IX. utilize raP Manna: Case Closed

434 22 8
                                    

Phew! Nakapag-update rin! Nawawala na naman ang utak ko lately, pasensiya na. Sana magustuhan niyo ang chapter na ito! Enjoy! :)

***Joyce POV***

"Nawawala si Paulina?!" 

"Shhh!" Tumingin ako sa paligid at tumingin ulit sa kanya. "'Yan ang huling narinig ni Ate Dawn kagabi bago siya..." Oops! Naku, patay! Sabi pa naman ni Ate Dawn 'wag na 'wag kong ipapa-alam kay Kuya Red ang nangyari sa kanya kagabi. Paano na 'to?

"Bago siya...? Teka, nasaan ba siya, bakit hindi siya ang maghahatid sa 'yo pauwi kagaya ng napag-usapan niyo?" Nasa field kami ngayon at nakaupo sa isa sa mga bench. Nag-audition kasi ako para sa cheerleading team ng Reed High School at pinalad akong makapasa. Sabi nga nilang dalawa sa akin, 'live a normal high school life'.

"Uhh... Kasi... ano, eh..."

"Ma-May nangyari ba sa kanya? O-Okay lang ba siya?" Patay talaga ako kay Ate Dawn nito!

"Kagabi kasi ginanap 'yong Novice Ball nila. Eh... nalasing kasi siya tapos..."

"Nalasing? Ano'ng nangyari? Hindi naman siya umiinom, ah?"

"Kuya, kalma lang, okay? Okay lang siya. Kailangan lang daw niya magpahinga pa, sabi ng mga roommate niya. Bago siya nawalan ng malay, narinig nga niya na pinag-uusapan ang pagkawala ni Paulina Martinez. At ang huling chismis, hindi siya nakita sa Camp nila. Hinahalughog nila ngayon ang buong Reed Community at susunod na ang buong Reed University."

"Baka umuwi sa kanila?"

"Wala na siyang kamag-anak dito sa Pilipinas, sabi ng roommate ni Ate Dawn. Boyfriend na lang daw niya ang kasama niya dito, kaya wala na siyang ibang pupuntahan maliban dito sa Reed. Lalong lumakas ang kutob ko na kinuha na siya ng Espada. Kuya, kailangan natin siyang mahanap!"

"T-Teka, wala na ba'ng ibang impormasyon na nakuha si Dawn o wala na bang ibang nasabi ang mga roommate niya?"

"Wala na, Kuya. Tulog na tulog si Ate Dawn, mabuti nga at may naghatid sa kanya sa apartment nila kagabi--" Hainaku! Me and my big mouth! Ano ba 'to!

"Sino'ng naghatid sa kanya?"

"Ah... hi-hindi ko alam, eh! Ma-mahina ako sa pangalan, Kuya! Haha! P-Pero, 'wag ka na mag-alala sa kanya, okay? Kapag nagising siya, sasabihin ko na alalang alala ka sa kanya!"

"Ha? A-Ano ka ba, Joyce! 'Wag ka ngang masyadong madaldal diyan! H-Hanapin na lang natin si Paulina!"   

***

"Saan natin siya hahanapin, Kuya? Wala siya sa Camp nila, mukhang wala rin siya sa sa Reed Community." Ipinasok ko ang dala kong pompoms sa locker ko at isinara iyon. Ang mga locker namin ay nasa hallway ng ground floor sa main building ng high school department. 

"Libutin natin ang University. Pwede ba akong pumasok doon?" 

"Ang alam ko pwede. Sunday naman ngayon, eh." 

Nagsimula kaming maghanap sa Library. Pero walang kakaiba sa lugar na iyon. Sinunod namin ang Laboratory, pero wala rin kaming nakita. Nilibot namin ang buong Building I, II at III pero mukhang normal naman ang lahat doon. Kumain muna kami sa Cafeteria I at wala ring kakaiba doon. Dumaan din kami sa simbahan sa tabi ng Reed Garden, pero walang bakas ni Paulina Martinez doon.

"Nasaan ka ba, Paulina? Halos naikot na natin ang buong University, pero wala pa rin siya!"

"Joyce, hindi tayo pwedeng sumuko. May mga lugar pa tayong hindi napupuntahan dito."

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now