care for Luke the same way you care for me." 

"You don't know anything.", sabi ko. Tumayo ako sa kama para sana itulak siya palabas pero lumapit siya sa akin kaya napaupo ako sa kama. 

"Come on.", pangungulit niya. "Aminin mo na."

"What is it for you kung sakaling may gusto man ako sayo wala?"

"Kung gusto mo ako, maghihintay ako. Kung hindi mo ako gusto, ibig sabihin si Luke ang gusto mo."

"Are you insane? Ganun na ba naapektuhan 'yung logic mo? Posibleng wala akong gusto sainyong dalawa. Posibleng kaibigan lang ang tingin ko sainyong dalawa." Ngumisi siya. "Is it fun for you? Dalawa ang nagkakausto sa'yo?" 

"Huh? What the hell are you talking about?" Lumabas siya ng kwarto. 

"Anak, gising ka na ba?" Minulat ko ang mata ko. Umaga na. Panaginip lang ba 'yon? Pumasok si mama sa kwarto. 

"Nasa baba na 'yung dalawa kumakain."

"Susunod na din ako.",sabi ko. Nag-ayos ako ng mukha at bumaba. Nagtatawanan sila. 

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now