Chapter 28

6.7K 101 6
                                    

Luke's POV

Nakakabaliw. nakakaloko. Ano bang ginagawa ko dito?

Nandito kami ngayon nila Elle at Kevin sa pila ng isang sikat na OPM band sa Pilipinas. Hindi naman ako mahilig sa ganito pero parang hindi naman pwedeng hindi ako kasama. Ang aga ng concert.

"Oh my god Im so excited!",sabi ni Elle.

And so am I. Kaya lang naman ako sumama dito kasi nandito si Elle eh, I want her to remember me. Baka grumaduate kami tapos hindi niya pa ako maalala.

"Why do you even want to go to this place? You hate noise.", sabi ko kay Elle.

"Well, maybe I do like these kinds of things. And maybe, you don't know me that well.", sabi niya.

"Really? Name one of their songs." Hindi siya nakasagot. "Napilitan ka lang ba?"

"No. Tsaka, nandito na tayo. I almost died, I have to experience this.", sabi niya. Kaya lang naman siya nandito kasi inaya siya ni Kevin.

Nakapasok na kami at nanuod ng concert. As expected, irita si Elle sa ingay sa concert hall. Paglabas namin, kita sa mukha niya ang sakit ng ulo dahil sa ingay.

Nag aya si Kevin na kumain. Tinuro niya ang isang restaurant. Coincidentally, kumain na kami dito ni Elle.

"Dito?",tanong ko.

"Yes, masarap ang pagkain dito, Danielle you should try their Beef Kare-Kare."

"She hates that.", sabi ko.

"It's okay, Im sure hindi lang naman yan ang nasa menu diba?" Nakakabanas na nagtatawanan silang dalawa sa harap ko samantalang ako naman yung may memory sakanya dito.

Umorder kami at nag banyo  si Kevin,  eto na ang pagkakataon ko!

"Danielle.", sabi ko.

"Yes?"

"Alam mo bang eto ang unang restaurant na kinainan natin na magkasama?"

"Totoo ba?"

"Yes, at kasama natin si Genny noon."

"You mean, nakasabay ko si Genny Mercado sa pagkain?"

"Yes."

"Ohmygod. Alam mo bang natutuwa ako sakanya? Ang galing niya at ang ganda niya kasing, parang mini Gen Mercado."

"Oo, pero teka hindi kasi 'yun ang gusto kong pag usapan."

"Ha? Ano ba yon?"

"Noong nandito tayo, natapunan ka ng soup sa skirt mo. " Tumawa ako pero hindi siya natawa. Shit. It's not working.

Wala naman talagang special doon pero tawa lang ako ng tawa kasi hindi niya alam gagawin niya.

"Tapos, binilhan ka namin ng skirt. Ang mahal nga eh."

"Ah, sorry hindi ko pa ba nabayaran yung skirt? Magkano ba?"

"Ha? Magkano? Hindi, hindi yun ang sinasabi ko.", sabi ko pero nakakunot lang siya ng noo. Bakit ba napakahirap niyang makakuha ng clues?!

"Ano ba kasing gusto mong sabihin?"

"Wala!", sabi ko at sumandal. Tumawa siya. Tumawa siya!

"So cute.", sabi niya. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko.

"Looks like you're having a great time-- anong pinagkukwentuhan niyo?"

"Wala naman.", sabi ni Elle. Nay sinabing corny na joke si Kevin tapos tumatawa nanaman sila. Sila lang at HINDI NANAMAN AKO KASAMA, GREAT!

The rest of the afternoon, we just hanged out, nakiki aircon and stuff.

"Oh? Anong gusto niyong gawin? We still have 2 more hours until your curfew, lubusin na natin.", sabi ni Kevin kay Elle.

"Pumunta nalang tayo sa Oliveyel Park. Kakabukas lang 'yun diba?"

"Sure Elle.", sabi ni Kevin.

"Can we ride a boat?", tanong ni Elle.

"Of course you can."

"Oh? Tahimik ka yata Luke?", tanong sa akin ni Elle.

"Hindi lang kasi ako maka singit sainyo eh."

"Sorry ha, ganito nalang- "Hinila niya kaming dalawa sa kung saan umaarkila ng boat at wala na kaming nagawa.

Salitan kami ni Kevin sa pagsagwan, Ako ang una. Nasa harap ko lang sila na nagtatawanan nanaman. Natapos ang turn ko sa pagsagwan at nagpalitan kami.

Kakausapin ko na sana siya nang may tumawag sa kanya.

"Hello? Mama? Ngayon na? Papunta na si Tito? Oh sige, hintayin ko nalang siya." Nagtinginan kami ni Kevin. Huwag niyang sabihing aalis na kami eh hindi pa kami nagkakausap?

"Guys.. I have to go, ibaba niyo nalang ako tapos kayo na dito. "

"Uhh-- no, alis na rin kami kung aalis ka."

"Ha? Eh sayang naman yung binayad natin."

"Wag mo nang alalahanin 'yon. Ihahatid nalang kita. Saan ka ba susunduin ni Tito?"

"Ako rin" singit ko. Oo nag offer ako kahit wala akong dalang sasakyan.

"Dito na mismo sa labas ng park, parating na si Tito." Hinatid namin si Elle sa labasan at saktong nandoon na rin naman na si Tito Rico.

"Oh bro? Tara sa bahay?"

"Next time nalang bro, may gagawin pa akong school works eh."

"Sige bro, no problem.", sabi ni Kevin.
Dahil si Kevin ang may sasakyan, hinatid niya muna ako sa bahay at saka umalis. Sa totoo lang, wala naman talagang gagawin. Hindi ko lang siya trip kasama ngayon.

Elle's POV

Pinauwi ako ni mama kase may padala yung mama ni Kuya Sean sa amin, ISANG MALAKING BOX.

"Sa atin to?!", tanong ko. Tumango si mama. "Ang dami!"

"Kaya nga eh, pero sabi ni kumare kulang pa daw yan, Dalawang box daw yan parating pa lang yung isa bukas. Puro damit at mga pinaglumaan  nung pamangkin niyang babae doon. Sayang naman daw kung itatapon. "

"Wow!" Binuksan namin ang box. Nutella, chocolates, SPAM, Toothpaste, Peanut Butter, Corned Beef at iba iba pang pagkain ang tumambad sa amin.

Nagpasya akong linisin ko ang kwarto ko at lagayan ng damit para kung dumating ang pangalawang package, ready na ang lagayan. Isa isa kong tiniklop at inayos ang lahat nang may napansin akong nakatagong parang envelope sa may dulo nang damitan ko.

Binuksan ko iyon at nabasa ang laman. Napaupo ako sa pagkabigla. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang ulo ko na parang pinipiga.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon