XVIII. [preview] In The Eyes of Espada

311 20 5
                                    

***Espada Asia's POV***

Pesteng 'yon, ah! Humanda talaga sa akin kung sinuman ang gumawa noon kanina! Ugh!

Agad akong tumungo sa isang abandonadong gusali sa likod ng Science Lab ng unibersidad na iyon. Pinapagpag ko pa rin ang dumi mula sa pagkakahulog ko sa kisame nang makita ko siyang nakatayo sa may pintuan at nakasandal dito habang naninigarilyo.

"How dare you do that to me!"

"How dare you interrupt with my plan!" Dalawang talampakan lang ang pagitan namin pero ramdam na ramdam ko ang galit niya. "Sino'ng nagsabi sa 'yo, na pwede kang magsalita?! Sino'ng nagsabi na pwede mo silang kausapin, huh?!" Agad siyang nakalapit at hinawakan ako ng mahigpit sa leeg.

"V..."

"Just say sorry, Asia, para matapos na 'to. Let's just go home, sobrang boring na ng ginagawa natin dito, eh!" Hindi ko napansin ang pagdating ni Frost. 

"S-Sorry, V..." At agad niya akong binitawan at nagpatuloy lang siya sa paninigarilyo. Sino ba siya sa akala niya? Ni hindi nga siya miyembro ng Espada! 

"Kung ano lang ang inutos ko, 'yon lang ang gagawin niyo!" Binitawan niya ang sigarilyo niya at inapakan ito ng todo sa sahig. Tinignan ko siya ng masama habang palayo siyang lumalakad papunta sa loob ng university na tinitirahan niya.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]On viuen les histories. Descobreix ara