Chapter 49:

4.8K 76 5
                                    

Elle's POV

This is like High School all over again. Binuksan ko ang social media sites ko at bumulaga sa akin ang mga photos na inupload ng mga pinsan ko na kasama si Luke. Well, thankfully, my name is not mentioned. Nakita ko ang message ni Cams doon sa link ng isa sa mga kamag-anak ko. 

"Girl, nasa isang birthday party sa Batangas si Luke. Diba nasa Batangas din kayo? Baka makita mo siya!", chat niya. Hayy, what's the point of hiding it to her anyway? 

Tinawagan ko siya via Video Call. "Luke, dito ka lang ha, may tatawagan tayo.",sabi ko sakanya. 

"Saan naman ako pupunta?"

Sa wakas, sumagot na si Cams. "Ano? Maganda ba diyan? Punta tayo diyan after grad ha, promise hindi ko na isasama si Kyle.", sabi niya at narinig ko ang mahinang "Huy!", ni Kyle sa background. 

"Baks may sasabihin ako.", sabi ko. 

"Ano yon?"

"Nandito si Luke."

"OMG! TALAGA! WHAT A COINCIDENCE! NAGPAPANSIN KA NA BA? GO GIRL!" Nagpigil ng tawa si Luke. Kinuha niya bigla ang phone at itinapat sa mukha niya. 

"Hi Cams.", bati ni Luke. Kinuha ko ulit yon at itinapat sa mukha namin ang camera. Nanlaki lang ang mata ni Cams. 

"Okay, what's going on? Don't tell me magkamag-anak kayo ha?! That is so weird!"

"No.", sabi ko.  

"Nanliligaw na ako sakanya.", sabi ni Luke. 

"WHAT?!"

"It's a long story Cams."

"A long story?! It's a long story?! Nagkita lang tayo nung isang araw ha?! Anong long story?! May hindi ka ba sinasabi sa akin?!" 

"Well, yeah. Marami, but let's talk after I get back. Basta the gist is, he's with me but we're not together. Okay? Talk to you soon. Bye!", binaba ko ang VC at nag log out sa social media sites ko. 

Tumatawa si Luke.  "How can you hide from your bestfriend that you and I had some connection?"

"You're creeping me out. Tumahimik ka nga diyan. Anong gagawin mo sa mga articles na lalabas sayo mamaya o bukas?" 

"Wala, wala naman dapat gawin don eh. Lilipas lang yung mga yon. Pwede mo namang agahan yung confirmation mo para alam ko kung anong sasabihin ko.", sabi niya at tumawa nanaman. "Joke. Hindi kita minamadali."

6 PM pa ang start ng party pero bored na ako. Wala akong agemate dito at hindi rin naman ako close sa mga pinsan ko dito. Kaya the whole time, magkasama lang kami ni Luke. Ayaw niya ding magpa-iwan mag-isa. Tumayo kami sa restaurant at naglakad sa beach. Dala niya ang camera niya at kumuha ng mga litrato ng nahuli kong nakatapat ang camera sa akin. 

"Pwede mo namang sabihin kung kukuhanan mo ako diba?", sabi ko. Ngumiti siya. Lumapit siya sa akin at nagselfie kami. Nagkatitigan kami ng saglit pero iniwas ko kaaagad ang tingin ko.  

Naglakad lakad na kami at bumalik sa venue dahil mukhang magsisimula na. Everyone looked like they had a great time sa party. People are dancing and having a great time. Nakatulala lang kami ni Luke na nakaupo sa mga upuan namin. Nagc-cellphone siya kaya hindi ko na rin mapigilang magbukas ng social media. 

At ayun na nga, ang mga tsismis articles at mga featured instagram posts ni Luke. 

"Luke Reyes, nag-attend ng birthday party sa Batangas"

"Luke Reyes, namataang nagbakasyon sa Batangas"

"Luke Reyes win girls hearts through his instagram feed"

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now