Chapter 29

6.3K 116 4
                                    

Elle's POV

OHMYGOODNESS! 

ANO TO?! Naging fangirl ba ako?!

And there it was, something that I never expected. Nilabas ko ang laman ng envelope. Pictures ni Luke Reyes.  BAKIT AKO MAY PICTURES NIYA?! Anong nangyari sa akin doon sa isang taong 'yon?!

Yes, when I was just a kid, crush ko na siya kasi nakikita ko siya sa mga commercials at international magazines. Sino ba namang hindi sa age na yon? Pero noong nawala siya sa TV, nakalimutan ko na rin siya.

PERO BAKIT MAY MGA RECENT PICTURES NIYA AKONG NAKATAGO?!
Did I become one of his fangirls kaya kami nagkakilala? Ew ew ew Elle, anong ginawa mo?!

Sumasakit 'yung ulo ko--- tinawagan ko si kuya Sean. Pinakita ko sakanya ang mga photos at tumawa siya.

"Kuya, may alam ka ba dito?"

"Aba malay, sayo naman yan diba? I never seen those pictures."

"No, I mean, bakit ako may ganyan? Maybe you know because I tell you everything."

"I'm not sure, that is the first time I've seen those pictures. Parang recent lang din ah? Did you actually took those and had it developed?", sabi niya nang tumatawa. "I remember you liking him as a kid, nagustuhan mo na ba talaga siya?!" pang-aasar ni kuya.

"Kuya no, Luke is way up there."

 
"Ewan ko baby Elle, you know. umalis kasi ako before your accident, kaya hindi ko alam yung ibang nangyari tungkol sainyo, I was busy then and I'm not sure if you liked him."

"Oh my god. Hindi naman siguro naging kami ano?"

"NO, I don't think so wala ka namang nasabing ganyan. I know that you'll tell me if ever."

"But, does Luke know that I like him? If I really did?"

"Maybe yes, maybe no. "

"It's so unfair, what if I told him in the past that I liked him, and now I suddenly forgot all about that feeling?"

"Gusto mo bang maalala? "

"I dont know, Kuya--- I have a confession to make, I have a crush on Kevin. "

"What?"

"I don't know, maybe because when I woke up from the accident I felt like I've known him for a long time. Pero alam kong hindi naman eh, and he is so caring and funny."

"Okay, I get that. But hey, don't overthink it. That might not be even yours. Alam mo naman, baka may na confiscate ka lang na gamit ng classmate mo. You did that before right?"

"Yeah, you think? Mukha namang friends lang talaga kami ni Luke and there's nothing going on."

"Yes, and if ever he liked you, he knows that he have to go through me."

"Thanks kuya." Natapos ang video call namin. Sinubukan kong alisin 'yon sa utak ko.

Sumunod na raw ng pasukan, papunta na ako sa canteen at saktong saktong tumawag si Kevin.

"Good Morning! Kamusta tulog?" tanong ni Kevin."

"It's already lunchtime. What are you doing here?"

"I had some errands for sir Ram. Hey, want to have lunch together?" Kumakabog yung dibdib ko ng napakabilis. "Sama ako." Biglang sabi ni Luke. Ngumiti lang ako at naglakad papuntang canteen. Nasa likuran ko sila at ayan nanaman ang mga mata nila.

"Guys, you have to leave me alone." sabi ko sakanila, kumunot lang ang noo nila at ngumiti. 

"Hindi namin gagawin yon Elle", sabi ni Luke at tumawa. Parang narinig ko na 'yung tawang 'yon. Tawa ng pangaasar. Sumakit nanaman bigla  ang ulo ko.

"Are you okay?" Hahawakan na sana nila ako pero I stopped them.

"Im okay, let's just eat. " Nakasunod pa rin sila sa akin. Nag-order sila ng pagkain ko at sinamahan ako sa table.

"Okay ka lang ba talaga?" Tumango lang ako at sumuno ng Pork Adobo.

I really thought that having an amnesia was fun, when I was younger. Yung tulad sa mga teleserye at pelikula? Pero hindi pala madaling makalimot. 

Sabi nila, mahirap talagang makalimot. Pero parang mas mahirap yung makalimutan. I can't imagine how Luke is feeling right now.

"Hindi ka okay." Sabi sa akin ni Luke nang pabalik na kami sa classroom. "Why do you act like you're okay in front of him?"

"Okay lang ako.Promise. ", sabi ko.

"Namumutla ka eh." Hahawakan niya sana yung mukha ko pero iniwas ko.

"Sorry. I-"

"It's okay, wag mo nang isipin.. " Bumalik siya sa upuan niya  at hinintay ang next subject teacher. 

Dumaan ang mga linggk at hindi pa rin nadadagdagan ang natatandaan ko.  Nagdaan ang mga iba ibang mga school events at mga pagkakataong kasama ko si Luke at Kevin.

Pumunta kami sa barangay na napuntahan daw namin noon para sa outreach. May tribute program silang ginawa para sa amin.

"Hi ate." Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Luke na may bitbit na isang bata at nakangiti sa akin at nakangiti. 

"Hello.", sabi ko.

"Natatandaan mo pa ba ako ate?", sabi nung bata.

"Uhm-", tumingin ako kay Luke habang binuhat niya yung batang babae.

"Oo naman Danielle! Naalala ka ni ate Danielle mo!" Wow, parehas kami ng pangalan? Ngumiti ako na parang alam ko ang nangyayari.

"Oo naman Danielle, paano ko makakalimutan eh parehas tayo ng pangalan?", sabi ko at hinawi ang buhok niya.

"Sige po, kuya balik na po ako sa upuan ko." Ibinaba ni Luke si Danielle at tumakbo siya pabalik sa mga kasama niyang bata.

"Luke, buti nalang nandit ka baka napasama ko pa yung loob ng bata kung sabihin kong hindi ko siya matandaan."

"Sure. ", sabi niya at ngumiti. Nakita ko na 'yung ngiti niyang 'yon. Napatulala ako.

"Oh? Okay ka lang?", tanong niya.

"Ah, ha oo.", sabi ko.

"Elle!" Nagulat kami sa sigaw ni Kevin. "Tubig oh.", sabay abot ng bote ng tubig sa akin.

"Salamat Kev. Bakit nandito ka?" , tanong ko. Sakto ang dating niya, natuyuan ako ng laway sa kaba.

Luke's POV

Kev? Kahit kailan hindi ko tinawag si Kevin na Kev. 

Ibibigay ko narin sana yung tubig na hawak ko, naunahan lang ako kaya sinabayan ko nalang si Elle na inumin 'yun ng isang inuman! 

Everytime I look into her eyes, parang may gusto siyang sabihin, parang may gustong kumawala sa mga mata niya.

"Bro, napapadalas punta mo dito ah. Hindi ka ba busy? Baka hinahanap ka ng mga boss mo sa hotel ah?"

"Ha, hindi okay lang break ko naman. Saglit lang 'to. Kumain ka na ba Elle?"

"Oo bro, kumain na siya.", sabi ko.

"May gagawin ka ba mamaya?"

"May meeting kami after ng foundation program bro.", sabi ko.

"Bro, kailan ka ba naging si Danielle?", tanong niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita.

Eh bakit ba.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now