Chapter 33

6K 93 3
                                    

Elle's POV

'Yun na ata ang pinakamahaba at pinaka uncomfortable na dinner na naranasan ko. Kevin confirmed my suspicions. He's sweet and very likeable but I know it's not the right time, I have to finish my studies while working. Wala akong time para sa ganun. I have to get out of this house.

Even though I forgot a year, I know for sure that I didn't forget my goal to be independent and to stay away.

"Anak?" Nagulat ako nang nasa may bintana si mama na nakadungaw.

"Nakakagulat ka naman.", sabi ko at ibinaba sa sofa ang bag.

"Anak, may gusto lang sana akong pag-usapan." Huminga siya."Alam ko namang kaibigan mo sila Kevin at Luke pero kasi nitong mga huling araw eh parang malapit na malapit kayong tatlo sa isa't isa? Nanliligaw ba sila?" Ngumisi ako.

"Kailan ka pa nagka interest tungkol sa akin ng ganyan ma?"

"Ha? Bakit? Hindi lang ako sanay na may naghahatid sa'yo dito."

"Bakit? Kasi pangit ako?",tanong ko. Kumunot ang noo niya.

"Ganyan ba tingin mo sa sarili mo?" Hindi ako sumagot. "Kasi kung ganyan ang tingin mo sa sarili mo inig sabihin pangit din ang tingin mo sa akin." Tumawa siya. Kahit kailan, hindi niya sineryoso ang usapang to. Para sa iba, mababaw. Pero para sa akin, sa lahat ng iyak at pagsusumbong ko sakanya sa pambubully na inabot ko sa school, ni minsan hindi ako pinagtanggol ni mama. Ni minsan, hindi siya pumunta sa school para magreklamo. I had to figure out how to overcome while she fell head over heels with Tito Rico.

"Kung nanliligaw nga sila ma, magpapaligaw ba ako?

"Magpapaligaw? Ikaw bahala." And here she goes again.

"Hindi mo man lang ba ako pipigilan? Yung ibang mga nanay diyan pinipigilang magpaligaw yung mga anak nila."

"Eh malaki ka naman na anak.", sabi niya at tumawa. I hate that laugh. I hate it because it signifies how little she cares for me.

"Hello, nandito na kami!" Pumasok sa bahay si Tito Rico na buhat si Gian. "Oh, say hello to mama and ate Elle." Tumakbo papunta sa amin si Gian at niyakap.

"Ang baho naman ng baby ko, amoy pawis.", sabi ni mama at niyakap si Gian.

Pumunta ako sa kwarto ko. Sa isang iglap biglang wala nanaman ako sa pamilya. Akala ko, nagbago yung relationship namin ni mama sa loob ng isang taong nakalimutan ko, yun pala dahil lang sa na-aksidente ako. Ngayong okay na ako, naalala ko nanaman kung gaano ko kinamumuhian si Tito Rico.

Ayokong madamay si Gian, wala siyang kasalanan pero hindi ko maiwasang mainggit sakanya. Gustong gusto kong isumbat kay mama lahat pero wala pa akong napapatunayan. Naiinis ako.

Luke's POV

Dalawang linggo nalang High School Graduation na. Papasok na sana ako nang tumawag si Dad.

"Dad?", sagot ko. Nagkamustahan kami hanggat sa umabot na sa main topic.

"I will not force you to go abroad to study but if ever you will study there in the Philippines, you have to go to Camelia International." Napanganga ako, ang Camelia International ang isa sa top business schools sa buong Asya, pinakamahal din.

"Yes Dad.", sabi ko.

"Okay anak, I heard start of classes is on August. You still have 2 months after your graduation to have a vacation, do you want to somewhere as a graduation gift?", tanong ni Dad.

"I'll think about it Dad."

"Okay, let me know." Pumasok na ako sa school at nakita si Elle na naglalakad papuntang classroom, tumakbo ako papunta sakanya at sinabayan siyang maglakad pero parang hindi niya ako napansin. Mukhang malalim ang iniisip niya.

"Huy!"sigaw ko at nagulat siya. "Sorry. Bakit ba kasi ang lalim ng iniisip mo?"

"Wala, iniisip ko lang kung saan ang magt-trabaho sa 2 months vacation."

"Trabaho? Eh bakasyon 'yun ah." Tumingin siya sa akin. Oo nga pala, walang bakasyon sa kanya."

"Ikaw? Saan ka?"

"Ewan, diyan lang.", sabi ko. Hindi ko na sinabing baka magbakasyon ulit ako sa ibang bansa dahil alam kong manenermon nanaman siya kung gaano kalayo ang agwat ng buhay namin.

"Saan ka pala magc-college?" Tanong niya nang umupo kami sa loob ng classroom habang hinihintay magsimula ang klase.

"Camelia International.", sabi ko at nanlaki ang mata niya.

"Oh my god, really?!" Tumango ako. "Right, I almost forgot you can afford that school. Wow, I mean that's the top business school in Asia. Diyan nag-aral yung mga billionaires ngayon. Balita ko mga halos isang milyon ang per sem diyan ah? Wow. Unbelievable. Nakakahiya ngang hindi ka magaling sa Math."

"Hey. Don't underestimate me.", sabi ko. Tumawa siya. "Eh ikaw?"

"UP, itutuloy ko na 'yung Communication, actually magpapa-medical na ako."

"Nice, eh di isang oras lang layo natin.", sabi ko.

"Oh bakit? Wala ka nang oras gumala noon. At for sure, may iba ka na ring mga rich friends doon. Maghihiwalay na tayo ng landas pagkatapos nito Luke." Sinabi niya 'yon nang nakangiti.

"Hindi ka ba nalulungkot?", tanong ko.

"Magkikita pa naman tayo, tsaka ang totoong magkaibigan, kahit magkahiwalay,hindi nagbabago yan diba?"

"So you admit that we're friends already?"

"Ano pa bang magagawa ko Luke diba?", sabi niya at tumawa. "Ikaw nalang naman totoo kong kaibigan sa school na 'to. Mahirap man paniwalaan na ikaw, pero ikaw nga."

"Ha? Bakit?"

"Don't you really know? You're a celebrity here. Why would a celebrity be real friends with a nobody?" Ginulo ko ang buhok niya.

"Stop that, you're doing that again. Self pity. I hate it. You're my friend because you're fun to be with. True friends encompass differences.", sabi ko.

Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Nagsimula na ang klase.

Another Nerdy Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now