XXIII. [preview] 5 Days

247 16 3
                                    

***Red's POV***


"Hello, Joyce. May bagong red note." Nakahiga lang ako sa kama ko at tinitignan ang pulang papel na nakita ko sa loob ng locker ko kanina pagkatapos ng klase namin sa PE. 5 Days. Iyon lang ang nakasulat sa papel at hindi ko alam kung ano na naman ang ibig sabihin nito. Pero ang sigurado ako, hindi maganda ang mangyayari sa araw na iyon.


["Ano 'yun, Kuya Red?"] Medyo pasigaw na tanong niya sa kabilang linya. Rinig na rinig ko ang malakas na tugtog at mga taong nagtatawanan at naguusap sa paligid. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas onse na. Nasaan ang batang ito ng ganitong oras?!


"Joyce, nasaan ka?"


["H-Ha? Uhm... Na-Nandito ako sa Reed, K-Kuya. Ano ulit 'yung s-sinabi mo kanina?"] Mas tumahimik na ang paligid niya ngayon. Mukhang lumipat na siya ng pwesto.


"Sa Reed? Ano'ng ginagawa mo sa Reed ng ganitong oras? Sino'ng kasama mo diyan?"


["Uhm... S-Si Ate Dawn, Kuya. Confirmation Rites kasi nila ngayon, 'yun 'yung graduation nila mula sa pagka-Novice."] Confirmation Rites? At hindi ko man lang alam ang tungkol dito?


"Okay, sige. Mukhang nasa party ka pala. Pasensiya na sa abala."


["P-Pero, Kuya! Ano iyong si-sinabi mo kanina?"]


"Mag-ingat ka paguwi." At agad kong tinapos ang tawag.


—to be continued...

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now