XXII. Love At First Sight?

313 17 6
                                    

Kamusta? Update ulit! Salamat sa lahat ng pagbasa, pagboto, pag-comment at pag-share ng TLISA! Kung may gusto kayong makita sa mga susunod na chapter, 'wag kayong mahiyang mag-suggest, gagawan ko ng paraan 'yan! Happy Mother's Day pala sa mga nanay niyo! :)


Media Box: Joyce and Theo



***Joyce's POV***


"Indulge!" Pag-gaya ko sa sinabi sa'kin ng Uno na 'yun kanina. "Tss. Nakakatawa siya! Hindi na lang sabihin na gusto niya makausap ng solo si Ate Dawn, ang dami pang pasakalye!" Pumunta ako sa isang buffet table at masarap nga ang mga pagkaing nakahain dito. Wala namang mawawala kung kakain ako, tutal, party nga naman ito. Naalala ko tuloy ang usapan namin kahapon.



"Kahit 'wag na tayong pumunta sa after-party. Matapos ko lang 'yung Confirmation Rites, alis na rin tayo, para maaga rin kita maihatid sa bahay niyo."


"Where's the fun in that? Nandoon na rin naman ako, edi lubusin ko na! Minsan lang ako makasama sa mga collegiate event, todohin ko na ang experience." Habang tahimik ang Espada, lubusin na dapat namin ang mga ganitong normal na oras.


"Mas excited ka pa kaysa sa 'kin, ah?"


"Ate Dawn, loosen up a bit! Masyado kang tight, eh! Ikaw itong push ng push sa akin na i-enjoy ang high school life ko, ikaw naman ang super boring ng college life!" Inakbayan ko pa siya para i-diin ang punto ko. "Alam natin na sobrang hirap ng pinagdaanan mo noong high school. Kung tutuusin, wala ka na ngang na-enjoy na moment sa apat na taon na iyon, eh. Kaya bumawi ka sa college years mo, Ate Dawn! Have fun!"


"Grabe, kung anu-ano sinasabi mo diyan! Oo na, sige na! Have fun, have fun ka pa diyan!" At nagtawanan lang kami sa medyo drama moment na iyon.


"Nga pala, Ate, si Kuya Red ba pupunta rin?"


"Hindi. Hindi ko na siya inimbita. Ayoko na siyang abalahin sa walang kwentang okasyon na 'yun. Saka alam kong busy siya sa school-"


"OMG! Don't tell me, non-speaking terms pa rin kayo? Grabe, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa inyong dalawa! Hindi naman kayo, pero ang OA ng LQ niyo, ha!"


"Tse! LQ ka diyan! 'Yang utak mo, ipapa-vacuum ko 'yan, eh! Kung anu-anong dumi ang namamahay dyan, eh!" Inalog-alog niya ang ulo ko habang tumatawa. Tumigil lang siya nang makita ang parating na school bus na maghahatid sa 'kin pauwi.


"Bye, Ate Dawn! Kita na lang tayo bukas!"



Kukunin ko na sana ang natitirang cream puff na nakahain sa mesa nang may makabangga ang kamay ko papunta rito.


"Sorry." Sabay naming sabi. Napatingin ako sa may-ari ng boses at natulala ako nang magtama ang mga mata namin. Ang pogi!


"Sa'yo na, Miss. Mayroon pa yata sa kabilang table niyan." Narinig ko ang sinabi niya, pero hindi ko naintindihan. Epekto lang ba ng ilaw o gutom ko lang ito? "Uh... Miss? Okay ka lang ba?" Pumitik pitik siya sa harapan ko na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyang panahon.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now