XXX. The Fifth Day Part 3

228 15 2
                                    

Happy New Year! Sobrang late na, db? haha! Anyways, ito na ang update. Salamat sa nagbabasa ng TLISA kahit ang bagal ng update ko. Enjoy the chapters! I love you, mga astig!

PS. Ang kauna-unahang book trailer ng TLISA, nasa Media Box! Salamat ng marami kay Yanie Cadwell sa paggawa nito, galing mo talaga!


***Dawn's POV***

"Nasaan na nga ba tayo?" Isang boses ang narinig namin sa gitna ng kadilimang bumabalot sa buong Reed University. Nasa gitna ako ng diskusyon kay Uno, dahil ayaw niya akong paglaruin, nang mamatay lahat ng ilaw. Nagkagulo bigla sa field at nagkanya kanya ng takbo ang mga estudyante palayo sa lugar na iyon. Tatakbo na rin sana ako nang hawakan ako ni Uno sa braso at pigilan ako sa pagalis.

"Stay here." Pagbulong niya sa tenga ko.

"Hindi pwede, Uno! Ang mga estudyante—"

"Reed University!" Muling umalingawngaw ang misteryosong boses sa buong field. Naramdaman kong tumigil ang lahat dahil biglang tumahimik ang paligid. "Good evening! I apologize for interrupting you Camp Battles, but don't worry, I'll give you a game that you'll never forget!" Biglang nagliwanag ang malaking screen sa gilid ng field at nagulat ako sa nakita ko.

"No..."

"You are viewing Brent International School and it's live, my friends." Nakatutok ang camera sa limang estudyante. Lumapit pa ito hanggang sa makilala namin ang tatlong estudyante ng Reed na matagal na naming hinahanap. Nakapiring lahat ang mga mata nila at nakakadena ang mga kamay. Lumibot ang camera sa lugar na iyon hanggang sa matutok ito sa isang estudyanteng nakahiga sa sahig. Nakita ko si Inspector Chan na tila nilalapatan ng pangunang lunas ang nasa sahig. At doon ko nakita ang dugo.

"What are you doing, Dawn?! Call them right now and tell them to get my students back!" Hindi ko napansin ang paglapit ni Grey.

"What's happening Grey?" Tanong ni Uno sa kaibigan.

"Sasabihin ko sa 'yo sa ibang panahon, Uno. Not now." May namatay na. Ano'ng nangyari doon? Ayos lang ba si... At tumitig ako ng mabuti sa screen at hinanap ang taong iyon.

"Para hindi mangyari sa inyo ang ganito, 'wag na kayong magtangkang lumabas ng field. I have minions all over the campus watching your every move. Walang makakatakas."


"Damn it! Hindi ako makatawag, walang signal! Uno, tell everyone not to go out. We don't want a casualty from our campus." Nakatingin pa rin ako sa screen nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko at iniharap ako sa kanya.

"What the hell?!"

"Didn't I tell you to call them?! What are you staring at?!"

"'Wag kang sumigaw, kasi walang magagawa 'yan!"

"Grey! Dawn! Lahat natataranta na, hindi na dapat kayo gumaya sa kanila!" Pag awat sa amin ni Uno. Sasabat pa sana ako nang magbukas ang isang spotlight.

"I have this game called 'Get the Code and Save the Students'. Sa larong ito, kasali ang estudyante ng BIS na si Red Domingo..." At ipinakita na siya sa screen sa wakas. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang nangyari sa kanya. "Ang estudyante ng Reed na si Dawn Dominguez..." Natutok naman sa akin ang isang spotlight at ramdam ko ang mga matang nakatingin. "At ang limang estudyanteng ito." At muling ipinakita sa screen ang limang estudyante na hawak ng mga lalaking naka itim at may hawak na espada.

"A-Ano'ng kailangan ng taong iyon, Grey? Sino ba 'yon, ha?" Muling tanong ni Uno.

"Pare, not now!" Singhal ng isa.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang