XXXVIII. Hang On

258 11 12
                                    


***Red's POV***

"Joyce!" Agad akong dumiretso sa Intensive Care Unit ng Reed Hospital at isang binatilyo ang nakita kong nakaupo sa labas ng kwarto. Nilingon niya ako nung narinig niya ang pagtawag ko sa pangalan ni Joyce.

"Kayo po siguro si Kuya Red. Ako po si Jacob, kaibigan at kaklase ni Joyce." Bakas ang magkahalong lungkot at pag-aalala sa tinig niya. Tumayo siya at lumakad sa tapat ng bintana ng kwarto. Sinundan ko siya at doon ko nakita si Joyce- nakahiga siya sa kama at kung anu-anong aparato ang nakakabit sa kanya. Napakapit ako sa salamin nang makita ko ang mga sugat sa katawan niya. Agad akong tumalikod at napaupo sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi pwede 'to.

"A-Ano'ng nangyari?"Ilang beses kong ipinikit ang mga mata ko at umaasang bangungot lang ang lahat pagdilat ko, pero tuwing ididilat ko ang mga mata ko'y ang puting sahig at pader ng ospital ang nakikita ko-patunay na totoo ang lahat. Sinaktan nila si Joyce.

"Nang matapos ang JS Prom kagabi, hinanap ko siya para alukin na isabay na pauwi. Nakita ko siya sa gate ng school kasama 'yong date niyang taga-University." Taga-University?

"S-Sino'ng taga-University?Alam mo ba 'yung pangalan?"

"Oo, Kuya. Theo ang pangalan niya."Sino naman si Theo? At bakit sasama si Joyce sa isang taga-University? "Hindi ko na siya nilapitan hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Nagulat na lang ako kaninang umaga nung kumalat sa Facebook page ng klase namin na nakita si Joyce sa gate na nagko-konekta sa University at sa High School Department. Mga guard at janitor ang nakakita sa kanya at nagdala sa kanya dito sa ospital."

"Ibig sabihin..." Kagabi pa nangyari ito sa kanya. Kagabi nung mga oras na ilang beses siyang tumawag sa'kin pero hindi ko nasagot.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta rito!"Sobrang bilis ng pangyayaring 'yon. Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko mula sa pagkakaupo at isang bagay ang tumama sa mukha ko. Napadapa ako at nakita ko na lang ang ilang patak ng dugo sa sahig.

"Dawn, please calm down!"

"I will not calm down, Grey! Kasalanan niya 'to! Kapag may nangyari kay Joyce, kasalanan mo! Narinig mo 'yun, Red?! Kasalanan mo kung anuman ang mangyari sa kanya!" Umayos ako ng upo at nakita ko si Jacob sa harapan ko. Inalok niya ako ng panyo habang pinipilit kong tumayo ng tuwid.

"A-Ayos ka lang ba, Kuya Red? S-Sorry po, h-hindi ko nasabi sa inyo na s-sobrang galit si Ate Dawn sa 'yo." Pilit akong ngumiti kahit na sobrang sakit ng panga ko sa malakas na suntok na tinanggap ko at ginulo ng bahagya ang buhok niya.

"Ayos lang ako, Jacob, 'wag ka magpasensiya. Inaasahan ko na rin naman 'to."

"Jacob, umuwi ka na. Tatawagan na lang kita kapag nagising na si Joyce." Mabilis na sumunod ang binatilyo sa utos ni Dawn at agad itong nagpaalam sa amin. Humarap na ako sa dalawa at ibinulsa ang panyong pinampunas ko ng dugo ko.

"Sino si Theo? Balita ko-"

"Let's not start from there, Mr. Domingo. He has nothing to do with what happened." Gusto kong mainis sa Grey na 'yon. Bakit ba siya nandito?!

"Nakausap na namin si Theo at wala siyang kinalaman sa nangyari kay Joyce. Isinakay niya si Joyce ng taxi pauwi at agad siyang bumalik sa Camp."

"His roommate testified to that. We also checked the CCTVs to verify his alibi."

"Ikaw. Nasaan ka nung mga oras na tinatawagan ka ni Joyce?! Tinignan ko ang cellphone niya at ikaw ang huli niyang tinawagan!" Sumugod na naman siya at itinulak ako hanggang sa tumama ang katawan ko sa pader. Pinaghahampas niya ako sa dibdib at nakita kong tumutulo ang luha sa mga mata niya. Humakbang na papunta sa kanya si Grey pero tumigil ito nang tumigil si Dawn sa kahahampas sa akin.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang