XXVI. 2 Days

209 14 3
                                    

Kamustaaa!!!!!!! Naku, may tao pa ba sa University? Pasensiya na talaga kung sobrang tagal ng paghimlay ko! Naging busy kasi sa bahay at trabaho kaya hindi maisingit ang pagsulat. Pero, nandito na ulit ako! Nandyan pa ba kayo? hohoho! Ito na muna ang maikiling update. Marami pang susunod!


***Red's POV***

"Inspector Chan!"Hindi ko inaasahan na siya ang sinasabi nila Dawn at Joyce kanina noong kausap ko sila sa telepono. Pinagmadali nila akong papuntahin dito sa Reed University para makilala kung sinuman ang tinawag ni Grey para tumulong sa mga nangyayari sa eskwelahan niya. Lumapit ako sa lamesa kung saan sila nakapwesto habang initignan nila ang cheerleading team na nageensayo sa field.

"Raphael. Kamusta?" Matipid niyang bati habang nakangiti. Wala siyang pinagbago. Kung sabagay, ilang buwan pa lang naman simula nang huli namin siyang nakita.

"Mabuti naman po, Inspector. Kayo po, kamusta?" Inilapag ko ang bag ko sa lamesa at umupo sa tabi ni Joyce.

"She's Inspector Tantoco now, FYI!" Pagsingit ni Joyce habang nakangisi. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya at tumingin sa inspektor.

"Panguna ka talaga, Joyce!" Pagsuway ni Dawn sa batang katabi ko. Nagngitian lang sila at bigla akong nawala sa sirkulasyon.

"She got married over the summer, Kuya Red! Ayiiieeee!!!" At doon ko lang naintindihan.

"Ah, talaga? Wow, congratulations po pala, Inspector Ch- ay, Tantoco pala!" Sabay kamot ko sa ulo ko.

"That's fine, I'm still Inspector Chan in this field. Anyway, Raphael, why Brent International School?" Biglang tumahimik sa lamesa at sumeryoso ang lahat. Kailangan ko bang sagutin iyon ng totoo sa harap nilang lahat? Sa harap ni Dawn?

"Uhm... Kasi po... S-Sila ang u-unang nagpadala ng... acceptance letter sa'kin. Oo, s-sila nga."

"Talaga lang, ha? Hmm... Okay. I believe you. BIS is a great school, wala akong masasabi sa status ng eskwelahang iyon." Tumingin siya mula sa akin papunta kay Joyce tapos ay kay Dawn. "I'm just surprised that you three are not together after what happened." Matinding katahimikan na naman. Para kaming mga kriminal na kinikwestyon ng imbestigador na ito.

"I think it's because we have made our own choices."

"Raphael, do you really think that you guys have another choice in your situation?" Natahimik ako at sandaling nag-isip. Siguro nga, wala.


"Are the cases the same as Monte Carlo's?" Siya na rin mismo ang nag-iba sa usapan.

"Pareho po... na hindi. Ewan, Inspector! Ang labo nila ngayon!" Iritadong sagot ni Joyce.

"Malabo?"

"Una, nagpadala sila ng mga kakaibang red note sa amin. Tapos, kumukuha sila ng mga estudyante, randomly, pero hindi naman nila pinapatay. At ang paraan ng pag-atake nila ngayon, utak na ang dapat gamitin, wala ng pisikalan! Hindi ba malabo iyon?!" Gusto kong matawa habang nagsasalita si Joyce. Halatang masamang masama ang loob niya sa ginagawa ng Espada ngayon. 

"Hindi kami makakita ng malinaw na pattern sa ginagawa nila, hindi kagaya ng sa Monte Carlo. Pakiramdam ko tuloy ibang Espada na ito." Mahinahong sabi ni Dawn.

"At minsan sabay pa sila kung umatake dito at sa BIS." Dagdag ko.

"Hmm... That's really weird? For such an organized group, they wouldn't just do things randomly. May plano sila kung bakit ganito sila kumilos ngayon. Maybe trying a different approach, because they already knew how strong you are." Inilabas ni Inspector ang case book niya at nagsulat. "Anything else that you want to add?" Ipinakita namin sa kanya lahat ng red notes simula noong bakasyon hanggang nitong huli. Binanggit din namin sa kanya ng detalyado kung paano na umatake ang Espada ngayon.


***

"I'll let you know right away if I find something new. Magtatanong tanong ako sa opisina kung may nag-report na ng mga kasong ito para madispatsa na agad, for Mr. Reed's sake. Babalik ako bukas ng hapon kasama ang mabubuo kong team para sa operasyon na ito. Be careful, kids." Iyon lang at sumakay na siya sa puti niyang kotse at lumabas na ng University.

"Sa isang araw na ang ika-limang araw. Tatlong estudyante na ang nawawala at wala pa rin tayong plano. Walang clue kung ano ang balak nilang gawin sa mga susunod na araw. Mababaliw na talaga ako!" Sinipa ni Joyce ng malakas ang isang bato sa sahig sa sobrang pagkainis.

"Kalma ka lang, Joyce. We'll figure something out." Hinagod ni Dawn ang likuran ni Joyce para kumalma ito.

"Ano ba kasi talaga ang gusto nila?!" 

"Sa palagay ko, gusto nilang subukan kung hanggang saan ang kaya natin. Remember, they wanted Joyce to join them in the first place, pero hindi siya sumama sa kanila. Sa palagay ko, ginagawa nila ito para pasukuin tayo at ibigay si Joyce sa kanila." Kung tama ang hinala ko, iyon nga siguro ang plano nila. Hindi makalaban sa kanila si Joyce dahil utakan ang atake nila ngayon. Ibig sabihin, ayaw nilang may mangyaring masama sa kanya.

"Hindi pa ba malinaw sa kanila na kahit ano pa'ng gawin nila, hindi ako sasali sa kanila?! Harapin nila ako, hindi iyong kung anu-ano'ng kabobohan ang ginagawa nila! 'Wag na sila mandamay ng ibang tao!"

"Sa tingin ko, tama si Red. Ikaw talaga ang pakay nila, umpisa pa lang. Kaya... gusto nila akong patayin." Mahina ang pagkakasabi ni Dawn sa huli. 

"At pati ako." Iyon ang sinabi ng miyembro ng Espada na nakausap nila noon. Pinapa-patay na ng lider ng Espada si Dawn at ang mga kaibigan niya. Siguro para gumanti sa nangyari kay Khione. Siguro para wala nang kasama si Joyce at madali na nila siyang makukuha. 

"No. Walang mamamatay at hindi nila makukuha ang gusto nila. Sisiguraduhin kong pagdating ng araw na itinakda nila, hindi sila magtatagumpay sa balak nila."

"Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin, Joyce." Tumingin sa akin si Dawn at biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi pwedeng sumuko na lang.

"Hindi natin sila pananalunin."


***

Napag-desisyunan namin na mas maging alerto at magmasid sa kahit na anong kakaibang mapansin namin sa paligid. Tama si Inspector Chan, mas mahirap nga ang sitwasyon namin ngayon dahil magkakahiwalay kami. Pero wala nang magagawa sa bagay na iyon, dahil nandito na 'to. Hindi naman pwedeng mag-transfer na lang ng eskwelahan bigla, 'di ba? Isinawalang-bahala na lang muna namin ang mga personal naming issue sa isa't isa at itinuon ang atensyon sa nalalapit na ika-limang araw.

"Umaasa akong hindi mo sisirain ang pangako mo sa'kin, pare." Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagbulong sa akin ni George at sabay hampas nito sa likuran ko. 

"Sa pagkakatanda ko, wala akong binitawang pangako sa 'yo." At tila nawala lahat ng dugo niya sa katawan sa sinabi ko. Umiling na lang ako at tumawa. "Joke lang, pare! Masyado kang seryoso!" 

"Waw, Raphael Eduardo Domingo! Ikaw na yata kasi ang pinaka-seryosong taong nakilala ko, kaya lahat ng lumalabas sa bibig mo, pinaniniwalaan ko!" At nakitawa na rin siya sa akin. "Basta, ha? Maghanda ka na ng magandang pang-porma mo at siguradong maraming mangyayari sa araw na iyon!" Ngumisi siya sa akin at parang gusto kong kilabutan sa sinabi niyang maraming mangyayari sa araw na iyon. 

"Oo na! Sigurado akong handang handa ka na para sa araw na iyon, George! Mukhang hindi ka na nga makatulog sa kakahintay sa Party, eh!" Wala na akong magagawa sa Freshman's Party na iyon. Iyon din ang ika-limang araw. Isang mahabang araw na naman iyon para sa aming lahat.

"Siyempre! Live like there's no tomorrow, 'di ba?" Oo. Live like there's no tomorrow. 



---End of Chapter 09.14.15


The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now