XXXVI. Weird Revelation

363 15 11
                                    

Ang pahabol na chapter para sa Love Month! Enjoy! 


***Dawn's POV***

Isang halik sa labi ang ibinigay niya sa akin bago siya naglaho sa liwanag ng kalangitan.

Vince! Agad akong napamulat ng mga mata at tila gusto ko siyang abutin. Gusto ko siyang hawakan at yakapin sa huling pagkakataon. Hindi sinasadyang tumulo ang luha ko at wala akong nagawa kundi ang bumaluktot sa kama at ubusin ang mga luha ko. Nangako ako sa kanyang magiging masaya na ako at ipagpapatuloy ang bagong buhay na ito. Isang taon mahigit na ang nakakaraan nang mawala siya, pero hindi ko pa rin yata kaya.

"Dawn? Ayos ka lang ba?"

"Uhm, o-oo." Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at sumandal sa headboard ng kama. "P-Panaginip lang. Sorry, nagising ba kita?" Binuksan ng roommate kong si Chantal ang ilaw sa kwarto at nagliwanag ang mga ikinabit naming Christmas lights sa ulunan namin. Napagkasunduan naming mas maganda ang ganito kaysa sa normal na lamp shade.

"Hindi naman. Actually, nag-alarm din ako ng maaga para makapaglaba. Gusto mo ba ikuha kita ng tubig?" Wala siyang alam sa nakaraan ko, pero puno na siya ng pag-aalala sa akin simula nang umatake ang Espada rito. Ayoko nang mandamay ng isa pang roommate sa gulo ng buhay ko.

"A-Ayos lang, ako na lang ang bababa mamaya."

"Was it a bad nightmare?" Umiling ako at ibinalot ang comforter sa katawan ko.

"It was my... boyfriend."

"Hindi ko alam na mayroon ka palang boyfriend?" Napangiti ako at napabuntong-hininga.

"Yeah, ako rin hindi makapaniwalang boyfriend ko siya."

"Pero... wala naman akong nakikitang dumadalaw sa 'yo rito? Oh, is that the guy from BIS?"

"No. My boyfriend's dead."

"Oh. I'm sorry." Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"He visited for the last time, I think. Ito kasi ang unang beses na napanaginipan ko siyang pumunta na sa liwanag."

"He'll watch over you from up there, Dawn."


***

Katatapos lang namin mag-almusal ni Chantal at napagdesisyunan kong tumakbo muna sa field. Pagbukas ko ng pinto ay nandoon na naman ang isang pirasong pulang rosas na may pulang card kung saan nakasulat ang salitang "Always." Halos tatlong buwan na akong nakakatanggap nito at hanggang ngayon hindi ko alam kung kanino galing ang mga ito. Minsan sa upuan ko sa klase ito nakalagay, minsan sa locker ko o madalas dito sa dorm.

"Oh, ang aga naman ng delivery niyan ngayon? Baka sa susunod isang bouquet na 'yan!"

"Bakit hindi siya mismo ang maghatid sa akin, kung sinoman siya?" Ipinasok ko ang bulaklak at inilagay sa flower vase na binili na namin para sa mga bulaklak na ito.

"Malay natin! Valentine's na kaya bukas! Ayiiie!"

"Tumigil ka nga dyan at maglaba ka na! Alis na ako."


Nagpunta ako sa bahay nila Vince noong araw ng Pasko at nagbigay ng regalo sa Mama at kapatid niya. Nagdala rin ako ng cake na itinuro sa aking lutuin ni tita Rika. Kagaya ko, pinipilit nilang mabuhay ng wala na naman ang isang myembro ng pamilya nila. Nangako akong dadalawin sila ng mas madalas at inaya pang pumasok sa Reed University si Vicky para mabantayan ko siya.

"Salamat sa mga ginagawa mong ito, Dawn. Pero hindi mo na kailangang itali pa ang sarili mo sa amin. Hindi mo kasalanan ang nangyari kaya hindi mo kailangang gawin kaming responsibilidad. Masaya kami na nakilala ka ni Vince at ng pamilyang ito. Malaki ang ipinagbago niya at noon lang namin siya nakitang ganun kasaya. Hindi naming malilimutan ang lahat ng nagawa mo para sa kanya, Dawn."

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu