Chapter 37

4.9K 82 8
                                    

Luke's POV

Paggising namin, inaya kami agad  ni Elle na maglakad lakad sa gilid ng bukid para na rin makita ang napakagandang sunrise doon. Humihikab pa kami pero nawala ang hikab namin nang nakita namin ang sunrise.

"Wow!"

"Eto ang hindi ko nalilimutan dito eh." 

"DUNGIS?!" Napa tingin kami sa likuran at may lalaking  mga kasing age ni Kevin ang nakatayo. May hawak siyang sako, naka boots siya. Kumbaga 'yung usual attire ng mga farmers.

"BANSOT!", sigaw naman ni Elle. Huh? Dungis? Bansot?

"Ikaw na ba 'yan, wow.", sabi niya at iniwan ang sako. Tumkabo si Elle papunta doon sa lalaki at niyakap. Nabigla kaming dalawa ni Kevin. Bakit may yakapan? Bigla kaming nakisingit sa kalagitnaan ng yakapan nila at nagpakilala.

"Hi pare, Luke nga pala.", sabi ko at iniabot ang kamay ko.

"Kevin.", sabi ni Kevin at iniabot ni Kevin ang kamay niya. Inalis nung lalaki 'yung gwantes niya at kinamayan kami. 

"Harold, pinsan ni Danielle." Ahh, pinsan. "Nasabi ni Lola na may mga kasama kang kaklaseng mayayaman.", sabi niya kay Elle. "Nakatulog ba kayo?" Tumango kami.

"Bakit ka pala nandito ng maaga?", tanong ni Elle.

"Tumawag si Lola, ako daw sasama sa inyo sa bundok. Hindi niya na kayang umakyat eh."

"Oh, kumain ka na ba? Tara? Nagluluto na si mama ng almusal." Bumalik kami sa bahay. 

"Nakahanda na ba kayo? Magbaon kayo ng tsinelas ha, may tatawirin tayong ilog.", sabi niya. 

"Gaano ba kalayo ?", tanong ni Kevin.

"Malapit lang naman, wag kayong mag-alala. Kayang kaya niyo yon.", sabi ni Elle pero parag hindi ko gusto 'yung ngiti niya. 

KAYANG KAYA?!  Halos matumba na ako sa hiking namin. 

"ELLE NAMAN! ",sigaw ko nang isang oras na kaming naglalakad. 

"Oh bakit?", tanong niya at tumawa. "Malapit lang 'to. Huwag ka nang magreklamo kukuha ba tayo ng rambutan." 

"Ang saya mo ha.", sabi ko habang hinihingal. Nagbago ang expression ng mukha niya at parang may hinahanap.

"Wait, nasaan si Kevin?", tanong niya na may pag-aalala." Hindi ba dapat kasama mo siya Luke? Naasan na siya?!"

"Ha? Nandito lang siya kanina eh."

"Bakit hindi kayo magkasama? Diba Buddy System tayo?!", tanong niya sa akin na may halos inis.

"Hindi ko napansin Danielle. Sorry. "

"Kase naman eh-" Bigla siyang bumaba ng bundok at tinawag ang pangalan ni Kevin. Para akong sinampal. Hindi ko naman gustong mapahiwalay sa akin si Kevin. Hindi ko lang talaga siya napansin. 

"KEVIN!"sigaw ni Elle. Sobrang concerned siya kay Kevin. Kung ako kaya 'yung nawala? Bumalik kami sa trail na nilakaran namin. 

"KEVIN? OKAY KA LANG?! " Rinig kong sigaw ni Elle. Nahanap na niya siya? Sinundan ko 'yung boses ni Elle at nakita ko si Kevin na naka upo sa may batuhan malapit sa batis na dumudugo ang tuhod. 

"Okay lang ako Danielle, sugat lang 'to.", sabi niya.

"Ano ba kasing nangyari sayo?"

"Pre- pasensya na ha. Hindi kita nakita.", sabi ko.

"Hindi pre, ako talaga yung humiwalay, nakita ko kasi yung batis at may nakita ako rare na paru-paro. Eto Elle oh." Nilabas niya 'yung camera at pinakita niya kay Elle yung picture. Biglang bumalik yung ngiti sa labi ni Danielle. 

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now