Chapter 51

4.7K 77 4
                                    

Elle's POV

"I Love you." Naramdaman kong nanigas ang katawan ko. Ha? Mahal niya ako? "You don't have to answer if you don't. And even though you don't believe me, I will still tell you that I do understand how you feel. I'm sorry for being insensitive."

Huminga ako ng malalim pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang comfortable ng feeling sa mga braso niya.

"I'll run around the city holding your hand if you want me to. We will run around and not care about what people would say. We will pursue our dreams together. You will accompany me to social events. I will come with you during your job interviews. I will speak of you during TV interviews. I will post your pictures on social media. We will take trips together. We will go to each family gatherings together. I will introduce you to my family. I will work hard to earn money and someday, build a mire stable future for us.", sabi niya at hinigpitan pa ang yakap sa akin.

"What are you talking about? Why are you suddenly saying that?"

"I want you to know that I'm already picturing you as someone that I want to be with. I cannot change who I am nor I can change who you are but all I know is I'm ready to help you get through this, if you will allow me." Inalis niya ang yakap niya sa akin at tumingin sa mata ko. "Danielle Andres, don't worry about them. They don't have a say on who I want to be with. Don't be afraid."

Huminga ako ng malalim. Gustong gusto ko nang tumakbo papunta sakanya. Gusto kong ma-experience yung mga sinabi niya. Sa totoo lang, hindi naman ako takot harapin yung mga bully, takot akong baka hindi tama yung gagawin kong desisyon at maiiwan akong lumalaban mag-isa.

But, is it okay to try? Is it okay to take the risk? 

Binuksan ko ang pinto at nakita sa Luke na namumula ang mata at naluluha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "I'm sorry." 

"I'm sorry too, I'm scared and I'm hurt." Hinarap niya ako. 

"No one could replace you in my heart. No one could replace you in the eyes of my family as well. I will protect you."  Tumango ako. 

"Okay Luke, let's do this." Parang nagulat siya sa sagot ko. 

"What? You mean- I mean- what?"

"Let's be in a relationship." Mabilis nag transition mula sa confused face papunta sa masayang mukha si Luke at tumalon talon. 

"Totoo ba?! Wala nang bawian ha?!" Tumango ako pero nagbago uli ang timpla ng mukha niya 

"Oh bakit?"

"So does that mean it's also okay for me to admit it during interviews?" Ngumiti ako at tumango pero nag-aalala 'yung mukha niya. "Are you really okay with this? We can date in secret if you're not comfortable."

"Bakit? Ayaw mo bang malaman nila na ako girlfriend mo?"

"Baliw, kung ako masusunod ipo-post ko sa lahat ng social media accounts ko.", sabi niya at tumawa. 

"Then, let's do it. Let's post it."

"Are you for real?! This will blow up and your life will change starting tomorrow!" Tumawa ako at tumango. 

"If that's what it takes to be with you and then it's okay with me. Na-delete ko na lahat ng old photos ko sa social media accounts ko at nag private na ako ng accounts." Nag-selfie kami ni Luke at nag-post siya sa Instagram Account niya. 

"Good night.", sabi ko. 

"Good night.", sagot niya naman at bumalik na rin siya sa kwarto niya. 

Kaya ko naman to siguro no? Hindi naman siguro ako mac-cyber bully no?  Pinatay ko ang cellphone ko at ipinatay na rin ang ilaw. Ah, bukas na! 

Kinabukasan, pagkalabas ko ng kwarto ay nakaupo sa labas si Luke. "Good Morning.", bati niya. 

"Good morning.", sabi ko rin. Niyaya na ako mag-breakfast nang may mga napansin akong patagong nagp-picture sa amin. Tinignan ko ang itsura ko. Naka oversized T-shirt ako at Pajama, naka eyeglass at hindi nakasuklay na buhok. Eto ang lalabas sa social media?! Tumakbo ako pabalik ng kwarto. 

"Huy Elle bakit?!"

"Wait, mag-aayos lang ako!", sabi ko. Nag suklay ako at napalit ng damit. Nag sando, nag-shorts at nag ayos ako ng buhok. Naglagay din ako ng kaunting pulbo at lipstick, at nagpabango. Paglabas ko ay natawa si Luke. 

"You really don't have to do that."

"Wag ka nga, I'm not naturally attractive like you." Pinisil niya ang pisngi ko.

"Gets ko 'yung make-up pero bakit may pabango?"

"Paano kung maamoy nila ako tapos sabihin nila amoy laway yung girlfriend ni Luke Reyes." Tumawa si Luke at ginulo ang buhok ko. Hinampas ko siya at lalo pa siyang tumawa. Silly. Pumunta kami sa restaurant at umupo sa table kung nasaan din sila Mama. 

"So, official na kayo?", sabi ni mama. Tumango ako. "Ang dami ko ngang tawag galing sa mga amiga kong inggitera. Hay nako." Sabi ni mama. Alam kong nakita na nila ang internet posts at alam kong mixed emotions sila. Hindi ngumingiti si Tito Rico. 

"Elle, huwag mo nalang pansinin 'yung mga sinasabi nila ha." Ngumiti ako. 

"Opo." Itinuloy namin ang pagkain. Natatakot akong buksan ang phone ko. 

"Tita, Tito gusto ko rin po sanang ipaalam si Elle sainyo. May vacation po kami ng family next week sa Baguio, gusto ko po sanang isama si Elle bago po ang graduation ceremony nila." 

"Sure, kung wala naman siyang gagawin.", sabi ni Tita at Tito. 

"Hindi mo pa nga ako tinatanong eh, pero siyempre pupunta ako.",sabi ko at tumawa. Sana ganito nalang parati, pero kung babalik na kami sa Maynila, sigurado akong babalik na ulit sa dati. 

Kaya ko 'to. 

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now