XXXV. Promise [preview]

216 8 0
                                    


***Red's POV***

Kaya ko ba? Agad kaming nagtungo sa Boys Dorm nang magising si Dawn. Hapon na at malapit nang magsara ang Monte Carlo. Nasa tapat na kami ng kwarto namin ni Vince at hawak ko na ang pihitan ng pinto. Kaya ko ba?

"Kuya Red, may problema ba?" Isang hamon ang tanong ni Joyce kung kaya ko ba. Ngayon, kailangan ko na itong harapin para malaman ang sagot.

"Ha? Ah, w-wala. Wala naman." Binuksan ko na ang pinto at itinulak ito para makapasok kami.


"Oh, Red, nandyan ka na pala. Halika, pumasok ka na sa loob at baka maulanan ka pa dyan." Sinalubong ako ng Mama ni Vince noong araw ng libing niya. Hindi ko na sinabi kina Dawn at Joyce ang lakad kong ito dahil alam kong makakasama ito sa kalagayan ni Dawn.

Tahimik akong pumasok at nakita ang pamilya at mga kamag-anak ni Vince. Nakilala ko ang iba dahil minsan nang ipinakita sa akin ni Vince ang ilang family pictures nila. Naupo lang ako sa isang bakanteng monoblock at naghintay ng hudyat ng pagalis papunta sa huling hantungan ng kaibigan ko.

"Hijo, kaibigan ka ba ng pamangkin ko?" Isang babaeng nasa edad kwarenta ang tumabi sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero bakas sa mga mata niyang namamaga ang sobrang kalungkutan.

"O-Opo. Magkaklase po kami sa Monte Carlo High School." Nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng tila galit. Hindi ako nakakilos nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang magkabila kong balikat.

"Sino'ng gumawa nito sa kanya?! Bakit siya pa?!"

"Auntie!" Napalingon kami sa boses ng kapatid ni Vince na si Victoria. Agad akong binitiwan ng tiyahin ni Vince at humingi ito ng tawad.

"Wala po 'yon. A-Alam ko pong mahirap para sa pamilya niyo ang nangyari." Tumayo na ang babae at tumungo sa direksyon ng CR.

"Kuya Red, pasensiya ka na kay Auntie. Siya kasi ang nagalaga kay Kuya simula noong dalawang taong gulang pa lang siya. Kinuha lang ulit siya nila Mama noong ipinanganak ako at napagdesisyunan ni Mama na 'wag na magtrabaho. Buhay pa kasi si Papa noon." Napayuko siya at ramdam ko ang sobrang kalungkutan sa mga salita niya. Dalawa na lang sila ng Mama niya ngayon.

"Magkasama na sila ngayon ni Vince na nagbabantay sa inyo ng Mama mo mula sa taas, Vicky."

"Oonga, Kuya. Alam kong hindi nila kami pababayaan ni Mama." Nagbuntong-hiningasiya at muling humarap sa akin. "Sumama ka sa akin, Kuya." 


to be continued... 02.20.16

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now