XXIV. 4 Days

248 10 4
                                    

Happy first of June!!! Sorry kung natagalan, marami pa kasi akong inasikaso lately, pero okay na ang lahat. Sana nabasa niyo ang Sad Note ko at sana naipakalat niyo rin iyon sa mga kaibigan niyo sa Wattpad.


Anyway, pasukan na! Ang mga readers ba ng TLISA, mga estudyante rin kagaya ng mga bida natin? Balitaan niyo naman ako, kamusta ang school?


Ito na ang Chapter 24. Enjoy~




***Dawn's POV***


"Ano'ng sabi niya?" Tanong ko kay Joyce pagkatapos nilang mag-usap ni Red. Kasalukuyan kaming nagmi-miryenda sa Cafeteria habang ginagawa ko ang assignment ko sa English. Isang red note ang nakita ko sa aparador ko kanina bago ako pumasok. 4 Days. Iyon lang ang nakasulat, pero abut-abot ang kabang naramdaman ko sa red note na iyon. Binibilangan na nila kami. Ano'ng mangyayari pagkatapos ng apat na araw?


"Countdown daw siguro iyon. 5 Days ang nakasulat sa red note na nakuha niya, ngayon naman sa 'yo, 4 Days na lang. Natatakot ako, Ate Dawn. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa binabalak nila. Ngayon, nawawala na naman ang isang estudyante ng Reed."


Hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa plano nilang mangyari pagkatapos ng apat na araw, pero hindi ko pwedeng ipakita iyon kay Joyce. Kailangan kong maging matatag at malakas para sa kanya. Kailangan kong makausap si Red. Kailangan handa kami kahit papaano, kung anuman ang mangyari sa araw na iyon.


"'Wag ka mag-alala, Joyce. Malalampasan din natin ito, kakayanin natin. Sa ngayon, kailangan mahanap natin ang nawawalang estudyante. Hindi pwedeng nagtatagal ang pagkawala ng isang tao, lalo na kapag nasa paligid lang ang Espada."



"Queenie Arevalo. She's a Freshman and from Austerity." Hindi ko naramdaman ang pagdating niya. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Joyce nang maupo sa tabi ko si Grey. Nang mawala ang estudyanteng iyon, lumapit agad siya sa akin at nagtanong kung katulad ito ng kaso nila Paulina at Trisha. Hindi ko siya masagot dahil ayokong siguruhin ang posibilidad na iyon.


"We're receiving red notes, his protecting his school's image and credibility. Iyon lang iyon, Joyce, 'wag kang mag-alala."


"As I promised, I will not ask questions to whoever's doing these. Pero hindi ibig sabihin na hahayaan ko lang magpatuloy ang mga ito. I'm running a business here and students' safety is one of our priority. In many years of Reed University, this is the only time things like these happened. And I'm not going to let those damn people, whoever they are, ruin our business. Not in my management, no. Kaya kailangan ko ng tulong niyo." Ilang segundong natahimik ang mesa at walang gustong magsalita.


"Okay. Basta kapag sinabi namin na hindi ka na pwedeng makialam, hanggang doon ka na lang. Gagawin namin ang lahat para matapos na ito." Nakahinga ako ng maluwag nang tipid na ngumiti si Joyce kay Grey. Akala ko magtatampo na naman siya sa ginawa kong desisyon na makipagtulungan sa may-ari ng Reed.


"Sounds like a good deal. The weirdest deal I've had, actually- a deal with a feisty Freshman and a high school student." Tumitig siya mula sa akin papunta kay Joyce. "So, do you have any ideas? Plans? What are we going to do now?"

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon