Chapter 46

5.1K 73 4
                                    

Elle's POV

"Ano bang nangyari Elle? Bakit biglang nawala ka sa mood kanina?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Cams at nakatalukbong lang sa kama. "Hoy."

"Hindi ko na crush si Luke."

"Huh? Agad agad?"

"Gago siya.",sabi ko.

"Huwag mo ngang damdamin, tignan mo in a few days maglalabas ng statement yan si Yna or si Luke. Pwedeng mali lang tayo ng hinala."

"Bakit naman biglang nagbago side mo?"

"Ewan ko lang, actually I analyzed the pictures and I realized that most of those are cropped pictures of group photos or photos na parang minadaling kunin. Tignan mo 'tong picture nila sa beach na pinost niya sa instagram. Ang labo kaya nito. Bakit ka magpopost ng picture na malabo sa IG kung hindi dahil yun lang ang picture niyong dalawa?"

"Eh paano kung nginig lang talaga yung kamay nung kumuha?"

"Eto naman tinutulungan na nga kitang isipin na hindi yan totoo eh, tapos kung kontrahin mo naman ako."

"Hindi ka nga maka rebut eh so that means hindi ka pa rin fully convinced na hindi yan totoo.",sabi ko at umupo sa kama.

"Why are you even so affected? Did you really think that you and him have a chance? I mean, okay lang naman pero siyempre that thing will have a low probability of happening. Sige, i analyze natin ha? First of all, ni hindi nga kayo magkakilala. Siguro, kung magrere-unite kayo as schoolmates, may chance. Pangalawa, magkaiba kayo ng circle. 'Yung mga kaibigan niyan, kung hindi mga celebrity, mga anak ng business owners din. I mean, ang mga hang out places niyan eh sa mga hotel. Tayo nga Norte Bistro pa lang nabobonggahan na tayo eh. At pangatlo, bes have you seen yourself?"

Na offend naman ako doon sa last na tanong niya.

"Ganoon ba ako ka pangit?"

"Gaga hindi, hindi ka pangit. Hindi ka lang marunong mag-ayos ng sarili. Sinong broad comm major ang ayaw mag make-up ha? Napagsabihan ka na ilang beses. Sa laki ng eyebags natin hindi sapat ang pulbo at lipstick lang be.",sabi niya.

"Bukas, magsh-shopping tayo ng make-up mo."

"Wala akong pera."

"Anong wala kang pera? Galawin mo muna yang bank account mo sa ipon mo, tatlong libo lang naman."

"Tatlong libo?! Huwag na uy, maghahanap nalang ako ng ibang crush.",sabi ko.

"Gagi. Sige na, this is for you. I am not telling you to do this for him kasi girl kahit maghubad ka pa diyan hindi ka naman niya makikilala eh.",sabi ni Cams. Grabeng brutal naman to. "Do this for yourself. Dapat presentable ka lagi at hindi mukhang haggard sa set kahit nasa back of the camera tayo. Kapag ikaw na talaga ang nasa field, kailangan marunong kang mag-ayos.",sabi niya. May punto siya.

Natulog na kami at ni-look forward ko ang bukas. Hindi na muna ako nagbukas ng social media kasi nakabalandra pa rin sa news feed ko ang mga shared posts nila. Oo nga, ano bang laban ko kay Yna? Hindi naman kami talaga meant to be ni Luke from the start palang eh.

Ah, bahala na.

Sumunod na araw, pagkatapos namin magsimba ay dumeretso kami sa mall para mamili. Bumili kami ng bagong lipstick, eyeshadow, eyeliner, foundation, concealer, mascara, mga brush at mga gamit pang-kilay. Ang sakit sa puso nung tatlong libo pero iniisip ko nalang na investment ito.
"Oh ayan, basic na muna. Sa susunod na yung mga advanced level."

"Alam mo naman gamitin yan diba?" Tumango ako. May personality development kaming subject last year dedicated for this. Tumango ako sa tanong niya.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now