XVI. PLAY: Case Closed Part 1

429 20 14
                                    

***Joyce's POV***

Masisiraan na ako ng ulo. Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa mga nangyayari. Ano ba'ng trip ng Espada at sabay sabay silang umaatake? May deadline ba silang hinahabol o may quota sila na dapat mabiktima bago maubos ang ibinigay na oras sa kanila? May klase ngayon at hindi kami basta basta pwedeng lumiban para puntahan ang mga biktima nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko!

"...nawawala naman! Tsk!" Nagulat ako nang tumambad sa harapan ko ang mukha ni Jacob. Ilang pulgada lang ang layo nito sa mukha ko at agad ko siyang itinulak palayo.

"S-Sorry..." 

"Ayos ka lang ba, Joyce? Kanina pa ako kwento ng kwento dito, may narinig ka ba sa mga iyon?" Napatitig lang ako sa kanya at doon ko lang napansin ang ingay ng klase. 

"H-Huh? Teka... T-Tapos na ang Trigo?" Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at wala na nga ang teacher namin. 

"Kanina pa tapos. So, ibig sabihin, sa lahat ng sinabi ko wala kang nakuha? Grabe..."

"S-Sorry, Jake. A-Ano nga iyong sinasabi mo?" Naawa naman ako sa kanya. Siya na nga lang ang kaibigan ko, ginaganito ko pa.

"Hay... Ang sabi ko, narinig mo na ba iyong balita na may nawawala na namang college student sa University? Iyong Captain ng Volleyball Team nila, si Patrisha Lee Ang-Yao. Balaan mo kaya iyong kaibigan mo na mag-ingat, kasi..." Hindi ko na pinakinggan ang iba pa niyang sinabi. Paano nakakarating sa high school department ang mga nangyayari sa University? Lalo tuloy akong nangati na pumunta na sa Science Lab. 

"Hindi pa ba lunch?" Nakita kong nagulat siya sa tinanong ko.

"May sakit ka ba? Lunch? Unang subject pa lang natin, Joyce. Meron pa tayong Filipino, English at H.E. bago mag-lunch. Alam mo, nag-aalala na ako sa 'yo."

"So-Sorry. G-Gusto ko na kasi mag-lunch."  Palusot ko.

***

Naging mabagal para sa akin ang takbo ng oras. Lutang na lutang ako sa mga klase ko at ilang beses akong tinabig ng katabi ko tuwing tinatawag ako ng teacher. Naubusan na nga ako ng palusot kay Jake tuwing tatanungin niya ako kung ano'ng tumatakbo sa isip ko at wala ako sa focus. Ayokong magsabi sa kanya ng kahit ano'ng pwede niyang ikapahamak. 

Tumunog na ang bell at sigurado akong lunchbreak na. Agad akong tumayo sa upuan ko at lumabas ng kwarto. Parang tinawag pa yata ako ni Jake pero wala na akong oras para lumingon pa at kausapin siya. Magalit na siya o kung anuman, mas madali iyong maayos kaysa sa pwedeng mangyari kay PLAY. Inilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ng uniporme ko at mabilis na tinawagan si Ate Dawn.

["Joyce."] Pangalawang ring pa lang, sumagot na siya. Mukhang hindi rin siya nakatulog magdamag at gusto nang tapusin ang kabaliwang ito.

"Ate. Papunta na ako sa Cafeteria niyo."

["Okay, sige. Hintayin mo ako doon, may dadaanan lang ako. Mag-ingat ka."]

"Ikaw din, Ate Dawn." Iyon lang at natapos na ang tawag. Nag-dial ulit ako ng isa pang numero sa cellphone ko. Hindi kagaya ng nauna kong tawag, ilang ring muna ang narinig ko bago siya sumagot.

["Joyce."]

"Kuya Red. Magkikita na kami ni Ate Dawn. Kamusta ka diyan? May bago ba?" 

["Walang bago. Pupunta kami sa Science Lab after lunch."] Kami? 

"Okay, sige. Tawagan mo na lang ako kapag papunta ka na sa Science Lab. Mag-ingat ka, Kuya Red."

["Mag-ingat din kayo diyan."] Natapos lang sa ganoon ang usapan namin. Sino kayang 'kami' ang sinasabi niya? Don't tell me, isasama niya iyong babaeng iyon? Ganoon ba siya ka-tensiyonado at kailangan niya ng kasama? Tsk! Kasalanang lahat ito ng Espada, eh!

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon