III. Hello, Old Friend

544 22 8
                                    

By the power of Starbucks! hohoho! Nakakapag-upload ako ng dahil sa epekto ng kape! Sana okay pa sa inyo ang itinatakbo ng istorya natin. Medyo magiging busy ako after this. My braincells are tied on another task. lol Kung may mga tanong kayo, suggestions or violent reactions, don't hesitate to post a comment below at sisiguraduhin kong masasagot ko lahat iyan! :)

Soundtrack: Diwata by Abra feat. Chito Miranda

Media Box: Jacob and Joyce

***Joyce's POV***

TWO MONTHS AGO


"Ate, sulat para sa 'yo." Iniabot ni Stephen sa akin ang puting sobre at umalis na siya dala ang basketball niya. 

Tinignan ko ang sobre at inisip kung kanino naman kaya manggagaling ang sulat na ito. Dahan-dahan kong pinunit ang gilid ng sobre at inilabas ang laman nitong papel. Binasa ko agad ang laman nito at napatigil ako nang matapos ko itong basahin.

We regret to inform you that Monte Carlo High School will be closed starting school year 2016 onwards until further notice. Students will be given two weeks to vacate their respective dorm rooms. We apologize for the short notice. 

"Ano ba 'to? Sarado na ang Monte Carlo? Naku, problema 'to." Napa-sapo ako sa noo ko at maraming tanong ang biglang pumasok sa isip ko. Dahil ba ito sa pagkamatay ng ilang estudyante doon? Akala ko okay na lahat? Okay lang ba ang management ng school? Bakit biglaan naman? Saan na ako mag-aaral ngayon?

"Joyce?"

"Ma-Mama."

"I read the notice. I'm sorry, the school had to close down." Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"O-Oo nga po. Biglaan ang notice."

"May naisip ka na bang lilipatang school?"

"W-Wala pa nga po. P-Pero makakapag-isip po ako by the end of the week." At bigla kong naisip na may kailangan muna akong gawin bago ako pumili ng bagong eskwelahan. "Mama, pwede po ba akong pumunta ng Monte Carlo bukas? Kukunin ko lang po 'yung mga gamit ko."

"Oo naman, anak. Gusto mo ba samahan kita?"

"Ay, hindi na po. Alam ko po may pasok kayo bukas."

"Paano 'yung mga gamit mo?"

"May kasama po ako bukas, Mama. 'Wag po kayong mag-alala."

***

"Pasensya na kung biglaan ang pagtawag ko."

"Ano ka ba, wala 'yun! Matagal pa naman ang start ng klase ko. Ano'ng meron, bakit biglaan ang pag-alis mo dito?" Worry was all over her face. Tumigil siya sa pagtupi ng mga damit ko at tumingin sa akin.

"Ang totoo niyan, Ate Dawn, hindi lang ako ang aalis dito sa Monte Carlo."

"Ano? Ano'ng ibig mong sabihin?" 

"Magsasara na ang Monte Carlo, Ate Dawn. Kailangan na namin umalis lahat in two weeks."

"What?! Ba-Bakit? Sinabi ba nila kung bakit biglaan ito?" Napatayo siya at nag-simulang maglakad sa harapan ko.

"The notice didn't tell us anything. Pero ang hinala ko may kinalaman ito sa mga nangyari." Natahimik siya at tumigil sa paglakad. Lumapit siya at bigla niya akong niyakap. 

"I'm sorry..."

"Ate, wala ka namang kasalanan."

"So, saan mo balak pumasok niyan?" 

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now