Chapter 24:

6.5K 120 4
                                    

Sean's POV

"Retrograde Amnesia?", tanong ko kay Tita, tumango siya. "Gagaling pa raw po ba siya?" 

"Hindi sigurado eh, pero ang sabi ng doktor, pwedeng subukan sa therapy. Isang taon daw ang nawalang memories ni Elle. 'Yung mga physical skills na naaral niya, hindi niya nakalimutan katulad nang natuto siyang mag bike. Pero may mga tao, lugar at pangyayari siyang hindi matandaan."

"Anong therapy daw po?"

"They're suggesting psychotherapy, para lang maka caught up siya sa nawalang isang tao. Kasabay din doon ang pag go through niya ulit sa mga lessons sa school at ilan pang importanteng pangyayari. Sean, hindi niya rin matandaan yung tungkol kay Gian."

"Sasabihin niyo na po ba?"

"Siguro kung nakalabas na siya dito. Alam kong negative ang reaction niya noong una niyang nalaman, baka lumala lang sitwasyon niya."

Kinausap si Danielle ng mga doctor at sinabi sakaya ang resulta. Dahil open minded talaga si Elle , naintindihan niya ng maayos at open siya para aralin uli  ang pinagaralan nila kasama na ang proseso ng pag-alala ulit ng mga importanteng nangyari sa kanya. Swerte na nga lang at nag a-advance review si Danielle kaya hindi na masyadong marami ang kelangan niyang ihabol.

"Kuya Sean." Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya. "You look really different."

"That's what you also said when I changed my hairstyle. You like it?" Tumango siya. "How are you feeling? Okay ka na ba?"

"Oo, kuya marami ba akong nakalimutan?"

"Hmm, pinakamarami kang nakalimutan sa school. Paano 'yan aaralin mo ulit 'yon."

"Kayang kaya ko 'yon kuya.", sabi niya. 

"Okay ka na nga, ang yabang mo na eh." Tumawa ako.

"Oh,  huwag masyadong tumawa baka lumabas  ang utak. " Nagtawanan kami nang may kumatok sa pinto, si Mr Smith.

"Danielle, si Mr. Kevin Smith pala."

"Oo kuya, we met the other day but does it feel like I've already seen you before sir?" Nagtinginan kaming dalawa ni Kevin.

"Teka, baka nagkita na kayo sa past?"

"That's impossible, matagal na akong hindi umuuwi dito eh at kung nagkita man tayo a year ago, siguro dapat may memory ka sa akin?" Hindi kami nakasagot. "The only time I met you was when I saw you in the hotel." Baka sign ito na pwede siyang maka-retrieve ng memories.

"Subukan mong alalahanin kung saan mo nakita si Kevin."

"Susubukan ko po." Pumikit si Danielle at nakikita kong hirap na hirap siyang umisip. Sumakit bigla ang ulo niya. 

"Elle, huwag mo nang pilitin. Okay lang.", sabi ko. "Magpahinga ka na muna ha." Tumango si Danielle at lumabas kami sa kwarto niya. 

Kevin's POV

I can't believe na makikilala niya ako. Hindi ko matandaan na nagkakilala kami noon. Bago siya malaglag, may narinig akong sigaw. Nasa 13th floor veranda ako kung saan naka locate ang mini cafe. Ako ang huli niyang nakita bago niya ipinikit ang mata niya nang tumakbo ako para lapitan siya.  May epekto kaya 'yon?

"Kuya, I heard that she already woke up. Why didn't you tell me?", tanong ni Angel na naiiyak. "She's okay. Pero hindi siya makaalala."

"Amnesia?" Tumango ako. "Then, that's nice.", sabi ni Angel.

"Nice?!"

"I mean, nicer kaysa naman namatay siya diba?" Ngumiti si Angel. "Kuya, don't you get it? Hindi mo na kailangang bayaran si Elle na tumahimik kasi ni hindi niya nga maalala kung anong nangyari sakanya." 

"Wala ka bang remorse na nararamdaman? She can't remember a year because of that."

"Anong gagawin ko? As if I can do anything to bring back those memories. Anyway kuya, I'll be in Palawan tomorrow, don't disturb me.", sabi niya. Naiinis ako, bakit ba ako nagkaroon ng irresponsible na kapatid. Napadalas ang pagbisita ko sa ospital, siguro dahil sa guilt. Eto nalang ang magagawa ko para makabawi, samahan siya.

"Kuya Kevin you're so hilarious! ", sabi ni Elle habang tumatawa.

"Pogi kasi ako, aminin mo na."

"Alam mo kung may lakas ako nasipa na kita."

"Sige, nga subukan mo nga?" Inirapan niya ako. "Oh, kailan ka ba lalabas sa lugar na 'to? Pasko na bukas ah." 

"Kung pwede lang ngayon na! Tsaka bakit ka ba nandito eh diba mas busy kayo sa hotel kapag holiday?"

"Tinapos ko ng maaga duty ko para may kasama ka. Simula nung umuwi si Sean eh mama mo lang tsaka Tito mo ang bumibisita sayo. Wala ka bang ibang kaibigan?"

"As far as I can remember, wala. Siguro naman kung may naging close friend ako nung 4th year eh bibisita siya diba? Eh wala, so mukhang wala."

"Bakit?"

"Basta, hindi lang ako 'yung tipong may bestfriend.", sabi niya. Sinubuan ko siya ng grapes dahil hindi niya pa rin maigalawa ng right arm niya. "Thanks. Bakit ka nga pala madalas dito?" Tanong niya.

"Wala lang, I just feel bad. Sabi ko nga sayo, ako ang unang nakakita sa pagkabagsak mo. Alam mo ba kung gaano ako na-trauma noon? Gusto ko na makita kita na gumaling."

"Talaga ba?", tanong niya at tumawa. 

"May surprise pala ako, nalaman ko na makakalabas ka na sa makalawa." Biglang lumiwanag ang mukha niya. 

"Totoo?!", sigaw niya. 

"Oo nga! "

"Yes! Ouch-", sabi niya nang naitaas niya ng sobra ang kamay niya."

"Oh ayan,  huwag masyadong excited. Tsaka mag aaral ka din pagka nakauwi ka. Balita ko home school ka muna for the first month habang hindi ka pa nakakarecover?"

"Oo daw eh. So, maghahabol nalang ako. Okay lang, sisiw lang yan sa akin."

"Sabi ko nga." Dumating ang mama niya kaya umalis na rin ako. It's so unfortunate that this kind of tragedy would happen to her, I'm sorry Elle.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now