Chapter 1

19.4K 267 9
                                    

Sulatan ng slumbook. Wala ka sa uso kapag wala kang slumbook application sa phone mo. Uso noon ang notebook na slumbook, pero dahil sa technology, application na siya ngayon.

Eto ang akin:

NAME: Danielle Andres
NICKNAME: Elle/ Nerd/Pangs
AGE: 18 years old
FAVORITES: Ice Cream, Chocolate Chip Cookies, Reading
SECRET: CRUSH KO SI KUYA SEAN! 

Naghahagikgikan kami ng mga kaibigan ko nang pumasok sa classroom ang teacher namin.

" Good Morning students, we will talk about matter, quantum numbers, electronic configuration, the periodic table, chemical bonding, and Stoichiometry for", sabi ng Science Teacher namin. Itago natin sa pangalang " Sam ".

Joke. STOICHIOMETRY lang talaga ang topic namin, pero tuwing makikita ko ang Science Teacher namin, feeling ko i didiscuss niya na samin 'yung BUONG CHEMISTRY BOOK! Promise! 

Unang subject sa umaga, CHEMISTRY! Ang walang kamatayang subject! Hindi naman sa ayaw ko pero ayoko lang nung topics, kahit na sabihin nating naiintindihan ko naman yung pinagsasabi ni ma'am parang nakakaloko pa rin ang chemistry. 

Pinagmamasdan ko 'yung classmates ko na nag ch-chikahan, 'yung iba nakangangang natutulog. Ako, inaaral ko ang bawat salitang sinasabi ni Sam.

"Ms. ANDRES! Answer this. " Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko samantalang gulat na gulat ang mga kalase ko sa sigaw ni maam. Sinagutan ko ang mga blanko. Isang buwan nalang matatapos na ako sa 3rd year highschool!

"Very Good." Bwisit, ako lang nanaman ang tinawag, pag-upo ko, binato nila ako ng papel sa ulo. Hindi ko nalang sila pinansin. 

Hwew, ganito everyday. Pero nabawasan ng kaunti ang discrimintion sa mga katulad naming matatalino dahil kay Tita Gen Mercado Reyes. Ang owner ng school na 'to. Isang "legend" ang storya ng buhay niya, na hindi ko na alam kung totoo pa. Basta, biktima rin siya ng bullying.

It's been 20 years since nag-graduate siya ng Highschool dito, matagal na rin, pero siya pa rin ang pinaka magandang babaeng nakilala ko

Nakapasok lang naman ako sa PLA (Philippine Legacy Academy) dahil sa scholarship kaya kailangan kong galingan.

Tumakbo ako palabas ng classroom matapos ang last subject.

"Baby Elle!", sigaw ko.

"Kuya Sean! HAPPY BIRTHDAY!" , tumakbo ako papalapit sakanyam

"Thank you, oh kamusta araw mo?"

"Okay lang kuya, ayun ganoon pa rin, nab-bully."

"Huh? Sino 'yon? Ituro mo sa akin!", sabi niya at tumawa.

"Joke lang kuya.", sabi ko at tumawa rin. Nag-aaral naman si kuya sa modeling school ng mga Mercado. Alam kong kapatod lang ang turing niya sa akin but isn't this the very essence of a crush? You like someone who you fully accept can't like you back?

"Tara na, naghihintay na 'yung iba sa restaurant." Magdi-dinner kami with his friends.

"Huh? Sure ka bang okay lang kahit ako ang kasama mo?"

"Bakit naman hinde? Bakit naiinsecure ka nanaman kasi mga matatangkad 'yung mga kaibigan ko? Nag-aya na ako ng mga maliliit para hindi ka maintimidate." biro niya. "Joke, hay ako, maganda ka Elle sisirain ko 'yung mukha nung magsasabing panget ka.", sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Oo, tuwing magkasama kami puro titig ang naabot ko. Madalas kaming pinagkakamalang magkapatid na hindi magkamukha.

 "Kuya, dito nalang ako sa likod mo, nakakahiya."

"Ahat? Nahihiya ka ba kasi kasama mo ako?"

"Hindi, nahihiya ako kasi kasama mo ako."

"Huh? Anong difference? "

"Nakakahiya kasi pag ako ang kasama mo. "

"Ang kulit, iiwan na talaga kita. Elle , I'll protect you from them, hindi ka ba nagtitiwala sa kuya mo?" Ngumiti ako.

Yes, he was always there to protect me. I gotta tell you the story. Noong bata pa man ako, na b-bully na ako, kahit na wala pa akong salamin at braces at kung ano mang meron ang isang stereotypical nerd, si kuya parating nandiyan para ipagtanggol ako. 

Knight in shining armor ba? Prince Charming? Superman? Batman? OO, siya ang superhero ko. Boarder nila kami kaya nakikita ko siya simula pa noong bata ako.

"Hi Kuya Sean."

"Hello.", sabi ni Kuya sa mga estudyanteng bumabata sakanya. Nakangiti ako at natutuwa sa mga inggitera nang may humila sa buhok ko, at napunta na ako sa likod ng mga babae. 

"Excuse me, Elle! " Inabot  ni Kuya ang kamay niya sa akin. Inabot ko din 'yung kamay ko at sabay naming tinakbuhan 'yung mga babae hanggang sa nakaoagtago kami sa sulok.

"Kuya, ang rude mo naman.", sabi ko habang tumatawa.

"Hayy Elle, araw ko 'to nakakainis na rin 'yung mga ganyan.", sabi niya.

"Sikat ka na kasi, baka pag natuloy 'yung contract mo sa Rench eh kalimutan mo na ako"

"'Di 'yun mangyayari baby.", sabay gulo sa buhok ko."You'll always be my little sister."

Kahit papaano na-enjoy ko naman ang dinner kasama ng mga strangers pero walang kumakausap sa akin maliban kay kuya. Okay lang.

Nagtuloy tuloy ang buhay hanggang sa wakas ay nasa 4th year na ako! Isang taon nalang kolehiyo na!

"Hoy pangs isulat mo raw 'yan sa blackboard sabi ni ma'am.", sabi ng isa kong classmate.

"President ako hindi secretary, At diba ikaw ang secretary?"

"Oo. "

"Trabaho mo yan. "

"Hinde pwede! 'Di mo ba nakikita ? Kaka manicure ko lang! Dali !" Wala akong nagawa kung hindi tumayo at magsulat sa board. 

"You may take your seat Ms. Andres. "
Sa wakas, nangangalay narin 'tong kamay ko sa kakasulat ng parts ng periodic table.Adviser din namin si maam Sam pero bakit niya ako pinaupo? Mukhang seryoso siya ah.

"May bago kayong makakasama sa classroom na eto."

"He's from US pero pure filipino siya. Hindi na siya bago sainyo kasi alam kong kilala niyo na siya."

"LUKE! ", sigaw ng mga babae sa classroom. THE Luke Reyes, ang anak nina Tita Gen at Tito Nathan. But sadly, hindi niya nakuha ang kabaitan ng nanay niya. Mayabang daw siya at spoiled brat.

"Hey!" Eww, panget, bakit hindi siya naging kasing gwapo ni Tito Nathan? Except sa mata, at sa smile at sa lips at sa nose- Oo na whatever, gwapo siya pero saksakan ng yabang. Makikita mo pa lang, pagpasok niya, umaalingasaw na 'yung imported niyang pabango.

Nakataas lang 'yung kilay ko habang pinagmamasdan siya.

"Ms. Andres, I-tour mo si Luke mamaya around the school."

"Ma'am, bakit ako?" Well, alam ko na ang sagot pala diyan. Umupo na siya sa tabi ko.

Ngumiti siya sa akin. Ano siya tatakbong konsehal? Inirapan ko siya.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now