Chapter 31

6.4K 107 10
                                    

Luke's POV

"Class? Who wants to answer this problem?", tanong ng Math teacher namin. Itinaas ko ang kamay ko. Itinuro na 'to sa akin ni Elle noon.

"Okay Mr. Reyes." Sinagutan ko ng walang palya ang Physics problem sa board, sabay ngiti kay Elle.

"Next Problem?", tinaas ko uli ang kamay ko.

"Iba naman. " Nagtaas ng kamay si Elle at sinagutan niya rin. Dumadalang ang bisita ni Kevin sa school pati na rin ang labas niya dahil sa dami ng requirements namin bago kami mag graduate.

"Nagawa mo na research paper mo?" Tumango siya.

"Ikaw?"

"Oo, minor edits nalang." Isang buwan nalang at magkokolehiyo na kami. "Saan ka pala magc-college?", tanong ko kay Elle. Natigilan siya.

"Actually, hindi ako sure.", sabi niya. "Pero baka sa UP ako o PUP. Communication. Mahal kasi sa iba eh."

"Pero nag take ka rin diba? Nakapasa ka din dun sa dalawa." Tumawa siya. "Malay mo makakuha ka ng scholarship?"

"Hindi na, gusto ko ring mag UP.", sabi niya. "Eh ikaw?"

"Hindi ko alam eh, itatanong ko pa sa parents ko."

"Huh? Hindi ba ikaw ang pipili?"

"Hmm, not really. Kapag meron kang mga responsibilidad na hawak, you don't get to choose. Matagal nang ipinaintindi sa akin nila Dad 'yon."

"Baka mag US ka ulit ha.", sabi niya. Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang, may chance. Kasi gusto ni Lolo na mag aral ako sa ibang bansa ng Business Management like my Mom. Pero maganda naman na ang quality ng eduction dito sa Pilipinas kaya hindi na rin naman masama kung dito ako.

"Baka.", sagot ko. Hindi siya sumagot.

"Grabe no, makakapag-aral ka talaga kahit saan mo gusto. Makakabili ka ng lahat ng gusto mo. Makukuha mo lahat ng gusto mo.", tumawa ako.

"Sinabi mo din yan sa akin noon at sasabihin ko uli ito sa'yo ngayon. Hindi lahat ng gusto ko nakukuha ko. At minsan yung nakukuha ko, hindi ko gusto. Alam mo bang muntik na akong iarranged marriage?" Tumawa siya.

"Totoo ba? Ano ka Chinese?"

"Hindi, 'yung bestfriend kasi ni Mom si Tita Dani, may anak na babae. Alam mo naman 'yung mga babae gusto nilang ipakasal yung mga anak nila sa isa't isa. Buti nalang hindi pumayag si Tito Reg at Dad."

"'Yun lang ba ang cons ng pagiging mayaman? Atleast assured na ang lovelife mo diba?"

"Of course not. Kapag maraming ineexpect sa'yo, kailangan mong tapatan 'yon. Kaya nga ako nagpatutor sayo diba? Isipin mo, mababalita na ang anak ni Gen Mercado-Reyes bagsak sa Math at Physics? Baka pagbintangan akong ampon." Tumawa siya. "What I mean is, there are things that happen to us we wish it didn't. Dahil wala lang kaming choice. Swerte ako kasi I was raised in a family where I'm not expected to marry an heir. Not like Kevin.", sabi ko.

"Kevin?"

"Yes, wala pa siyang seryosong relationship na nagtagal. He met many women before, but none lasted. For the simple reason that they're not good enough in the eyes of his father."  Natahimik siya at parang nalungkot.

"Why?"

"It's just that I realized how insignificant I am compared to the both of you. I mean I might even have to look for a part time job while I'm studying." Hindi ako nagsalita. How would I answer that?! Lagi niyang iniisip na langit at lupa ang pagitan namin pero wala naman akong pakialam doon.

"Alam mo, ganyan din ang sinabi mo sa akin noon. Hindi ko alam kung bakit mo iniisip na hindi pwedeng maging magkaibigan kapag magkaiba ang stado? Kasi ako, wala akong pakialam doon."

"Easy for you to say. Alam mo ba na kapag kasama ko kayo, iniisip ng iba na pineperahan ko kayo? They even think that I do malicious things para lang magkapera. Tapos ang tingin sainyo, naloloko ko. Do you think that's fair?"

"Wala naman akong pakialam sa sinasabi ng iba."

"Ako meron."

"Bakit?" Natigilan siya. "Bakit mo ba laging iniisip ang sinasabi nila eh magkaibigan lang naman tayo? Magkaibigan lang kayo ni Kevin."

"Ayon na nga eh, kung magkaibigan ganoon na ang sinasabi nila paano kung higit pa doon?" Para akong nabingi. Nanlaki ang mata niya sa sinabi niya.

"Ha?", tanong ko.

"I mean, it's not necessarily you guys but my whole student life I'm studying in a school full of rich kids. I didn't even experience having a "crush" or a "bestfriend" or those girly stuff regular teenagers have because in this school, I don't have any right to desire those things because I do not belong in your circle. And get this, my other scholar batchmates, tried to make friends but the closest they could get to that "friendship" is them being that rich kid's bitch."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Is this her opening up?

"I didn't know."

"Of course you don't. Nagkamalay ka na nakatingin na lahat sayo ang tao as the son of the most famous conglomerate in the country."

"Why do I feel like your words look like you're complimenting me but it actually sounds like I'm being belittled. We are born into something we didn't choose. There's no better or worse life."

"You say that because you're not born into mine.",sabi niya na naluluha. Hindi kami kailanman nakaabot sa ganoong kalalim na parte ng mga kwento niya. Alam ko lang ang tungkol sa stepdad at kapatid niya pero hindi pa siya nagkkwento ng mas malalim. Alam kong may pinaghuhugutan siya, hindi ko maintindihan ang galit niya pero siguro kung malalaman ko kung bakit niya nararamdaman yon, maiintindihan ko.

Nagtapos ang usapan namin na hindi kumportable. Sinundo siya ni Tito Rico at ako naman pauwi na nang makasalubong ko si Kevin.

"Pwede ba tayong mag usap bro?", tanong niya. Pumunta kami sa isang pub na malapit. "Gusto mo ba si Danielle.", tanong ni Kevin. Tumingin lanh ako sakanya.

 "Why?"

"Just asking."
 

"It's not what you think. I just care about her as a friend."

 
"Seryoso?", tanong niya uli. Tumango ako."Kasi bro kung wala ka talagang feelings para sakanya manliligaw ako."

"Gago seryoso ka? Bro, alam mo namang hindi mayaman sila Elle diba?"

"Oo, so?"

"Hindi siya kung sino lang na pwede mong idala sa bahay niyo para laitin ng papa mo.", sabi ko.

"Hindi ko hahayaan 'yon."

"Sinabi mo rin yan sa iba mong pinakilala. Nasaan sila ngayon? Ni hindi sila makapag aral sa iisang eskwelahan dahil sa papa mo o kaya hindi sila makapag trabaho sa company niyo dahil sayo. Do you want her to go through that?"

"Hindi pa naman sure kung sasagutin niya ako, gusto ko lang subukan."

"Paano kung gusto ka niya? Will you take responsibility? Sorry bro, kung ibang babae susuportahan kita pero si Elle 'to bro."

"Sabi mo wala kang gusto sakanya?"

"Kung ikaw ang nasa lugar niya, ganito rin ang sasabihin ko." Hindi siya nakasagot pero naramdaman kong inis siya.

"Bro sabihin mo nalang na gusto mo siya. Akala mo ba hindi ko alam? Just man up and face me head on."

"I'm not gonna do that."

"Really? Then let's see, let the best man win.", sabi niya at iniwan ako.

Alam kung masasaktan lang si Elle kung naging sila ni Kevin. Hindi ko pwedeng hayaan na ituloy ni Kevin yung balak niya.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon