Chapter 39

4.9K 85 18
                                    

Luke's POV

ANG DAMING TAO. 

Parang pyesta bigla sa kanina'y tahimik na bahay nila Elle. 'Yung patuyuan ng palay naging isang malaking gathering area na may table at chairs para sa kainan. Nagtatawanan ang lahat, nagkakantahan sa lenggwaheng hindi ko maintindihan. Pinagtitinginan kami ni Kevin ng mga tao. 

"Halata kasing hindi kayo taga-rito, ang puputi ninyo.",sabi ni Elle. Kumakain na ang mga tao, at nagtatakbuhan ang mga bata. May mga bata ding nilalaro ang mga puppies ng askal na aso nila Elle. Ang daming tao, mukha silang masaya. 

Bistek Tagalog, Adobong Baboy, Pansit na niluto sa kawaling malaki at kahoy, Kaldereta, Dinakdakan at Sinanglaw. Lahat ng 'yan natikman ko at nalaman ang lasa ngayong araw. Sa lahat ng pansit na natikman ko, ito ang pinakamasarap. 

Nagkakantahan sila doon. 

"Elle, congratulations!", sabi ng isang boses. Nakaupo lang kami sa gilid ng may lumapit na isang pamilya. Mukhang hindi rin sila taga-dito. "So it's true, THE Luke Reyes is really here?", tanong niya. 

"Hello po. have met before ma'am?", tanong ko. 

"No, pero nakikita kita sa TV. Idol ka nitong anak ko." Tinuro niya ang isang nasa 12 years old siguro na batang babae. Nagtatago siya sa likod ng nanay niya. Ngumiti lang si Elle at pinapasok sa loob 'yung babae. 

"Sino 'yon?" tanong ko.

"Tita ko, kapatid ni mama."

"Bakit parang hindi ka masaya?"

"Taga Baguio 'yang mga 'yan, wala silang balak pumunta dito pero nung nalaman nilang sasama ka, biglang pumunta." 

"Ha? Bakit kaya?"

"Manager siya nung hotel na competitor ng hotel niyo sa Baguio. Ewan ko, baka gusto ka niyang i-close, magaling sa networking 'yan eh."

"Nako, 'yan pa naman 'yung mga ayaw ko. And you're in a bad mood why?" Hindi siya sumagot. 

"I'll tell you some time, just try to avoid her if you don't want to enjoy this party.", sabi ko. Tumayo kami para pumunta sa mga bata at makipaglaro. Sa tuwing nararamdaman kong lalapit 'yung tita ni Elle, susubukan kong lumayo. Kung hindi pupunta sa CR, makikipaglaro sa mga bata. 

Akala ko malalagpasan ko na siya nang pupuntahan ko na sana si Elle, pero naharang niya ako.

"Luke, kanina pa kita gustong makausap." Naloko na. 

"Yes po? Bakit po?" Pinaupo niya ako ng sapilitan sa isa sa mga monoblock chairs. 

"Kamusta ka naman iho?"

"Okay lang naman po.", sabi niya. 

"Oo, ayon manager kasi ako ng Chia hotel, yung katabi ng hotel ninyo sa Baguio. Ngayon, I heard na may opening ang hotel ninyo as Operations Manager, and I think I could help your company."

"Ah, eh Tita sorry po pero wala po kasi akong say sa mga empleyado nila mama. Nagpasa na po ba kayo ng resume sakanila?"

"Hindi pa eh, kaya nga kita gustong kausapin kasi baka naman pwedeng ikaw ang mag-abot sa mama mo ng resume ko. Alam mo na.", sabi niya nang nakangiti. Ugh. I hate this. Nilabas niya ang isang folder. Wow. Ready.

"Sorry Tita, hindi din po kasi kami nagkikita ni mama ngayon. And I know for sure na kung impressive naman po ang resume ninyo eh makakapag interview kayo.", sabi ko. Nagbago ang timpla ng mukha niya. 

"Eto naman, parang simpleng favor lang eh. Sige na. Alam kong mag gusto ka dun sa pamangkin ko, akong bahala sa'yo. Sisiguraduhin kong magiging kayo ni Elle." 

"Luke.", sumingit si Elle sa usapan namin. 

"Tita, I don't think that's appropriate." Tumayo ako at pumunta sa likod ni Elle. Mag-aaway ba sila? "You don't have a say whatsoever regarding my love life."

"Hay nako Elle, ano ka ba, alam ko naman kung bakit may ganyan kang kaibigan eh, for networking diba? Parehas talaga kayo ng mama mo. Bakit mo ba ipinagdadamot si Luke?"

"Tita, hindi siya gamit na pwedeng kong angkinin o ipagdamot. What you are doing is totally awkward and way out of line. He is my guest and I don't like my guests being pestered by people like you."

"Excuse me little girl, nakapag-aral ka lang sa PLA akala mo kung sino ka na? May kaibigan ka lang na sikat akala mo sikat ka na rin?" 

"Please go Tita."

"This is my house too."

"You already sold your land here remember?", sabi ni Elle. Hindi nakapagsalita si Tita at tinawag na ang mga anak para umalis. Napaupo si Elle at nanginginig. Umupo ako sa tabi niya at narinig siyang humihikbi. Hinila ko siya sa isang hindi mataong lugar at umupo kami sa ilalim ng puno. 

"Sorry, nakita mo nanaman kung gaano kagulo 'tong pamilya ko.", sabi niya. Alam mo nakakatawa, sa mga movies at serye laging dine-depict na magulo ang pamilya ng mga mayayaman pero sa totoong buhay mas magulo 'yung pamilya naming nasa ibaba." Hindi ako nagsalita. 

"Go ahead, just let it out."

"She abandoned us when Mama needed her family the most. Si Tita ang pinaka may kaya sa kanilang magkakapatid pero ni singko wala siyang itinulong nung naghirap kami dahil sa pagkamatay ni Papa. Now, she's accusing my mom  of being a cunning woman. It's weird that I hate my family but I hate it the most when they're being bullied. Ang tingin nila kay mama, bobo kasi nag-stay siya kahit loko loko si Tito Rico."

"Bakit ka ba galit sa mama mo?", tanong ko. Huminga siya ng malalim. 

"Because she's selfish." Kinwento niya sa akin na nagtangkang magpakamatay ang mama niya nung niloko siya ni Tito Rico. "She chose to die instead of being with me. Ano ba ako Luke?" Humagulgol siya. "That's why I want to get out of that house and be independent as early as I can."

"Is that why you're working part time even though you don't actually need it?" Tumango siya. "Because you want to get out of your house. Isn't that just escaping?" Tumingin siya sa akin. "Have you ever thought that even if you leave that house, you will not be fully at peace because you didn't address the root cause of your pain." Humarap ako sakanya. 

"Huh?"

"This." Itinuro ko ang utak niya. "And this." At itinuro ko ang puso niya. "Your mind is telling you that your pain cannot be healed that is why you choose to escape. But in fact, you can be healed. Hindi instant, pero gagaling ka."

"And I should trust your words, why?"

"Because I'm the only person who will and can tell you these. Isipin mo, may iba bang tao dito? may iba ka bang pinagsasabihan ng problema mo?" Umiling siya. "I'm here for that. I'm here to talk some sense into you. What you're doing only hurts you. Everyone already moved on."

"Nasasabi mo 'yan kasi hindi ikaw 'yung nasa lugar ko."

"You're so stubborn you know that?" Hindi siya sumagot. "Listen. Don't tell me that I don't have any credibility just because I haven't experienced what you are experiencing now. All I know is you're hurting yourself and it pains me to see that. If you could start forgiving people, you might begin healing." Humagulgol ulit siya. Nilapit ko siya papunta sa akin at niyakap. 

"Thank you."

"Nandito lang ako.", bulong ko. 

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now