XXXII. The Fifth Day Part 5

250 14 3
                                    

Ang huling parte ng chapter na ito! Phew! Ano sa tingin niyo ang mangyayari? Matatapos pa ba ang kaguluhang ito? Matatalo ba ang Espada? Read away!


***Red's POV***

"18... 30... 26..." Dahan dahan kong inikot ang pointer ng lock na hawak ko habang umaalingawngaw ang magkahalong iyakan at sigawan ng mga tao sa paligid. Nawalan na kami ng tatlo, hindi na dapat iyon madagdagan pa. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa ikatlong estudyante. Kung naging mas maingat at mas mabilis lang sana ako, buhay sana siya ngayon.

Tick! Paghatak ko ng lock ay nahulog na ang kadena sa sahig. Napaupo ako at nakahinga ng maluwag. Agad bumaba ng stage ang estudyante na sinalubong ng mga tauhan ni Inspector Chan. Nakita kong isinukbit ng lalaking nakaitim ang kanyang sandata sa kanyang baywang at bumaba na rin ng stage. Para silang mga robot, sobra ang disiplina nila. At doon ko muling sinulyapan ang malaking screen.

Tumigil na sa pag-atake ang misteryosong lalaki kay Dawn at umalis na rin ito na parang walang nangyari. Agad tumakbo si Dawn sa direksyon ni Joyce na kasalukuyang nakadapa na sa sahig habang yakap ang pulang bandila. Sana ayos lang siya. Hindi pwedeng may mangyari sa kanyang masama!

"Joyce! Joyce, gumising ka!" Hindi ramdam ni Dawn ang sarili niyang mga sugat. Niyakap niya ang walang malay na si Joyce habang tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha niya.

"Wala bang tutulong sa kanila?!" Tumayo na ako at napasabunot sa buhok ko. Wala akong magawa kundi ang panoorin habang nasasaktan ang mga taong importante sa akin.


At parang narinig sa kabilang eskwelahan ang reklamo ko, pumasok sa Gym ng Reed ang Novice Leader na si Uno kasama ang nurse ng eskwelahan at ilang estudyante. Tinignan nila ang kundisyon ni Joyce at nilapatan ng pangunang lunas ang mga sugat ni Dawn. Masaya ako na may dumating na tulong, pero bakit biglang parang sana wala na lang?

Nakita ko kung paanong buong pag-aalalang niyakap ni Uno ang umiiyak na si Dawn at paulit ulit na sinasabing ayos na ang lahat. Pinahid niya ang mga luha nito at pilit na pinapakalma. Tinignan niya ang bawat sugat na natamo ni Dawn at isa-isa itong nilagyan ng gamot at benda. Ako dapat 'yon, hindi siya.

Nag-iwas na ako ng tingin sa screen at bumaling sa tao sa tabi ko. Hindi ko napansin na kanina pa siya iyak ng iyak. Nawala itong lahat sa isip ko. Akala ko tapos na. Akala ko makakauwi na kaming lahat at sisimulang kalimutan ang bangungot na ito. Pero hindi pa pala. Sa tabi ko ay nakatayo ang nalalabing bihag ng Espada na kailangan naming iligtas—si Helene.


"Parang pelikula, sobrang drama!" Halata sa misteryosong boses ang pagkadismaya. "One of my minions is dead, this is boring. Let's end the night. I had fun, Reed University and Brent International School!" Muling nagdilim ang buong paligid at nagkagulo na naman ang lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinundan ko na lang ang iyak ni Helen at naramdamang napaupo siya sa sahig.

Niyakap ko siya at ramdan ko ang sobrang panginginig ng katawan niya. Inilapit ko ang ulo ko sa tainga niya at bumulong, "Nandito lang ako, Helene. Hindi kita pababayaan." Mas isiniksik niya ang katawan niya sa akin nang marinig ang sinabi ko. Hindi ko alam kung gaano katagal magiging ganito ang sitwasyon ng eskwelahan namin o kung ano ang susunod na mangyayari. May narinig akong parang sumingaw sa likuran ko at may naamoy akong kakaiba. Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil napapikit na ang aking mga mata.


"Oo. Dito na muna ako hanggang malinis namin ang buong pinangyarihan ng krimen. I will communicate with my men there regarding our next step. I understand. Goodbye."

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now