XXI. Confirmation Rites

322 18 0
                                    

Napansin ko lang, hindi maipinta ang spacing ng bagong interface ng My Works na 'to! Pasensya na kung nakakalula ang spaces, hindi ko kasalanan 'yan. hohoho!



***Dawn's POV***


"Ma-mi-miss ko kayo!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Lizzy.


"Sana magkakasama pa rin tayo sa susunod!" Pagpunas ni Anne sa luha niya.


"Alam naman natin na hindi mangyayari 'yun, 'di ba? Halata naman na iba iba ang Camp na mapupuntahan natin." Pagbuntong-hininga ni Kris.


"Pwede pa naman tayo magkita sa campus, eh." Sinubukan ko na lang pagaanin ang loob ng mga roommate ko. Sa maikling panahon, naging malapit din kami sa isa't isa kahit papaano. Pagkatapos ng araw na ito, magkakahiwa-hiwalay na kami at mapupunta na sa kanya-kanyang bagong Camp. Ito na ang araw ng Confirmation Rites.


"Sino'ng inimbitahan mo, Dawn?" Tanong ni Kris.


"Iyong kaibigan kong si Joyce. Ayoko nang abalahin ang Tita ko sa event na ito."


"Si Pogi, hindi pupunta?" Nakangising tanong ni Anne sa akin. Natawa lang ako at umiling.


"Ayoko na rin siyang abalahin, Anne."


"Anyway, sigurado na akong sa Concord ako mapupunta! Nakita niyo ba kung gaano katuwang-tuwa 'yung Camp leader nila nang makita 'yung flower arrangement na ginawa ko?" Puno ng liwanag ang mukha ni Anne nang sabihin niya iyon. Matagal na niyang pangarap ang mapunta sa Concord.


"Join ako diyan, friend! Nagustuhan niya rin 'yung decoration na ginawa ko last week sa mental institution na pinuntahan natin!" Nag-apir silang dalawa ni Lizzy at nagpatuloy sa pag-iimpake.


Nagpunta kami noong nakaraang linggo sa isang mental institution kung saan kami nagbigay ng tulong sa mga pasyente roon. Programa iyon ng Austerity at isinama ang mga Novice doon para tumulong. Doon ko nakita ang iba't ibang klase ng pasyente na may sitwasyon na kagaya ng sa akin. Dahil doon mas lalo akong naging determinadong tapusin ang kursong kinuha ko para makatulong sa mga kagaya ko.



***

Nakapila na kaming lahat sa likod ng entablado at nag-aantay na lang para tawagin ng host ng programa. Pinagsuot lang kami ng kahit na ano'ng damit na puti sa huling araw namin bilang mga Novice. Hindi pa rin ako sigurado kung saan ako mapupunta hanggang ngayon. Ang gusto ko lang matapos na ang gabing ito at mamuhay na ng normal bilang estudyante.


"Dawn." Lumingon ako sa boses na paulit-ulit kong narinig sa tatlong buwan na Novice ako.


"Uno." Walang-buhay ko siyang tinignan at napansin kong parang may kakaiba sa kanya ngayon.


"Congratulations." Sabi niya habang nakangiti. Isa na naman yata ito sa mga lasing moments niya. Mabait siya, eh.


The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now