Chapter 13

8.1K 135 3
                                    

Elle's POV

"Bakit mo pa kailangang mag part time? Nangangailangan ka ba ng pera?" , tanong ni mama. 

"Nag-iipon lang ma.", sabi ko habang naghuhugas ng pinggan. "Ayokong humihingi kay Tito Rico." Hindi siya nakapagsalita. 

"Sige, pupunta ako.", sabi niya. Hindi ko inakalang ganoon lang kadali. 

Hinatid niya ako sa bahay ng mga Mercado kasama ng ilang damit ko na pang-palit. "Good morning Mrs. Andres, you looks so stunning. Sainyo po pala nakuha ni Elle ang good looks niya."

"Nako ma'am Gen, ang ganda ganda niyo po pala sa personal.", sabi ni mama. Nagtawanan sila. Mas matanda si Tita Gen pero mukhang mas matanda si mama. Dinala ni Tita si mama sa study hall niya at ako naghintay sa sofa. 

"Good luck sa first day mo.", sabi ni Luke habang humihikab pa. Naka Tshirt lang siya, nakapajama at magulo pa ang buhok. Umupo siya sa sa tapat ko. 

"10 am na kakagising mo lang?" Tumango siya. "Bakit? Anong oras ka ba nagigising pag weekend?"

"5 am.", sabi ko gulat na gulat siya. "My mother is a market vendor. Kung hindi ako sumasama sakanya sa palengke, ako ang nag-aayos sa bahay at nagaasikaso ng mga kailangang asikasuhin. Hindi ka nanaman makarelate.", sabi ko. 

"Yeah. Nakita mo na ba 'yung stock room namin?", umiling ako. Ngumisi siya. "Lagot ka, halika."

Dinala niya ako sa basement at binuksan ang pintuan sa isang kwarto. Bumungad sa akin ang malaking kwarto na punong puno ng boxes. Sa malapit sa pintuan, may shredder. 

"Lahat eto gagawin mo." 

"LAHAT?!", tanong ko na biglang bigla.

"Oo, sabi ko kasi sayo mapapagod ka lang eh. Tigas ng ulo mo." Hindi ko inasahanng may ganito sa parte ng bahay nila. Halos manghina ang paa ko nang nakita ko 'yong mga 'yon. 

"Oh, nandito na pala kayo. This is where you will work.", sabi ni Tita Gen. Napalunok nalang ako. 

"Nako, kayang kaya po ni Elle yan ma'am.", sabi ni mama. Hala anong nangyari, ngayon ka dapat magreklamo ma! Kaya pala 2500 sa isang araw. Ilang araw ko kaya ito matatapos? 

"These are family files since 1950's so many are brittle papers, please handle the papers very carefully. Some files can already be disposed. Yun ang ipapashred ko sa'yo. Don't worry the maids will help you once they already finished their jobs. I just need someone in charge of this. We will try to digitize everything so I heard you are very organized.", sabi ni Tita Gen. 

"Yes ma'am, I will do my best.", sabi ko, napa ma'am ako bigla. Nagpipigil ng tawa si Luke. 

"Huwag kang tumatawa diyan Luke kasi tutulong ka."

"What?!", sagot niya. "Mom, I can't do this."

"These are your family files, you have to familiarize yourself with these. I and ypur Tito Carlo had to do this when we were young. Mas marami lang ngayon kasi nadagdag sa papa mo.  Pasensya na Mrs. Andres ha, nakakahiya. Maarte kasi tong anak ko, di katulad ni Elle na kahit anong trabaho gagawin."

"Mom, please maraming ipis."

"Tumigil ka Luke, matanda ka na. That's final if you want to buy those shoes." Walang nagawa si Luke kung hindi umuoo sa mama niya. Ako namang ang nagpipigil ng tawa ngayon. 

"Happy?", tanong ni Luke nang umakyat na sila mama. Tumango ako. Umakyat uli ako para ilagay ang gamit ko sa kwarto. "Dito po ako matutulog?"

"Oo, ito ang room mo kapag matutulog ka dito." Pinigilan ko ang pagkamangha ko at nagpasalamat. Para akong nasa hotel. "Oh Mrs. Andres sana panatag na kayo na nasa maayos na lugar si Elle."

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora