IV. utilize rap manna

537 23 6
                                    



***Red's POV***

X=72. Tapos na ako sa huling item sa assignment namin at isinara ko na ang notebook ko. Ibinalik ko na ito sa bag ko at tumingin sa relo ko. May thirty minutes pa ako bago ang susunod na klase. Ano pa ba'ng pwede kong gawin? I stood up from my seat ang left the classroom. Isa isa na ring dumating ang mga estudyanteng susunod na gagamit ng classroom. I pulled out my cellphone from my pocket and dialled a number. The line was answered on the second ring.

["Kuya Red!!!"] Kailangan ko pang ilayo ang tainga ko sa cellphone ko dahil sa lakas ng pagbati niya.

"Hi, Joyce. Kamusta na?"

["Okay naman. Ang laki ng school na 'to, grabe. Siguro, doble ng Monte Carlo! High school department pa lang iyon, ha! Ang daming estudyante, nakakalula. Maganda naman ang turo nila at organized din ang lahat. Wala kang klase?"]

"Mamaya pa ang klase ko. Mabuti naman at okay ka diyan. Uhm..." Tumigil ako sa paglakad at sumandal sa poste na katapat ng susunod kong klase. 

["Hindi pa kami nagkakausap ng matagal ni Ate Dawn. Masyado siyang busy sa mga klase niya at doon sa Novice Assessments niya."] I cleared my throat and stopped myself from laughing. Kahit magkalayo na kami, alam niya pa rin basahin ang utak ko. Telepath yata itong batang ito.

"Uhm... Hi-Hindi naman t-tungkol doon ang i-itatanong ko. I was about to ask about... the red note."

["Kunwari ka pa diyan, Kuya Red! Kahit hindi kita nakikita, alam kong sinisipa mo ang sahig at nakayuko ka na naman! Ahahaha!"] Bigla kong itinigil ang pagsipa sa sahig at tumingala sa langit. Hindi ko na napigilang ngumiti. Napa-iling na lang ako sa sinabi ni Joyce. Sa maikling panahon, kilalang kilala na niya talaga ako.

"Hindi ko kaya ginagawa iyon!"

["Okay, ikaw bahala!] The line went silent for a couple of seconds and I got worried.

"Joyce? Joyce, okay ka lang ba?"

["Oo, Kuya. Sorry. Naisip ko lang kasi iyong red note. It was good dahil wala na akong natanggap na kahit anong red note. Nothing weird's happening since I started here."] Napahinga ako ng maluwag nang malaman kong tumahimik na sa panggugulo sa kanya ang mga iyon.

"That's good. Malamang nagbago na ang isip nila."

["As much as I want to believe that, Kuya. Pero lolokohin ko ang sarili ko kung maniniwala ako doon. I will not let my guard down."] She was really serious about this. Ako mismo nasaksihan ko kung paano kumilos ang Espada. Nakakatakot. ["Pero 'wag kang mag-alala, Kuya. Ate Dawn checks on me from time to time, too. Kanina nga lang umaga nagkita kami, bago siya tinawag noong mukhang mayabang na Novice Leader nila."]

"Novice Leader?"

["Uy, curious!"] I mentally kicked myself for letting that one slip.

"Wa-Wala. Kalimutan mo na! Ikaw talaga bata ka! Sige, tatawag na lang ulit ako. May klase na ako, eh. Ingat ka na lang palagi." She bid me goodbye and the line got cut off. 


"Girlfriend mo?" Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa gulat. Tumingin ako sa tagiliran ko at nakita kong nakasilip si Helene sa cellphone ko. Agad ko itong ibinulsa at iniwasan siya ng tingin.

"Wala kang pakialam." Lalakad na sana ako palayo sa kanya nang bigla niyang hatakin ang braso ko at tumayo siya sa harapan ko.

"Ang sungit mo talaga eh, no? May problema ka ba sa akin, Raphael Domingo?" I removed her hand on my arm and looked away. 

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon