XX. No Peace For Me

354 19 19
                                    

Updated na! Balik na tayo sa mundo ng ating mga bida. Maraming salamat sa mga nagustuhan ang dalawang chapter na inilaan ko para sa Espada. Kaunting break muna sa aksyon, medyo drama muna tayo. hohoho! Enjoy~



***Red's POV***

"One week of community service for the two of you, Raphael and Helene. Consider this the first offense and I hope there wouldn't be a second."

Napailing na lang ako habang pababa ng gusali kung saan kami kinausap ng head ng Office of Student Affairs. Nahuli kasi kami ni Helene na nanggaling sa Science Lab na nilagyan lang namin ng pekeng sign na "Under Maintainance" para walang pumasok habang nireresolba namin ang kaso ni PLAY.

Tinawagan ko si Joyce kanina pero, patay ang cellphone niya, kaya si Dawn ang tinawagan ko para kamustahin sila. Binalita nila sa akin na isang myembro ng Espada ang umatake sa kanila at nakipag-usap. Nakakapagtaka na umatake sila at walang namatay, at nakipag-usap pa talaga! Bigla na lang daw itong nahulog mula sa kisame at tumakbo palabas ng Science Lab nila.

Naging kakaiba na ang Espada simula nang mawala si Khione. May kinalaman kaya iyon sa lahat ng kakaibang ginagawa nila ngayon?


"Pasensiya ka na, ha?" Bigla akong napalingon sa kasama ko.

"Hmm?"

"Kung hindi ako naging pabaya, hindi sana tayo nahuli. Sorry."

"'Wag ka nang mag-alala doon, Helene. Hindi mo kasalanan." Ayokong isipin niyang siya ang may kasalanan kaya kami nabigyan ng parusa. Kung hindi siya nakasama sa Science Lab, hindi sana siya nadamay. Espada ang may kasalanan ng lahat ng ito!

"Uuwi ka na ba?" Bigla niyang tanong nang nakalabas na kami ng eskwelahan at naglakad na ako papunta sa direksyon ng sakayan ng FX.

"O-Oo. Pero ihahatid muna kita. Mahirap na. May umatake raw sa kanila kanina pagkatapos nilang mailabas si PLAY sa kahon na kinalalagyan niya."

"Naku, talaga? Ayos lang ba sila?" Puno ng pag-aalala ang tono niya.

"Ayos lang daw sila. Dinala na si PLAY sa ospital ng Reed at pauwi na rin si Joyce sakay ng shuttle ng Reed High School."

"Mabuti naman kung ganoon." Nagpatuloy na kami sa paglakad. "Mag-miryenda muna tayo sa bahay, ha?" Napatingin ako sa kanya at aalma na sana nang narinig kong tinawag na kami ng barker ng FX at sumakay na kami pauwi.



***

"Pwede magtanong?" Tumingin ako sa kanya habang nagmimiryenda kami sa sala nila. Alam ko na ang dapat kong gawin, nasa ulo ko na lahat ng sasabihin ko, pero bigla namang nangyari ito. Kailangan ko pa ring gawin ang nararapat.


"Ano 'yun?"


"Paano ka nakaka-move on?"


"Huh? A-Ano'ng ibig mong sabihin?"


"Sa nangyari. You and your friends... hindi ko alam kung gaano kadalas mangyari ang mga ganoong bagay sa inyo... at ayaw niyong magtanong pa ako ng kahit ano tungkol sa mga nangyayaring iyon, pero... ang gusto kong malaman ngayon... paano niyo nagagawang kalimutan ang mga ganoong pangyayari?" Tinignan ko siya sa mga mata niya at nakita ko ang takot. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now